Chapter 34

2K 36 3
                                    

CHAPTER THIRTY FOUR


Sabay sabay kaming nagtanghalian nila Roxiah, Sue, Al, at si Luijin. Pagkatapos ng usapan namin ni Luijin sa kubo, bumalik kami dito sa cottage para kumain. Kanina pa ako gutom at hindi na ako nakapag almusal dahil tanghali na ako nagising tas nag usap pa kami ni Luijin.

"May kaibigan ka palang maganda, Bro!" Biglang sabi ni Al kay Luijin. Napangisi ako at napatingin kay Roxiah na seryosong kinakain ang pagkain niya. Binalingan ko naman ng tingin si Luijin na napahinto sa pagkain.

"Uh, she's Roxiah Fuentes. Kaibigan naming dalawa ni Cherry." Sagot ni Luijin at pinagpatuloy ang pagkain.

"Damn, she's gorgeous." Mahinang sabi ni Al pero narinig parin namin. Hindi ko na napigilang matawa kaya bigla silang napatingin sakin.

"Masyado kang halata, Al." Sabi ko sabay iling. "Pero 'wag na 'wag mong lalapitan 'tong si Roxiah. Babanatan talaga kita."

"What?"

"Anong what ka jan? Kung may balak kang pormahan 'tong si Roxiah, 'wag mo ng balakin." Sabi ko sabay irap.

"Okay lang naman kung pormahan niya ako." Napatingin kami kay Roxiah ng bigla niya 'yong sabihin. Nagkasalubong ang kilay ko habang nakatingin sakaniya.

"Okay lang na pormahan ka ng pangit na 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Bigla kong narinig ang mahinang tawa ni Luijin sa tabi ko.

"Pangit ba kamo? Eh may gusto ka nga sakin." Biglang sagot ni Al. Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Mabilis dumako ang tingin ko kay Luijin at nakita kong nawala na ang ngiti nito at nag igting bigla ang panga.

"Imbento ka, Al." Biglang sabi ni Sue. Natawa nalang rin si Roxiah dahil sa reaction ni Luijin. Binalingan ko ulit si Luijin ng tingin pero hindi parin humuhupa ang pagkakasalubong ng kaniyang kilay. Hinawakan ko ang kaniyang braso kaya bigla naman siyang napatingin sakin. Ngumiti ako at pinaghiwalay ang pagkakasalubong ng kaniyang kilay.

"Ayan. Mas gwapo ka kapag hindi nakasalubong ang dalawang kilay mo." Sabi ko at mas malapad pang nginitian siya. Napabuntong hininga siya at umiwas ng tingin sakin. Napanguso nalang ako at tinignan sila Al, Sue at Roxiah na tahimik na pinapanood kaming dalawa ni Luijin. Bigla akong nailang sa titig nila. Gosh.

"Aray!" Biglang reklamo ni Al at kinati ang kaniyang leeg. "Bakit ganon? Ang daming langgam dito!"

"Manahimik ka nga jan, Al. Babanatan na talaga kita!" Singhal ko sakaniya. Tinawanan niya lang ako ng malakas dahil sa reaksyon ko. Badtrip!

"Ang cute ng reaksyon mo." Sabi nanaman niya at inabot ang pisngi ko at kinurot. Nakarinig ako ng kalansing ng kubyertos kaya hinanap ko kung saan 'yon. Nakita kong naihulog ni Luijin ang hawak niyang kutsara sa kaniyang plato at matalim na tinignan si Al.

"Jelly boy." Rinig kong sambit ni Roxiah at biglang natawa. Tsk. Pinagtitripan ba nila kaming dalawa ni Luijin?

"Al, stop being sweet to Cherry."

"Why? Ganun naman talaga ako sakaniya dati pa. Walang problema dun."

"Hindi mo ba nakikita, Al? Someone is jealous." Tugon ni Roxiah at tumingin pa sa direksyon ni Luijin.

"Oh?" Napatingin si Al kay Luijin na kalmado na ngayon. Pinagpatuloy nito ang pagkain at parang walang narinig. "Sorry, bro! Ganun lang talaga kami magmahalan ni Lyk. Diba Lyk ko?"

Napapikit ako sa inis. "Manahimik ka na sabi eh."

"'Wag mo nalang siyang pansinin. Dati ng ganyan ang ugali niya kaya masanay kana." Walang emosyong tugon ni Sue. Napasulyap ako sakaniya at napabuntong hininga nalang.

The Girl Grim Reaper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon