CHAPTER TWENTY TWO
"Mahal na mahal kita."Mapait akong napangiti. Hindi ko alam kung bakit nung sinabi niya 'yan sakin, ang sakit sakit ng dibdib ko. Ang sakit at tanging luha lang ang kaya kong ilabas. Hindi ako makapagsalita at hindi ko rin alam ang isasagot sakaniya.
Umiwas ako ng tingin at kinuha ang bote na nakapatong sa table. Mabilis ko 'yung tinungab ng tuloy tuloy. Narinig ko ang pagsinghap niya ngunit hindi ko siya pinansin. Naubos ang laman ng hawak kong bote kaya nilapag ko 'yon sa table at nagbukas ulit ng isang beer. Iinumin ko na sana 'yon kaso may humawak ng braso ko at pinigilan akong uminom.
"Dahan dahan lang." Para akong kinuryente dahil sa paghawak niya. Mahinahon siyang nagsalita at bigla akong nanginig. Argh. Ganto ba ang epekto ng alak sakin?
"W-Wag mo akong pigilan. Kasalanan mo kaya ako nag iinom ngayon." Sagot ko at mabilis na ginalaw ang braso ko para alisin niya. Nang alisin niya doon ang nakakakuryente niyang kamay, mabilis ko ulit tinungab ang bote.
"Baka malasing ka at kung ano pa ang magawa ko sayo kaya tigilan mo na 'yan." Makahulugan niyang tugon. Napatingin ako sakaniya at nagtama ang paningin namin. Naningkit ang mata ko. Hindi ko na alam ang nangyayari sa katawan ko. Mahihilo na yata ako. Pero dalawang bote palang naman ang nainom ko? Atsaka, hindi naman ako tinatablan ng alak? Bakit ganito ang pakiramdam?
"Ba.. bakit? Anong gagawin mo ha?" Tanong ko sabay singhot. Napatingin siya sa labi ko kaya naningkit muli ang mata ko. "May balak kang masama sakin, 'no?"
Napaiwas siya ng tingin. "Wag kang humarap sakin. Naaakit ako."
Natawa ako at sinilip ang mukha niya. "Bakit ka naaakit? Kasi mahal mo ako? Kasi asawa mo ako? Nagagandahan ka sakin?"
"Fuck!" Sabi niya at ginulo ang sariling buhok gamit ang isa niyang kamay. Tumayo siya at lumipat sa kabilang sofa. Magkaharap na kami ngayon at napapagitnaan namin ang glass table.
"You said you love me."
Hindi siya nakasagot.
Ngumuso ako, "Dapat hindi mo nalang sinabi na mahal mo ako kung lalayo ka lang din pala sakin. Atsaka, sana hindi mo nalang rin sinabi na mag-asawa tayo dahil naguguluhan ang isip ko. Sana hindi nalang tayo nagkita. Sana hindi mo nalang ako dinala dito. Mas lalo mo pa tuloy ginulo ang utak ko. Bwisit ka."
"W-What? Okay, I'm sorry."
"Anong ginawa mo kay Al?" Pag iiba ko ng topic. Siguradong malalagot ako nito kay Al mamaya. Tatabunan niya ako ng maraming tanong at hindi ko alam kung masasagot ko ba ang mga 'yon.
"Sinong Al? Yung lalaking kanina?" His jaw was clenched. "Wag mo sabihing nag aalala ka dun imbis sakin? Asawa mo 'ko, right? Sino ngayon ang uunahin mo?"
Mapait akong ngumisi. "Si Al."
Nalaglag ang panga niya sa diretsong pagsagot ko. "Seriously?"
"Yes. I'm dead serious." Sabi ko at lagok ng beer. Nalasahan ko ang pait nun kaya bigla akong napangiwi.
Nakita ko sa gilid ng mata kong tumayo siya at linapitan ako. Inagaw niya sakin ang bote at nilapag sa table. Napanganga ako sa ginawa niya. Umupo siya sa tabi ko at tinitigan ako ng mariin.
"Ano bang problema mo?!"
"Bakit ba mas pinapahalagahan mo 'yung lalaking 'yon kesa sakin? Sinuntok din naman niya ako ah? May sugat rin ako. May pasa rin ako dahil sa kagagawan niya. Bakit mas nag aalala ka sa lalaking 'yon?!" Iritadong sambit niya. Ngayon ko lang napansin ang sugat sa labi niya at pasa sa gilid ng mata niya. Tss. Kasalanan din naman niya bakit nasuntok siya ni Al. Para siyang bata kung makasumbong.
