"Sino ka? Ikaw 'yung lalaking kasama ni Sunshine sa may hospital diba? Paano ka nakapasok dito? Sino ka?? Wag mong sabihin na ikaw ang tumalo sa lahat ng tauhan ko?" ang wika ni David. Tulad ko hindi rin niya inaasahang makikita namin si Ken dito. Sino nga ba kase ang nagsabi na nandito ako at paano niya nalaman yun?
d>>_<<b
Hindi sumagot si Ken at nanatili lang siyang kalmado.
"Sumagot ka!! Ikaw ba ang tinutukoy ng isang tauhan ko na umubos sa kanilang lahat? Bakit ni isang galos ay wala kang natamo kung pinakamalakas na mga bata ko na ang nakaharap mo?" dagdag pa niya.
Napalingon ako kay Shitzu at duguang-duguan na talaga ang kanyang hitsura. Kaawa-awa siya ay kumalat na rin ang makapal na eyeliner sa gilid ng kanyang mga mata. Alam kong nakakalakas na ako at ano mang oras ay pwede na akong tumakas pero ang sabi nga ng taong kumalas sa akin ay wag akong kikilos. Biglang sumulpot si Ken at talaga ngang napakabilis niya. May ganun pala siyang taglay na para bang isang hangin. Nagkatinginan kami ni Ken at kitang-kita ko ang matinding awa na nararamdaman niya. Pakiramdan ko ay hihimatayin na ako lalo pa't sa sakit na nararamdaman ko. Parang unti-unting hinihiwa ang aking leeg habang patagal ng patagal. Gusto ko ng makaalis dito at lumayo sa kanilang lahat.
Nagulat ako ng biglang naglabas ng pana si David at mabilis na tinama iyon kay Ken. Natamaan si Ken sa may balikat at agad na napa-upo. Dahil nga sa akin siya nakatutok ay hindi niya namalayan ang pagdating ng panang iyon.
"Keeen!" malakas na sigaw ko. Gusto kong tumakbo ngunit tulad nga ng nagsabi ay huwag akong kikilos at gagalaw dahil nandito lang siya. Naniniwala ako sa kanya at sa sitwasyon ko ngayon iyon na lamang ang tanging magagawa ko.
Agad na napalingon sa akin si Ken habang iniinda ang sakit ng kanyang balita. Tulad nga ng sinabi niya sa akin may ibang kemikal na nakahalo sa arrow kaya ganyan nalang siguro ang epekto sa kanya. Alam ko rin na ano mang oras ay pwede na siyang mamatay kung hindi niya ito aagapan. Kusa nalang tumulo ang aking mga luha nang dahan-dahan siyang ngumiti sa akin habang unti-unti ring tinatanggal ang panang nakaturok sa kanyang balikat. Napaiwas ako ng tingin nang makuha niya iyon kasama ang ilang parte ng dugo na kumakalat kung saan-saan. Bahagya siyang napahiga ng bahagya at naninigas na rin ang kanyang mga katawan. Mas lalo tuloy akong kinabahan.
"HAHAHAHAHAHA!! Talunin mo man ang lahat ng taong meron ako, hinding-hindi ka makakaligtas sa akin. Ano mang oras ay maaari ka nang mamatay dahil ang kemikal na inihalo ko dyan ay may pinaghalong kamandag ng cobra. Mamatay ka sa ayaw at gusto mo." parang baliw na talaga si David. Hindi na niya alam ang kanyang ginagawa. Pumapatay na rin siya ng mga inosente at walang kamuwang-muwang. Sa mga estudyante palang na namatay sa may hospital ay talagang napakakritikal na paano pa kaya ito?
d>>_<<b
"Ang panang tumama sa akin na kung iisipin mo ay mamatay na agad ako ng agaran, nagkakamali ka.. Napaghandaan ko na ito at kung hindi mo alam isa akong scientist. Napag-aralan ko na ang panang ginamit mo nung nakaraan at dahil nga isa akong scientist, nakagawa na agad ako ng mga pangontra.. Kung iisipin mong mamatay na agad ako dito dahil may kemikal siyang kamandag ng ahas d'yan ka nagkakamali. Siguro makakaramdam ako ng sakit pero panandalian lang iyon. Alam mo kung ano ang masakit at pang matagalan??"
dO___ob
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ken na para bang may hinihintay. Naigala ko ang aking mga mata at bigla akong nabuhayan ng pag-asa nang makita ko si Mitsuwo na tumalon mula sa itaas ng bodega saka bumaba sa may ulo ni David at tinakpan ng sako.
Biglang lumakas ang kabog ng puso ko nang makitang sumulpot naman si Zy Men na may dalang tubo at pinaghahampas si David. Tila nanonood ako ng isang palabas kung saan tinotorture nila ang isang tao. Para akong nasa deep web lalo pa't nang makita kong agad na umagos ang dugo ni David mula sa sako pababa sa sahig.
Hindi pa nakontento si Mitsuwo dahil inuntog niya sa sahig ang ulo ni David.
"Hayop ka!!" nangagalaiting sabi niya.
"Dapat sayo binabalatan ng buhay!" saad ni Zy Men saka ulit siya hinataw ng malalakas at napakaraming tira gamit ang tubo.
Naaawa ako kay David. Para na siyang aso na kinakatay ng walang kalaban-laban.
Napako ang atensyon ko kay Ken na ngayon ay naghihirap na. Tila ba malapit na siyang malagutan ng hininga dahil sa kanyang sakit na nararamdaman.
Nahanap ko nalang ang sarili kong tumakbo sa gawi niya habang umiiyak. Masakit man ang buong katawan ko ay nagawa ko pa ring tumakbo sa kanya. Ayoko pang mamatay si Ken totoo man o hindi ang mga sinasabi niya kanina basta ang alam ko, gusto ko nang matapos ang gulong ito.
Agad kong niyakap ng napakahigpit si Ken nang tuluyang makalapit ako sa kanya. Niyakap niya rin ako ng sobrang higpit na para bang iyon na ang katapusan ng lahat. Na para bang mawawala at aalis na siya kaya niyakap ko rin siya ng napakahigpit.
"Ken.. Wag ka munang pipikit. Ken wag ka munang matutulog please nagmamakaawa ako, wag muna ngayon please Ken!!" iyak na talagang sabi ko. Para na siyang mamatay at wala akong magawa para lamang mailigtas siya tulad ng ginawa niya sa akin noon.
Maya-maya'y idinikit ni Ken ang kanyang noo sa akin saka napaubo at napaluha. Nakakaawa siya. Ang napakagwapo niyang mukha ay nawawala tuwing luluha siya. Ang sakit makita.
d>>_<<b
Magsasalita pa sana si Ken nang may nagsalita sa aming harap na labis kong ikinagulat.
"S-sunshine.." umiiyak na ring sabi niya saka unti-unting nabitawan ang bombang hawak.
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUGAzi..
T______T
Naaalala niya ako't nandito siya.
Wag kang iiyak please. Nasasaktan ako.
Binitawan ko si Ken at tumayo ako ngunit kasabay rin non ang pag-atras niya.
"Ang sakit Sunshine.. Bakit?? Bakit ganito?? Akala ko ba mahal mo ako? Bakit mo kasama si Miguel? Ang bestfriend ko. Bakit siya pa??"
dO___ob
Magkaibigan sila ni Ken?? Siya si Miguel??
T_____T
Hindi..
"Azi.." tanging nasambit ko.
Lumuha siya at para namang hinaplos ang puso ko.
"Bakit mo 'ko sinaktan Sunshine?"
Natigilan ako ng sabihin niya iyon ng buong emosyon.
"Azi hindi ganon. Hindi mo alam ang nangya--"
"Wala ka.. Akala ko ikaw na.." iiling-iling na sabi niya saka pinunasan ang luha.
T_____T
Azi..
Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!