Chapter 14

3K 67 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN


"CHERRY!" Napabalik ako sa riyalidad ng bitawan ni Luijin ang kamay ko at nalipat 'yon sa balikat ko. Hindi ako makapaniwalang may makikita ako sa nakaraan niya. Kahit sandali lang 'yon, lahat ng detalye na sinabi nila ay nasa isip ko. Nang makita ko ang konting nakaraan niya, parang nagkaroon ako bigla ng interes sakaniya.

Sino ang dalawang taong 'yon? Bakit may pag-aalala sa mukha nung babae kapag binabanggit niya ang kasal? At sino si Cherry? Ang cherry bang nasa past ni Luijin ay.. ako? Konektado ba talaga ang buhay namin? Totoo bang magkakilala kami ni Luijin?

"Anong nangyayari sayo?" Napabalik ako sa reyalidad ng magsalita ang lalaking kasama ko. Napatingin at napatitig ako sa maamo niyang itsura. Kung konektado man kaming dalawa, magkaano ano kami? Oras na ba para malaman ko kung sino talaga siya? Argh, nalilito na ako ngayon. Mas lalo pang dinagdagan ng lalaking 'to ang pag-iisip ko.

"Ayos ka lang ba?" Muli niyang tanong pero nanatili akong nakatikom. "Magsalita ka naman. Nagsisimula na akong mag-alala."

Sa halip na sagutin siya sa mismong tanong niya, ibinalik ko ang tanong. "Ikaw okay ka lang ba? Nasuntok kita kanina diba? Masakit parin ba?"

"Hindi naman talaga ako nasaktan kanina. Ginalingan ko lang ang pag-arte." Nakangising sagot niya.

Napabuntong hininga ako. "Akala ko malakas na akong sumuntok hindi pa pala." Biro ko din.

"Oh, hoy, medyo malakas 'yon ah."

Pilit akong natawa. "Okay okay."

Ilang segundo ang katahimikan at binagsag naman niya agad 'yon. "Bakit nung hinawakan ko ang kamay mo, bigla kang natigilan ng ilang minuto? Ang wierd lang."

Napadikit ang taas at baba kong labi. Ilang segundo akong hindi nakasagot at kumalap ng ibang idadahilan.

"Ah.. eh.. kasi.. nagulat lang ako kanina. Ikaw naman kasi, e. Basta basta mo nalang inilapit yung mukha mo sakin tsaka walang sabi sabing hinawakan 'yung kamay ko. Kaya ayon, nagulat tuloy ako."

Nagsalubong ang kilay niya. "Oh, I see. Pero ang wierd lang talaga ng inakto mo kanina."

"B-bakit?"

Napalabi siya. "Wala! Nagugutom na ako! Tara kain tayo libre ko."

"Wait! Hindi ako pwede, uuwi na ako!" Hinawakan niya ang braso ko tsaka hinila sa kung saan.

"Hindi ka pwedeng tumanggi dahil pagkain ang inaaya ko sayo." Nakangising sambit niya.

"Bitawan mo na ako. Kailangan ko ng umuwi. Hays, ba't kasi nakita pa kita rito, e." Reklamo ko.

"Wala ka ng magagawa. Kung pilit tayong pinagtatagpo, wala ka ng magagawa kundi tanggapin 'yon." Proud na sagot niya habang hinihila parin ako. Wow, ha? Hindi naman medyo masakit 'yong paghila niya sakin. Oo hindi masakit, dahil sobrang sakit.

"Kaya kong maglakad. Hindi mo na ako kailangang hilahin."

Napahinto siya at napatingin sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Oh, sorry. Nasaktan ba kita?"

"Oo. Ang higpit ng hawak mo, e." Seryosong sagot ko. Binatawan niya ang braso ko at may nakita akong bakas dun ng kamay. Ang bilis naman magkaroon ng ganun ang balat ko? Masyadong sensitive.

"Sorry." Mahinang tugon niya. Tumango lang ako bilang pagtanggap ng tawad niya.

"Saan mo ba ako dadalhin?"

"Hmm.. doon!" Itinuro niya ang bilihan ng street food. "Masarap ang fishball at kikiam nila doon. Sigurado akong magugustuhan mo iyon pag natikman mo."

The Girl Grim Reaper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon