KABANATA 30

4.4K 131 1
                                    

Agad akong tumayo nang mangyari iyon at lumapit kay Sam. Si Azi naman ay todo tawa na para bang hindi fiancee ang natamaan. Nakakaasar talaga siya hindi man lang tulungan si Sam.

"Uy, Sam. Sorry hindi ko sinasadya." hahawakan ko sana siya kaso tinabig niya ito. Buti nalang at nahawakan ko ang tray na hawak niya kaya agad kong nilapag ito sa lamesa.

"Sam sorry. Hindi ko sinasad--"

"Let go of me, stupid!"

dO__ob

"Sam.." awat ni Lei.

"Nakakainis siya eh! Alam mo bang ang mahal ng make-up ko? She's crazy idiot girl!"

Napaatras ako nang sabihin niya iyon. Timping-timpi na talaga siya kaya tumahimik nalang ako.

"Wag mong tatawaging idiot si Sunshine kundi hindi ako magdadalawang isip na kaladkarin ka dito sa shop kahit pa fiancee ka ni Azi." si Lei.

dO___ob

"Sorry!" napipilitang tugon nito saka tumingin sa akin at inirapan ako.

"Sunshine upo ka na." si Lei. Sumunod nalang ako sa kanya.

Pagka-upo ko ay tahimik kaming apat hanggang sa binasag ni Lei ang usapan. "Guys try these new recipe, yan ang patok ngayon kaya you must try." pagkasabing iyon ni Lei ay agad na nagningning ang mata ko kaya kinuha ko ang nag-iisang platitong iyon kaso may kamay na naman na sagabal.

d>>>_<<<b

Pesteng Azi-- Si Sam pala.

"Sa'yo na." nakangiting sabi ko pero inirapan niya lang ako.

Ibibigay ko na sana yun kaso may kamay na naman na pumigil.

Si Azi!

"Ikaw ang nauna kaya sa'yo na 'yan."

dO____ob

Seryoso? Eh kanina lang halos mag-agawan kami sa isang cake na tumilapon pa sa mukha ni Sam e tapos ngayon ibibigay niya lang ng basta-basta? Genius!

"Babe! But I like that." pagmamaktol ni Sam.

"Sayo na." ibinalik ko ulit kay Sam kaso sinamaan ako ng tingin ni Azi.

"Kainin mo yan." seryosong aniya kaya kinuha ko ulit pabalik iyon.

"I like that, Azi!"

"Nauna siya. Bumili ka nalang ng bago."

Biglang tumayo si Lei. "Ako na, Sam. I inssist. Kukuhanan kita." nakangiting presinta niya.

"Talaga?? Okay! Thankyou Lei.." masayang sabi naman ni Sam.

Umalis na si Azi at naiwan kaming tatlo. Ang sama na naman ng tingin sa akin nung Sam, akala ko pa naman mabait siya pero hindi pala. Well, sino nga ba ang magiging mabait kapag natapunan ka ng cake sa mukha?

"Sunshine, ang gwapo ni Azi 'no?"

dO____ob

Kailangan pa ba talaga niyang sabihin iyon? Wow ah! Nag-angat ako ng tingin kay pinya at seryoso lang siyang nakatingin sa akin.. Tumango nalang ako bilang pagsagot.

"Alam kong gwapo si Azi kay lalong lalo na rin si Lei pero bakit sa iyo siya nagkagusto? I mean-- hindi ka maganda at sexy! Walang maganda sayo, you look cheap and poor so how's that? Anong ginamit mong gayuma?"

dO___ob

"Wag mong itulad si Sunshine sa'yo dahil walang-wala ka sa kanya." si Azi.

dO___ob

Tama nga. Walang-wala ako sa kanya. Maganda siya at maputi samantalang ako ay pangit at maitim. Malayong-malayo!

"Totoo naman babe eh. Sa tingin ko niloloko ka lang niyan ni Lei, Sunshine. Trust me! Sa hitsura mong yan? Walang magkakagusto say--"

"Pwede ba Samantha itikom mo yang bibig mo? Kung hindi mo mapigilan magbigti kana! Ang ingay mo."

dO___ob

Sinabi iyon ni Azi na hinampas pa ang lamesa kaya naagaw namin ang atensyon ng iba.

"Sorry babe." napapahiyang tugon ni Sam bago tumingin sa akin at inirapan ulit ako. Kung nakakamatay lang ang irap niyan matagal na akong nakaratay. Katakot e.

"Excuse.." nagpaalam na ako at umalis don. Hindi ko na sila nilingon pa at dumiretso nalang ako sa CR. Doon ko nilabas ang buntong hininga ko. Nainsulto ako ng sobra sa sinabi niya. Porket ba pangit ako ay hindi na ako magugustuhan ni Lei? Ang sakit niya magsalita. Bakit pa kasi nagkit kami niyang ni Sam. Hays.

Matapos kong maghugas at magsalamin ay lumabas na ako ng CR. Nakita kong nakapila pa rin si Lei at sa table naman namin ay rinding-rindi si Azi habang todo pulipot sa kanya yung fiancee niya. Todo pagsusungit siya at pag-iwas kay Samantha habang si Sam naman ay todo pagmamakaawa kay Azi na pansinin ito at halata naman kay Azi na naiinis na ito.

Ang weird nila.

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon