CHAPTER SIXTEEN
"Bakit hindi parin tayo lumalabas ng kotse?" Nagtatakang tanong ko. Hindi naman siya sumagot. Nagsalubong ang dalawang kilay ko ng titigan niya ako. Ano nanaman kaya ang pakulo ng lalaking 'to?"Saglit." Sabi niya tsaka may dinukot na papel sa bulsa. Nagtatakang pinanood ko naman siya. May binasa siya sa papel at pagkatapos nun ay pinasok niya rin 'yun sa bulsa niya. Napatingin siya sakin at nginitian ako ng napakalapad.
"Bago ka lumabas, kailangan naka-blindfold ka." Nakangising tugon niya. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Kailangan talaga naka-piring ako? Hindi ba pwedeng lumabas nalang ng walang takip ang mata? Hays, daming alam.
Inilagay niya sa mata ko ang panyo. Naramdaman kong lumabas siya ng kotse at binuksan ang pinto sa tapat ko. Inalalayan niya akong makalabas at hindi ko naman alam kung saan pupunta dahil waka akong makita. Tanging siya lang ang alalay ko para hindi ako madapa or mapatid.
"Ops! Wait lang!" Narinig kong tugon niya. Napa-tsked nalang ako. Saan ba talaga niya ako dadalhin? "Diretso lang.. okay.. andito na tayo!"
"Tanggalin ko na?" Tanong ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng may humawak na kamay sa bewang ko. "L-Luijin.. ikaw ba 'yan?" Nauutal na tanong ko. Parang na-istatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa naramdaman.
"'Wag kang mag-alala. Inaalalayan lang kita." Narinig kong sagot niya. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ibang tao ang humawak sa bewang ko. Kapag talaga nangyari 'yun, makakapatay ako ng tao.
"Okay na, pwede mo ng tanggalin ang takip sa mata mo." Sambit ni Luijin. Dahan dahan ko namang tinanggal ang takip sa mata ko at tinignan kung nasaan kami. Unti unting umawang ang bibig ko ng makita kung nasaan kami ngayon. Oh my gosh!
Welcome to Wonderland.
"T-totoo ba 'to? Nasa Wonderland tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango si Luijin dahilan para mapatakip ako ng bibig at mapatalon sa saya. Dating dati ko pa pinangarap na makapunta rito! At ngayon, matutupad na 'yon.
Hindi ko namalayan, napayakap na pala ako kay Luijin. Kakalas na sana ako pero hinigpitan niya bigla ang pagkakapulupot ng braso niya sa bewang ko. Uminit bigla ang pisngi ko dahil sa nangyari. Oh shit. Bakit kasi napayakap ako, e. Ayan tuloy! Hindi na ako nakatakas.
"Luijin.."
Narinig ko bigla ang tawa niya. "Bakit kasi bigla bigla kang nangyayakap? Ayan tuloy, hindi ko nanaman napigilan ang nararamdaman ko."
Hindi ako nakasagot. Ikinalas na niya ang braso niya sakin ngunit hindi parin ako nakakarecover sa ginawa ko. Anuba! Its just a hug! Wala namang ibang meaning 'yon! Wala ring malisya 'yun sakin!
"Uy, ayos ka lang?" Natatawang tanong ni Luijin. Wala sa sariling napatingin ako sakaniya.
"Ha?"
"Tinatanong kita kung ayos ka lang ba? Bakit bigla kang natulala? Tapos ang pula pa ng pisngi mo." Mas lumapad ang ngisi niya dahil sa pang-aasar na 'yon. Ewan ko kung anong nangyayari sakin. Buset kasing 'yan! Bakit ba ako nangyayakap? Nakakahiya tuloooy! Kasi naman, e.
"P-Pumasok na tayo sa loob. S-Sa tingin ko maganda do'n." Nauutal na sagot ko tsaka naunang naglakad sakaniya. Napansin ko namang tumakbo siya papalapit sakin at hinawakan ang bewang ko. Humugot ako ng malalim na hininga para hindi maipakita sakaniya ang epektong nangyayari ng katawan ko kapag ginagawa niya 'yun.
"Don't be nervous, Ovel." Kumunot ang noo ko dahil sa hindi maintindihang salita na binanggit niya. What is ovel?
"Ovel? Ano 'yun?"
BINABASA MO ANG
The Girl Grim Reaper (Completed)
Misterio / SuspensoA Grim Reaper who fell in love with a human.