Chapter 15

2.8K 52 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN


"Saan ka nga pala nanggaling kahapon, Lyk? Hapon ka na nakauwi." Tanong ni Al habang kumakain kami ng agahan. Natigilan ako at napatigil sa pagnguya. Nilunok ko muna ang nasa bibig ko bago nagsalita.

"A-ahm, pagkatapos nating mag-usap ay nagpahangin muna ako. Tapos napatagal ako sa lugar na iyon." Sinuguro kong hindi ako mauutal habang nagsasalita dahil baka maghinala sila tungkol sakin.

Naramdaman kong napatingin sakin si Sue kaya sinulyapan ko rin siya ng tingin. Siya ang unang umiwas ng tingin saka binalik ulit ang atensyon sa kinakain. Sunod ko namang sinulyapan si Al na parang hindi nakukumbinsi sa dinahilan ko.

"Sa buong tanghali at hapon? Doon ka lang mismo sa lugar na pinuntahan mo?" Tanong ni Al.

Uminom ako ng tubig at umakto na parang normal. "Oo, bakit masama bang gawin 'yon? Ang ganda ng tanawin doon, e. Atsaka marami rin akong inisip doon."

"Talaga lang, ha."

Hindi nalang ako umimik pagkatapos ng sinabi niya. Bumalot ng ilang segundo ang katahimikan bago ko ulit binasag 'yon. Ayoko talaga ng tahimik ang paligid ko.

"Ahm.. ano nga pala ang magiging trabaho mo habang nandito ka?" Baling ko kay Al.

Seryoso naman siyang sumagot. "Wala. Dito lang muna ako sa bahay niyo. Ako nalang gagawa ng mga gawaing bahay. At dito narin ako matutulog."

Biglang may narinig akong kalinsing ng kubyertos at parang nahulog 'yon sa lamesa. Napatingin kaming dalawa ni Al kay Sue. Nahulog niya kasi bigla ang hawak niyang kutsara at tinidor. Buti nalang at hindi 'yon sa sahig nahulog kundi kukuha nanaman siya ng panibago.

"Anong problema, Sue?" Kunot noong tanong ko sakaniya.

Sa halip na sagutin niya ako, kay Al bumaling ang atensyon niya. "Anong dito ka matutulog?"

Kalmadong sumagot si Al. "Oo. Dito nga. Bakit? May problema ba?"

Napataas ang kilay ni Sue. "Oo, may problema ako ro'n. Hindi ka dito matutulog dahil ayoko."

"Sa ayaw at sa gusto mo, dito parin ako matutulog." Walang buhay na sambit ni Al. Hindi parin talaga sila nagkakaayos.

Malakas akong bumuntong hininga. "Kailan ba kayo magkakaayos?"

Natigilan silang dalawa at sabay na napatingin sakin. Pagkatapos nila akong sulyapan, silang dalawa naman ang nagkatitigan.

"Hindi ko alam!" Sabay nilang sagot. Nagkatinginan ulit sila pagkatapos ay nagkatarayan. Sabay rin silang nag iwas ng tingin. Bigla akong nainis sa kanilang dalawa. Ang cha-childish talaga. At matataas pa ang mga pride. Hindi mo alam kung magsyotang Love Quarrel, e. Haha charot.

"Hindi pwedeng ganyan kayo lagi. Mag-usap kayo. Dapat mamayang pag uwi ko, magkaayos na kayong dalawa dahil kundi, lagot kayo sakin." Banta ko tsaka tumayo at lumabas na ng bahay. At dahil may trabaho ako ngayon, mabilis akong pumunta kung saan mangyayari ang insidente.

Magkakaroon ng car accident. Ang isang matandang babae na malabo ang paningin ang maaaksidente.

Naghintay ako sa rito sa gilid ng kalsada at sinasaksihan ang mga mangyayari. Ilang minuto ang inantay ko bago mangyari ang aksidente.

Maya-maya'y may isang kotse ang pagewang-gewang at napatingin naman ako sa isang matanda na tatawid sa kalsada. Hindi nakita ng matanda ang sasakyan at tuloy tuloy lamang siya sa paglalakad. Ilang sandali pa ay nakita kong hindi maihinto ng driver ang kaniyang sasakyan kahit nakikita na niyang may matandang tatawid.

The Girl Grim Reaper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon