CHAPTER SEVENTEEN
Habang hawak ang ticket namin ni Luijin para sa ride na sasakyan namin, hindi ko maiwasang kabahan. Sobrang taas kasi ng Spiral Jet na ito. Napatingin ako sa namamasa kong kamay. Geez! Sobrang kinakabahan na ako dito.Naramdaman ko ang kamay ni Luijin sa pulsuhan ko. Napatingin ako do'n at sunod naman ay sa kaniyang maamong mukha. Kumunot ang noo ko ng makita ang ngiti niya.
"You don't need to be nervous," He said. "Kasama mo naman ako. Walang mangyayaring masama."
I sighed. "I know. Hindi ko lang maiwasang kabahan."
"Oh, normal lang naman 'yan." Sagot niya. Napatango nalang ako at huminga ng malalim. Ibinigay ko na ang two tickets namin ni Luijin sa lalaking nakaabang samin. Iginaya niya naman kami pasakay sa ride na 'yon at nilagay ang seatbelt sa katawan namin. Sinisugarado nila na walang masamang mangyayari sa lahat ng sumasakay rito. Sinulyapan ko si Luijin sa tabi ko at nakita kong kalmado lang siya. Napayuko nalang ako at mahigpit na napahawak sa seatbelt ko.
"Are you okay?" Rinig kong tanong ni Luijin at hinawakan ang pulsuhan ko ng maigi. Nagsimula ng umikot ang Spiral Jet dahilan para hindi ko na masagot ang tanong ni Luijin. Kinalma ko ang sarili ko dahil sa mabilis na pag-ikot ng ride na 'to. Hindi naman pala siya nakakatakot. Hindi naman ito ang first time kong makasakay sa mga rides kaya hindi na bago sakin ang pakiramdam.
"FUCK! STOP THIS! MASUSUKA NA AKO!" Napatingin ako sa gawi ni Luijin na ngayo'y mangiyak ngiyak na habang mahigpit na nakahawak sa pulsuhan ko. Humagalpak ako ng tawa dahil sa reaksyon niya. Kanina ang kalmado niya pero ngayon, anong nangyari? Biglang naglaho ang pagiging matapang niya dahil sigaw siya ng sigaw habang umiikot ang Spiral Jet na ito. Para siyang bata kakasigaw.
"WAAAAH! MAMA KO! SORRY SA LAHAT NG KASALANAN KO! MAGBABAGO NA AKO BASTA IBABA NIYO NA AKO DITO!" Sigaw niya pa. Hindi ko nalang pinansin ang ka-dramahang nangyayari sakaniya. Tinignan ko nalang ang magandang view rito habang umiikot ng mabilis ang Spiral Jet na ito. Napangiti ako sa magandang view. This is perfect. Kahit mabilis ang pag-ikot ng ride na 'to, hindi ko magawang matakot o mapasigaw. Sobrang kalmado lang ako habang ang ilan rito samin ay halos magitli na ang ugat sa leeg kakasigaw. Hindi ko naman sila masisisi, mataas naman kasi talaga ang Spiral Jet na ito at hindi mo maiiwasang mapasigaw dahil sa takot. Habang ganun ang nangyayari sakanila, ipinikit ko nalang ang mata ko at inantay matapos ang pag-ikot ng ride na 'to. Hmmmm.
"FUCK! AYOKO NA! IBABA NIYO NA AKO DITO! FUCK!" Sigaw ulit ni Luijin. Nadilat ko ang mata ko tsaka tumingin sakaniya. Tumawa ako ng malakas ng makita ang itsura niya. Nakapikit ng sobra ang mata niya at nakangiwi dahil sa mabilis na pag-ikot nitong Spiral Jet. Pero kahit nasa ganun siyang sitwasyon, hindi ko parin maitatanggi na cute siya.
Ilang sandali pa ay bumagal na ang pag-ikot nito. Hudyat na 'yon na tapos na. Nang tuluyan ng huminto ito ay tinanggal ko na ang seatbelt na nakalagay sa katawan ko at umalis sa pagkakaupo do'n. Tinignan ko si Luijin na ngayo'y sobrang putla na ng mukha at halatang nahihilo parin. Gaya ng akin, tinanggal narin niya ang nakalagay sa katawan niya at tumayo papunta sakin. Hinawakan ko pa ang braso niya upang alalayan siya. Nakakatawa! Para siyang wala sa sarili ngayon at hindi parin maka-get over sa sinakyan namin.
"Uy, Luijin. Ayos ka lang? Need doctor?" Natatawang tanong ko. Umiling siya bilang pagsagot. Naglakad lakad kami at umupo siya sa bench at ganun rin ako.
"Grabe ka, Luijin. Akala ko mahihimatay kana kanina." Natatawang sabi ko. Napatingin siya sakin at nakita kong bumalik na ang dating kulay ng itsura niya. Hindi na ito maputla.
"A-Ayoko ng sumakay doon," Nauutal na sabi niya. Tinitigan ko ng maayos ang itsura niya. Kanina sobrang putla ng mukha niya pero ngayon sobrang pula na. Halatang nahihiya siya dahil sa reaksyon niya habang nakasakay sa ride na 'yon. "K-Kumain nalang tayo. Tama, gutom na ako. May nakita akong bilihan ng pagkain doon." Sabi niya at hinila ako papunta kung saan niya tinuro ang bilihan kanina. Hindi ko mapigilang pagtawanan siya. Alam kong iniiba niya ang usapan dahil sa kahihiyang nagawa niya kanina habang katabi ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/134753868-288-k585887.jpg)
BINABASA MO ANG
The Girl Grim Reaper (Completed)
Misterio / SuspensoA Grim Reaper who fell in love with a human.