KABANATA 50

3.6K 111 1
                                    

Umalis na ako agad don at hindi ko na pinakinggan pa si lola. Umuwi ako sa bahay ko saka nagkulong sa kwarto.

Naguguluhan ako sa totoo lang. Gusto kong puntahan si Azi kaso baka mapatay lang ako ng lolo niya. Gustong-gusto ko siya makita pero alam kong ayaw ng lolo niya. Patay na si Azi pero hindi ko ramdam, pakiramdam ko ay nandito lang siya at buhay.

Napaisip ako sa sinabi ni lola. Ang sabi niya kanina ay hindi namamatay ang tunay na pag-ibig at ang sabi pa niya ay hindi pa pumanaw si Azi dahil hindi si Azi ang nasa hula.

Pero patay na si Azi.. Anong ibig sabihin na hindi pa patay si Azi kung nakita ko lang siyang nakaratay kanina? At ang sabi niya pa may pumanaw na pero hindi si Azi yun.. Kamukha lang kaya ni Azi yung namatay? Pero nasaan si Azi kung hindi siya ang nakaratay? Imposible naman nag-iisa lang yung pinya na yun kaya imposibleng may kamukha siya.

Ang malaking tanong na bumabagabag sa akin sino ang tinutukoy sa hula na pumanaw na? At bakit sinasabi niyang hindi si Azi ang namatay?

Ang daming tanong!

d>>_<<b

Sino ba talaga ang namatay na tinutukoy niya at bakit si David ang dinuduro niya kanina? Bakit niya sinabing itim na presensya si David?

Ang gulo na talaga!

Ano ba talaga ang totoo?

T______T

Sana nga sa lahat ng hula ni lola ay may maganda ng mangyari.. Sana nga hindi pa pumanaw si Azi..

Pero nag-aalala ako para kay David. Bakit kaya ang lalim ng tingin sa kaniya ni lola kumpara kay Azi? Bakit sinabi niyang pumanaw na ang taong iyon pero hindi si Azi..

Hindi kaya sumanib si David sa katawan ni Azi at siya ang namatay?

dO__ob

Pero sa palabas lang nangyayari yon.

d>>_<<b

Naligo nalang ako at tulalang lumabas para bumili ng makakain dahil wala akong pagkain sa loob ng bahay ko.

Tulala ako sa paglalakad dahil hindi ko alam kung paano ko pupuntahan si Azi dahil hindi ko pa rin matanggap na wala na siya at kung makakapasok pa ba ako don sa kabila ng ginawa ni David sa lolo niya. Pero nang suntukin ni David ang chairman kanina ay talagang ang lalim ng pinanghuhugatan na para bang matagal na niya akong kilala para ipagtanggol ng ganon. Halos mapatay na niya ang matanda kanina kaya buti ay nakapag-pigil siya at nailayo ko siya don.

*BEEEP!*BEEEP!*BEEEP!*

dO__ob

Humagis ako sa lakas ng busina na nagmumula sa likod ko at muntik na akong banggain.

"Loko to ah-- teka.."

dO__ob

NASA EXPRESSWAY AKO???

Ganun ako katulala?

d>>_<<b

T_____T

Azi..

Tumayo ako at sisigawan sana si manong driver kaso nagitla ako ng paharurutin niya ang sportscar niya pero mas nagitla ako ng makitang si Lei ang driver non.

dO___ob

Anong ginagawa ni Lei at bakit ang bilis niyang magmaneho? Sinong hinahabol niya?-- Teka.. Motorsiklo! Oo tama narinig kong may motor bago ako muntik na masagasaan. Sino naman kaya yun?

d>>_<<b

Kinakabahan ako!

*RIING!*RIING!*RIING!*

dO__ob

Potek kagulat!

Numero to ni Mitsuwo ah?

dO__ob

[Hello?] sagot ko.

(Sunshine si Azii!!)

dO__ob

[Anong nangyari??] aligagang tanong ko.

(BUHAY SI AZI!!)

dO___ob

Buhay si Azi.

Buhay si Azi.

Hindi ang lalaking kasama mo ang sinasabi sa hula.

Hindi namamatay ang tunay na pag-ibig.

Pagsisisihan mong sinaktan mo ang pinakamamahal ni Azi.

Babantayan kita Sunshine..

T______T

Bigla nalang bumalik ang lahat ng alaala niya sa akin.

(Pumunta kana dito dali at may kailangan kang makita!)

*TUT!*TUT!*TUT!*TUT!*TUT!*

dO__ob

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG

Paano si Chairman? Pero mas mahalaga si Azi..

Sumakay ako sa jeep papunta sa hospital na pinaglipatan nila kay Azi ayon sa tenext ni Mitsuwo na address. Agad akong pumasok sa kwarto at mabuting sila lang ni Zy Men ang nandon.. Teka-- ibig sabihin si Lei talaga ang nakita ko kanina..

Agad akong napalingon kay Azi at may nakakabit na nga sa kanyang mga kung ano-ano. Bigla akong nakaramdam ng makitang may machine na sa mga tabi niya kung saan senyales na buhay nga siya. Napaiyak ako at niyakap ko siya. Hindi siya gising pero buhay siya.. Pinagmasdan kong mabuti ang hitsura niya pero wala na ang napakagwapo niyang mukha. Panigurado ako magagalit at maiinis to kapag nakitang may pasa siya at galos sa mukha. Wala pa man ay nararamdaman ko na ang pagiging masunget niya.

"Sunshine himala ang nangyari."

Agad akong napalingon kay Mitsuwo.

"Dead on Arrival na siya nung mairating ko siya sa hospital na iyon pero nakakapagtakang matapos ang pangyayari sa pagitan niyo at ng lolo niya ay nagising siya. Sunshine narinig ka ni Azi! Tama ako.. Hindi ka niya pababayaan tulad ng lagi niyang binubulong at sinasabi kahit mag-isa siya. Sunshine sobra kang mahal ni Azi.." napaiyak ako ng yakapin ako ni Mitsuwo at pati siya ay napaiyak na rin. Sino nga bang mag-aakalang mabubuhay si Azi??

T______T

"Ang chairman.." napahiwalay ako ng maalala ko ang chairman. "Baka nandyan na ang chairman.."

Lumapit si Zy Men at tinapik ako sa balikat.

"Malala ang tama niya naka-confine siya ngayon." si Zy Men.

dO___ob

"Saka na tayo kabahan kapag dumating na siya." napalingon naman ako kay Mitsuwo.

"Sino?" kabadong tanong ko.

"Ang mommy ni Azi." si Zy Men.

dO__ob

Mommy ni Azi?

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG

"Pero sana hindi siya dumating.." si Mitsuwo. "Pera teka.. May iba akong gustong sabihin sayo kaya kita pinapunta dito." seryosong sabi niya kaya kinabahan ako.

"May nakita kaming note na iniwan sa mismong noo ni Azi."

dO__ob

Inabot niya sa akin ang note at nagitla ako ng makitang dugo ang ginamit na panulat.

"Hellcome to hell pareng Azi."

dO__ob

Hellcome to hell? Sino ang nagpadala?

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon