Chapter 49

2.2K 46 0
                                    

CHAPTER FOURTY NINE


Luijin’s POV

"Are you sure aalis ka ng bansa?" Tanong sakin ni Tito. Tumango lang ako bilang pagsagot.

"Sasama kami ng pinsan mo sa airport, ihahatid ka namin." Sabi ni Tita. Tumango nalang rin ako at dinala ang mga dala kong gamit. Ipinasok ko ito sa likod ng kotse ni Tito at pumasok narin sa loob ng sasakyan.

"Why sudden?" Napatingin ako kay Zealyn ng magtanong siya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit biglaan ang alis mo? Akala ko ba maayos na ulit kayo ni Ryche?"

Napapikit ako ng marinig ang pangalang 'yon. "Stop asking."

Hindi na siya muli pang nagsalita o nagtanong. Napabuntong hininga nalang ako at prenteng inayos ang upo.

Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang nalaman ko. Totoo ba talagang hindi siya isang tao? Tangina. Ang hirap paniwalaan. Hindi ko alam kung maniniwala ba ko o hindi. Totoo ba ang Grim Reaper? Akala ko kathang isip lang ang mga iyon. Putangina.

Nag-research ako tungkol do'n at ang bawat nababasa ko sa google ay kaibahan ng pinapakita at inaakto sakin ni Ryche. Nabasa ko na nakakatakot daw ang mga Grim Reaper. Sila daw ang kumukuha sa buhay ng tao. Bullshit. Paano ko ba paniniwalaan ang lahat ng nalaman ko tungkol kay Ryche? Sobrang gulo.

Pinilig ko nalang ang ulo ko at tamad na tumingin sa mga sasakyang nakakasalubong namin.

Fuck, I miss her already. Kailan ba siya mawawala sa sistema ko? Bakit bawat pag-pikit ko ay mukha niya ang nakikita ko? How can I remove you in my mind, Ryche? I've hurt so many fucking times. Pinapatay ako sakit ng malamang Grim Reaper siya. Fuck. Hindi ko na dapat siya ginulo pa nung magkita kami sa mall noon.

Ilang oras pa at nakarating na kami sa airport. Mabilis kaming lumabas ng sasakyan.

"Are you sure you will leave this country, hijo?" Tanong sakin ni Tita. Buo na ang desisyon ko. Aalis na ako at kakalimutan ko na ang lahat.

"Yes, Tita. I'll miss you." Sabi ko at niyakap si Tita.

"Huwag mo itong pagsisihan," Napakalas ako kay Tita sa sinabi ni Zealyn. Tinignan ko siya at nginitian niya lang ako. "Mag-iingat ka dun."

Napatango nalang ako, "I will. Mag-iingat rin kayo rito. Sorry kung hindi ko kayo makakasama sa pasko."

"It's okay, hijo. Basta bumalik ka rito kapag okay ka na." Sabi ni Tito at tinapik pa ang balikat ko.

Kunyari akong napatawa, "Okay naman ako ah? Tss."

"How about your heart?" Tanong ni Zealyn. Nawala ang ngiti ko sa tanong niya.

Hindi nalang ako sumagot, "I need to go. Baka maiwan na 'ko ng eroplano. Mag-iingat kayo."

Isang ngiti ang binigay ko sakanila tsaka sila tinalikuran.

I will leave this country as I leave my love for you, Ryche. Thank you for everything. Thanks for all the memories.

I will never forget that I met a beautiful Grim Reaper like you.

Ryche’s POV.

"Natatakot ako.." May lumandas na luha sa aking mata papunta sa aking pisngi.

"Hush, Ryche. We're here for you." Niyakap ako ni Sue. Maging siya ay kinakabahan narin sa kung anong puwedeng mangyari.

"Fuck that Grim Reaper," Galit na sambit ni Al na tinutukoy si Cha. "Paano niya nagagawa 'to sa kapwa niya Grim Reaper? Yes, mali magsinungaling. Pero bakit ang bilis niyang sinabi ang totoo?!"

The Girl Grim Reaper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon