CHAPTER FIFTY
"Hindi mo p'wedeng gawin 'to! Akala ko ba ako lang ang paparusahan rito? Bakit pati siya dinadamay mo? Wala siyang kasalanan!" Sigaw ko habang punong puno ng luha ang aking mukha.
Hindi ko kaya ang parusang ipararatang niya sakin. Walang kasalanan si Luijin, hindi na dapat siya madamay sa kasalanan ko. Ako nalang ang parusahan 'wag na siya. Hindi ko kakayanin.
Tumawa ang matanda, "Parehas niyong ginusto 'to. Kaya dapat parehas niyong pagdusahan. Malaking kasalanan ang nilabag mo kaya't dapat ikaw ang mas magdusa sainyong dalawa."
Humikbi ako, "Parang awa mo na.. ako nalang. Ako nalang ang parusahan. 'Wag mo na siyang idamay sa kasalanan ko. Ako nalang. Parang awa mo na.."
"Hindi na magbabago ang parusang ilalapat sa iyo. Kailangan mong maghanda dahil ilang oras nalang magkikita na kayong muli ng pinakamamahal mong nobyo. Ngunit ikinalulungkot ko, ito na ang huli na makikilala o maaalala ka niya."
Napapikit nalang ako ng mariin sa sinabi niya. Tangina!
"Wala siyang kasalanan.. 'wag mo munang bawiin ang buhay niya. Kailangan niya pang mabuhay ng matagal. Kailangan niya pang matupad ang mga pangarap niya sa buhay. Kailangan niya pang makakilala ng.. ng taong magmamahal sakaniya higit pa sa pagmamahal na binigay ko. Kailangan niya pang mabuhay. 'Wag mo naman ipagkait sakaniya ang kasiyahan na dapat niyang makuha.." Nanghihina ako sa mga salitang binibitawan ko.
Ayokong hindi maranasan ni Luijin ang kasiyahan na hindi ko naibigay sakaniya nung mga panahong magkasama pa kami. Puro nalang problema ang binibigay ko sakaniya. Siguro naman deserve niyang makakuha ng saya ngayon diba?
Alam kong marami pa siyang gustong makamit sa buhay niya. At ngayong babawiin na ang buhay niya, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Dahil sa kasalanan ko madadamay ang inosenteng tao. Isa lang siyang simpleng tao na gusto ang simpleng buhay. Buhay na may pagmamahal ng mga tao.
"Hindi na magbabago ang parusa," Huling sambit nito at bumalik ulit sa pagkakaupo sa swivel chair at kinuha ang baso na may lamang alak.
Napaupo na lamang ako sa sahig at humagulhol ng iyak. Dinaluhan naman ako ni Sue at Al.
"Shh.." Pati si Sue ay umiiyak narin. Si Al naman ay tulala lang sa mukha ko.
"Ayokong.. ayokong mamatay siya.." Tugon ko habang patuloy ang pag-iyak. Kailan ba matatapos ang iyak ko? Lagi nalang akong umiiyak. Lagi nalang.
"Jose, ihanda mo na ang ipapainom natin sa lalaking 'yun." Napahawak ako sa aking dibdib sa narinig. Pinaghahandaan na nila ang pagdating ni Luijin.
Hindi ko akalaing sa ganitong sitwasyon kami magkikita. Hindi ko akalaing makikita ko siya na isang... kaluluwa nalang. Ang hirap. Hindi ko matanggap.
"Be brave, Ryche.. nandito lang si ate para sayo." Bulong sakin ng ate ko. Mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya.
"Bullshit, andito na siya." Para akong nabingi sa sinabi ni Al. Parang huminto ang paggalaw ng paligid. Dahan dahan kong nilingon ang pintuang kakabukas lang. Nanginginig akong tumayo ng makita ang itsura ni Luijin.
Nagulat siya ng makita ako. Tumakbo ako papunta sakaniya at niyakap siya ng mahigpit. Wala na akong pakialam sa mga nakatingin. Ang gusto ko lang mayakap at makausap siya sa huling pagkakataon.
"I miss you," Mas lalong lumakas ang hagulhol ko ng marinig ang sinabi niya. Miss na miss ko na rin siya.
"Namatay siya dahil sa pagsabog ng eroplanong sinasakyan niya." Natigilan ako sa narinig. Napatingin ako sa nagsalitang si Senior Ry. So, siya ang nagsundo kay Luijin? At anong sabi niya? Eroplano?
BINABASA MO ANG
The Girl Grim Reaper (Completed)
Mistero / ThrillerA Grim Reaper who fell in love with a human.