CHAPTER THIRTY SIX
Hinagisan ako ni Luijin ng damit. Tumama 'yon sa mukha ko kaya napasimangot ako. Talagang ganyan siya mainis sakin? Akala ko naman kasi magugustuhan niya kapag sinuot ko ang bikining 'yon."Nandun ang CR." Turo niya sa isang pinto dito sa kwarto. "Magbihis ka."
Napanguso nalang ako at sinunod siya para wala ng gulo. Pumasok ako sa loob ng CR at sinuot ang binigay niya saking damit. Sobrang laki sakin nun at umabot hanggang hita. Lumabas ako ng CR at hinanap si Luijin. Nakita kong nakaupo siya sa kama at may kinakalikot sa kaniyang cellphone. Mabilis naman niya 'yong pinatay at nilapag sa side table ng makita niya akong nakabihis na.
Lumapit ako sakaniya at umupo rin sa gilid niya. "Naiinis talaga ako."
"Bakit naman?" Tanong ko. Wala naman siyang dapat ikainis diba? Maayos naman yung suot ko. Sabi nga nila Sue at Roxiah bumagay sakin yung bikini. Ano pang problema dun? Siguro hindi niya talaga nagustuhan kasi hindi naman ako kasing sexy nila Roxiah at Sue!
"Naiinis ako kasi sinuot mo pa 'yung bikining 'yon. Ayokong mag-suot ka ng ganun. Nakakainis."
Napabuntong hininga ako. "Alam ko namang hindi ako kasing sexy nila Roxiah at Sue. Alam kong pangit ako—"
Natigilan ako ng biglang dumampi ang malambot niyang labi sa aking labi. Sandali lamang 'yon pero nakakapanabik. Hindi ko inakalang hahalikan niya ulit ako sa ikalawang pagkakataon.
"Patapusin mo muna kasi ako." Sabi niya pagkatapos ng mabilisan niyang paghalik sakin. Hindi ako nakapag-react. Nakatulala lamang ako sakaniya. Hindi parin ako makapaniwala sa ginawa niya. Gosh! Nakakadalawa na siya!
"You're the most beautiful woman that I've ever seen. Kaya ako naiinis dahil nakukuha mo ang tingin ng iba. At mas lalong nakakainis dahil 'yung mga gagong lalaki pa." Sabi niya habang diretsong nakatingin sakin. "Damn it. Kung nalalaman mo lang ang iniisip ko ngayon ay baka kanina mo pa ako nasapak."
"B-Bakit? A-Ano bang iniisip mo?"
"Iniisip ko?" Bigla siyang ngumisi. "Iniisip ko lang na nandito ka sa kwarto ko at magkatabi pa tayo sa kama.."
Mabilis ko siyang nasuntok dahil sa nasabi niyang 'yon. Nawala ang pagka-lutang ko sa oras na 'to dahil sakaniya. Shit.
"Gago ka!" Nababanas na sigaw ko sakaniya. Narinig ko lang ang nakakaloko niyang tawa at mas lalo pang lumapit sakin. Hindi ko na napigilang tumayo at lumayo sakaniya. Siya naman panay lang ang tawa dahil sa reaksyon ko.
"Biro lang." Biglang sabi niya kaya napatingin ako sakaniya ng masama. Napawi ang pagtitig ko ng masama sakaniya ng bigla niyang hawakan ang pulsuhan ko at hinila paupo sakaniyang hita. Pinulupot niya ang kaniyang braso sa aking bewang at mahigpit akong niyakap. Nararamdaman ko ang lakas ng tibok ng puso niya mula sa likuran ko. Damn it.
"Iniisip ko talaga na baka maagaw ka sakin ng iba dahil lang dun sa suot mong bikini kanina." Mahinang sabi niya at parang nahihiya. Napatingin ako sakaniyang mukha at nakita kong namula ang kaniyang tenga pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon. Kyot niya ha.
Hindi ko na napigilang mapangisi. "Kasi baka pormahan nila ako?"
Tumango siya.
"Kung ganun, hindi mo na dapat iniisip 'yon kasi automatik naman nila 'yong gagawin sakin. Maganda kasi ako." Mayabang na sambit ko sabay ngisi. Ang nahihiyang ekspresyon niya ay napalitan ng pagkainis. Diretso niya akong tinignan at kitang kita ko ang pagkasalubong ng kaniyang kilay. Ang gwapo parin. Ba't ganun?
"Walang ibang dapat na aaligid sayo kundi ako lang, maliwanag?" Ma-autoridad na sabi niya. Hindi ako sumagot bagkus ay nginisian ko pa siya lalo. Nang asar siya kanina diba? Pwes! Ako naman ang mang-aasar sakaniya ngayon!
BINABASA MO ANG
The Girl Grim Reaper (Completed)
Mystery / ThrillerA Grim Reaper who fell in love with a human.