..
Nagulat ako nang makitang tumalsik si David kasabay non ang paglitaw ni Azi.
Hindi pa nakontento si Azi dahil agad niyang dinakot mula sa kalye si David saka ulit sinapak ng makalakas sa mukha.
"Master! Master!" sigaw ni David kaso sinapak lang ulit siya nito kaya lumapit na ako.
"Azi tama na yan!" sigaw ko saka pumagitna.
"Anong ginagawa mo kay Sunshine, David?? Tarantado ka!"
Muling susugurin ni Azi si David kaya humarang na ako.
"Azi ano ba?? Bakit ka ba nanunugod??"
Kitang-kita ko kung paanong nag-iinit talaga ang ulo ni Azi.
"Master Azi ano po bang kasalanan ko?" si David.
"Anong kasalanan mo? Tarantado! Bakit mo niyayakap si Sunshine??"
dO____ob
Sinuntok ni Azi si David dahil lang nakita nitong niyakap niya ako?? Bakit Azi??
I smiled secretly..
"Master kaibigan ko kasi si Sunshine kaya niyakap k--"
"Kaibigan? Kailan pa ha?!" sigaw naman ni Azi.
"Azi, kaibigan ko si David.. Tinutulungan niya lang ako.."
Kunot noo siyang tumingin sa akin. "Kaibigan? Kailan pa Sunshine?--" galit na sabi niya.
"Sunshine magkakilala kayo?" gulat na tanong ni David.
Nagkatinginan kami ni Azi tapos ay bumaling siya ng may masamang tingin kay David.
"Bakit David?" maangas na tanong niya.
.
"Master-- sorry po.. L-lalayuan k-ko n-nalang si Sunshine 'w-wag n-niyo lang akong t-tanggalin d-dito--"dO____ob
"David.. Ano bang sinasabi mo??" gulat na tanong ko.
"Sunshine hindi ko alam na magkakilala kayo ni Master Azi.. Lalayuan na kita--"
"David ano ba? Walang lalayo! Magkaibigan na tayo diba?"
"Pero Sunshin--"
"You're fired.." si Azi.
dO___ob
Ilang segundo kaming naestatwa ng sabihin iyon ni Azi pero di kalaunay agad na lumuhod si David.
"Master wag naman.. Alam mo namang ito lang ang trabahong ikinabubuhay ko diba? Master kailangan ako ng tatay ko parang awa mo na wag mo akong tanggalin dito.. Gagawin ko ang lahat wag mo lang ako tanggalin dito--kung kailangan 24/7 na ako magtrabaho gagawin ko.."
"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo."
dO___ob
"Master parang awa mo na.. Nagmamaakawa ako.. Ako nalang ang ikinabubuhay ng tatay ko kaya baka mamatay siya kapag ako na ang nawalan ng trabaho--"
"Lalayas ka sa harap ko o gusto mong basagin ko yang mukha mo?"
dO___ob
Nakita ko kung paano naluha si David at ramdam na ramdam ko siya. Kasalanan ko to e. Bakit ba kasi ako tatanga-tanga kaya pati simpleng tao nadadamay..
Lumuhod ako sa harap ni Azi at nagulat siya sa ginawa ko.
"Azi ako nalang parusahan mo-- 'wag si David.. Nagmamakaawa ako."
Umiyak ako sa harap niya at kita ko kung paano agad nagbago ang kanyang reaksyon. Para bang gusto niya akong itayo at yakapin ng mahigpit.
"Tumayo ka dyan Sunshine.." si Azi.
"Hindi eh. Kasalanan ko to kaya pwede ba ako nalang parusahan mo kasi may pangangailangan din si David at kailangan siya ng tatay niya kaya sana wag mong ipagkait itong pagkakataong ito.."
Nagulat ako ng itayo naman ako ni David at hawakan ako sa kamay.
"Tahan na Sunshine.. Maghahanap nalang siguro ako ng iba. Ikaw nalang muna dito basta tandaan mo yung sinabi ko ha? Kapag kinalimutan moko sige ka liligawan kita."
Natawa naman ako sa kanya dahil nakuha pa niyang magbiro sa ganitong sitwasyon pero di nagtagal ay kinuha rin ni Azi ang kamay ko sa kanya.
"Anong ligaw? Gusto mong ipalunok ko sayo yang kamao ko?"
dO___ob
"M-master.."
"Papalag?" maangas na amok ni Azi.
Napalunok si David.
"Sunshine.. Halika na."
dO___ob
Bigla nalang ako hinila ni Azi palayo kay David..
"Ano ba Azi? Ano bang ginagawa mo? Saan mo ko dadalhin?" atungal ko.
"Ako ang maghahatid sayo kaya tumahimik ka."
dO__ob
Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!
BINABASA MO ANG
MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]
Roman d'amourBalakajan. 💕 Magbasa ka. ✌