CHAPTER TWO
Maaga akong nagising upang magluto ng agahan namin ni Sue. Marunong naman akong magluto pero 'yong kasama ko rito sa bahay ang hindi. Hindi niya nga rin daw alam kung bakit hindi siya marunong. Kahit pag prito ng itlog or hotdog ay hindi niya ma-perfect dahil laging nasusunog. Psh. Nakakaawa siya.Nagluto ako ng fried rice, two bulls eye egg, and bacon. Nang matapos na akong magluto, naghanda na ako ng dalawang plato, kutsara sa lamesa tsaka baso.
"Hoy babae! Gising na diyan!" Tawag ko kay Sue. Nagulat ako ng biglang may lumabas mula sa banyo. "Kanina ka pa gising?"
Ngumiti siya. "Yap. Gising na ako habang nagluluto ka diyan."
Napatango nalang ako. "Oh s'ya, sige. Tara na't kumain na tayo. May trabaho pa tayo mamaya." Sabi ko, umupo naman siya agad sa harap ko tsaka naghain ng pagkain para sakaniya.
Parang kapatid ko na rin 'yang si Sue. Tinuturing ko siyang nakakabatang kapatid ko. Hindi man namin alam ang edad namin pero halata naman 'yon sa galaw at ugali namin.
Nagsimula na kaming kumain at walang nagsasalita samin. Ganto kami ni Sue kapag kumakain. Wala kaming imik at tanging pagkain lang namin ang binibigyan namin ng atensyon. Ewan, hindi ko rin alam kung bakit hindi ako palasalita.
Gustong-gusto ko narin malaman ang past ko pero hindi pwede. Kailangan naming pagdusahan 'to. Hindi namin pwedeng malaman ang past namin dahil ang sabi ng Master namin, kapag nalaman daw namin ang past namin baka iwanan nalang namin bigla ang trabaho namin rito.
May kakayahan kaming mga Grim Reapers na makita ang past ng isang tao. Kapag nahawakan namin ang kamay ng mga tao, doon namin makikita ang past na nagtatago sa nakaraan nila. Hindi lang 'yan, may kakayahan rin kaming mga Grim Reapers na ipaalam sakanila ang kanilang past sa pamamagitan ng isang halik. Ngunit ipinagbabawal na gawin 'yon dito sa'min. Ang huli ay may kakayahan kaming mga Grim Reapers na makalimutan ng isang tao ang nangyari sakaniya. Halimbawa, ang isang babae ay nalaman na Grim Reaper kami, ang gagawin lang namin upang malimutan niya 'yon ay tititigan namin siya sa mata at ipagpapawalang ala-ala ang mga nasa isip niya.
Ayan ang mga kakayahan namin bilang isang Grim Reaper. Kaya minsan masasabi mong masaya rin maging isang Grim Reaper dahil may kapangyarihan ka.
Nang matapos na kaming kumain ni Sue ay nagbihis na kami ng itim na damit at dinala ang pulseras namin. Ang pulseras ang pinakamahalagang bagay na kailangan naming dalhin habang nagtatrabaho. Kailangan suot namin ito kapag oras ng trabaho dahil ito ang magtatago ng anyo namin sa pagiging isang Grim Reaper. Kapag suot namin 'to, naglalaho kami at hindi kami nakikita ng ibang tao. Isa rin 'yan sa kapangyarihan na meron kami.
Pagkalabas namin ng bahay, nakita agad namin ang ibang kasamahan naming Grim Reaper na nakahilera sa malapit sa tapat ng bahay namin. Kami nalang siguro ang hinihintay, sobrang aga naman kasi nilang gumising. Ano 'to? Kompitisyon tungkol sa pinakamaagang gumising? 5:00 A.M palang kasi gising na sila.
"Good morning. Sorry nahuli kami, kumain pa kasi kami ng agahan." Paumanhin ko.
"Matagal ba kayong nag-antay?" Tanong ni Sue.
"Hindi naman." Sagot ni Senior Ry habang nakangiti. Wow. Mukhang good mood siya, ah? Ano kayang dahilan ng malapad na ngiti niyang 'yan? Hindi naman siya ganyan dati. Aish, nevermind.
"Mukhang kompleto naman na tayong lahat, so, let's go." Sabi ni Senior, tumango naman ang lahat at sinundan si Senior kung saan ang lugar na pagtatrabahuhan namin ngayon.
Nang makarating kami, hindi ko maiwasang magtaka. Dahil parang pamilyar ang lugar. Parang nakita ko na 'to dati. Hindi ko lang matandaan kung saan.
"Nasaan tayo, Senior Ry?" Tanong ni Cha. Isa sa kasamahan namin rito sa pagtatrabaho.
"Nasa Antipolo." Maikling sagot ni Senior, parang unti unting nawala ang pagkakakunot ng noo ko. Nasa Antipolo pala kami? Malayo 'to sa tinitirhan namin, ah? Ang bilis naman naming nakarating? Hmm.
"Ilang tao ang mamamatay ngayon, Senior?" Tanong ni Kee. Ang isa pa naming kasamahan.
"Apat lang. Ang dalawa ay mamamatay dahil mababaril sila at 'yung dalawa naman ay may sakit na cancer." Sagot niya. "Apat lang na Grim Reaper ang kailangan ko ngayon. Ang iba ay pwedeng hindi muna sumama samin. Mamamasyal muna kung gusto niyo. Cha, Sue, Kee, Hanz, kayo ang sasama sakin. 'Yung mga hindi ko naman tinawag, magkita kita tayo rito sa kinatatayuan natin bago mag gabi." Sabi ni Senior, napangiti naman ako ng hindi ako magtatrabaho ngayon.
Hinarap ko si Sue. "Good luck." Nang-aasar na sabi ko sakaniya. Napasimangot naman siya. Gusto niya kasi na magkasama kami lagi. Baliw rin kasi ang isang 'to!
"Lyk, samahan mo kami. Mamasyal tayo." Masayang sabi ni Luke at inakbayan ako. Agad ko namang tinanggal ang kamay niya at hinampas siya ng mahina. Natawa nalang siya dahil sa ginawa kong pag-alis ng kamay niya.
"Okaaaay! Basta 'wag mo akong aakbayan!" Sagot ko sakaniya. Natawa naman ang ibang kasamahan namin. Inirapan ko lang silang lahat at sabay sabay na kaming naglakad para mamasyal.
"Sa mall tayo!" Sabi ko, lahat naman sila sumang-ayon dahil sa sinabi ko. Tumungo nga kaming mall at namangha ako dahil maganda rin pala ang mall sa lugar na 'to. Ilang botique narin ang napasukan namin ngunit nagtatanong lang kami ng presyo kung magkano at pagkatapos nun ay aalis na kami dahil wala naman kaming pambili. HAHAHA! Magwi-window shopping lang kami.
"Guys, Comfort Room lang ako, ah? Antayin niyo ako dito." Sabi ko dahil ihing ihi na ako. Tumango naman sila at dali-dali akong tumakbo upang hanapin kung nasaan ang CR rito. Inikot ko ang tingin sa buong mall ngunit masyado itong malaki at maraming tao. Saan naman kaya rito ang CR? Hay kainis. Sasabog na ang pantog ko, huhu.
"Nasaan ba 'yun?" Mahinang tanong ko sa sarili ko habang palingon lingon sa gilid at hawak hawak ang t'yan ko. Ngunit bigla nalamang may malamig na likido ang bumuhos sa dibdib ko at sa itim na damit ko.
May nakabangga sakin. Isang lalaki. Tinitigan ko siya mula paa hanggang ulo tsaka tinignan ang basang suot ko. Ang malas ko talaga.
Inantay kong hihingi ng patawad ang lalaki sakin ngunit hindi niya ginawa. Nilampasan niya lang ako. Bwisit. Manhid ba ang lalaking 'yon?
"Hoy! Sandali lang!" Sigaw ko. Napahinto naman ang lalaking 'yon pati na ang ibang taong nandito sa mall. Akala siguro nila sila 'yung tinatawag ko. Napapahiyang nginitian ko lang sila at nilapitan 'yung lalaking nakabuhos sakin ng Coke Float na hawak niya kanina.
"Hindi ka ba magso-sorry?" Tanong ko habang nilalabanan ang mga titig niya. Biglang nanlaki ang mga mata niya at parang may natanto dahil nakita ako. Para siyang nakakita ng multo. Bakit ba ganyan ang asta niya? Ano bang meron sakin?
"Cherry.." Mahinang sambit niya at parang hindi makapaniwala. At dahil sa pagiging wierd niya, tumakbo na ako at umalis. Tinawag niya pa ang pangalan na sinabi niya kanina ngunit hindi na ako lumingon.
Umalis na ako dahil ihing ihi na ako. Bwisit na araw 'to. Ang malas.
Sino ba ang lalaking 'yon at mukhang kilala niya ako? At bakit tinawag niya akong cherry?
BINABASA MO ANG
The Girl Grim Reaper (Completed)
Misteri / ThrillerA Grim Reaper who fell in love with a human.