"Paniguradong mas malala ang tinamo ni Al kesa sayo." Sagot ko at tatangkain sana ulit kunin ang bote pero mabilis niyang nilayo. Napairap ako sa kawalan.
"Cherry. I'm your husband."
Hinarap ko ulit siya. "Oh, ano naman?"
Naaasar na napakagat siya ng labi at ginulo ulit ang sariling buhok.
"Ganyan ka lang ngayon dahil hindi ka naniniwala sa sinasabi ko. Pero kapag napatunayan kong totoo ang sinasabi ko, humanda ka." Sagot niya.
"Bakit? Nasaan ang patunay mo?"
Tinignan niya ako ng masama at bigla nalang siyang tumayo at umakyat patungong kwarto niya. Napakunot pa ang noo ko at hindi nalang siya pinansin. Binalingan ko ng atensyon ang alak na iniinom ko at tumungab ulit. Hindi ko alam kung bakit kahit ang pait ng lasa nito, nagugustuhan ko parin.
Bumuntong hininga ako at kumuha ng pulutan at sinubo 'yon. Maya maya'y may narinig akong yapak pababa galing sa hagdan. Paniguradong si Luijin 'yon. Hindi ko siya pinansin at nakatingin lang ako sa bote ng alak na nangangalahati na.
"Gusto mong patunayan ko diba?" Sambit niya habang papalapit sakin. Mapait lang akong napangisi. "Oh ito!"
Bigla niyang hinagis sakin ang envelope na hawak niya. Nailapag ko ang hawak ko ang hawak kong bote at napatingin sa hinagis niyang bagay. Nagsalubong ang kilay ko at tinignan si Luijin.
"Ano 'to?"
"Open it." Usal niya at umupo sa sofa'ng inupuan niya kanina. Mariin kong hinawakan ang envelope at pinakatitigan itong maigi. Biglang nanginig ang kamay ko. The hell.
Binuksan ko ang envelope at sinilip ang laman nun. May nakita 'kong papel. Hindi ko pa man nababasa ang nakasulat do'n ay alam ko na kung ano ito.
Marriage Contract.
Napakagat ako sa pang ibaba kong labi. Sinasabi ko na nga ba. Alam kong ito ang ipapakita niyang katunayan sakin. Talagang kumbinsido siyang ipakita sakin ang laman nito. Hindi ako nagsalita. Tanging pagtitig lang sa envelope ang nagawa ko.
Damn you, Luijin Delacroix.
Talagang pinapahirapan mo ako. Kahit ayoko ng isipin at makita ka, parang ikaw ang gumagawa ng paraan para mangyari 'yon. Sinabi ko na sa sarili kong lalayuan kita pero mukhang di ko na 'yon magagawa dahil sa letcheng rebelasyon na ito.
"Bakit ayaw mong basahin?"
Napatingin ako sakaniya. Pasimple akong lumunok at ramdam ko parin ang pait ng lasa ng alak.
"H-Hindi na kailangan." Sagot ko. Nakita ko ang malapad niyang pagngisi.
"Ano? Naniniwala ka na?"
Umiling ako.
Nalaglag ang panga niya. "What? Why? Hindi pa ba sapat 'yan?"
"No. This is enough. But I'm not quite sure if I'll give to you my whole trust." Sagot ko habang titig na titig sakaniya.
Bumagsak ang balikat niya, "I know its hard for you to trust me but I'm willing to do everything."
"Luijin.."
"Hindi kita susukuan, Cherry. Ngayong nandito kana ulit sa piling ko, hindi na kita papakawalan ulit. Alam kong wala ka pang naalala sa nakaraan natin pero gagawin ko ang lahat para lang maniwala ka sakin. Mahal kita, Cherry."
Hindi ako nakasagot. Ilang beses na ba niyang nasabi na mahal niya ako? Di ko mabilang. Sa bawat bato niya kasi sakin ng salitang 'yon, di ko alam kung bakit parang ang bigat para sakin kapag naririnig ko 'yon galing sakaniya.
Hindi ko maintindihan. Bakit ang hirap intindihin?
"I love you, Cherry. And I will always do." Sunod sunod ulit na luha ang bumuhos sa'king pisngi ng marinig ulit ang mga salitang 'yan mula sakaniya.
BINABASA MO ANG
The Girl Grim Reaper (Completed)
Mystery / ThrillerA Grim Reaper who fell in love with a human.