*AZI'S POV!*
Niyakap ko si Samantha nang napakahigpit. Yakap na namimiss ko nang gawin sa kanya.
Pagkatapos non hinalikan niya ako at wala akong ibang nagawa kundi ang tumugon nalang. Si Samantha lang ang kaisa-isang tao na hindi ako iniwan hanggang ngayong tinatalikuran ako ng mundo. Si Sam lang ang tanging tao na sinamahan ako kahit pa napakasama ng ugali ko. Tanging si Sam lang. Araw-araw kong kasama si Sam kahit pa nong mga panahong tinatalikuran ko siya. Hindi siya sumusuko sa akin hanggang ngayon na natuto na akong makisalamuha sa kanya. Nasanay na akong siya ang kasama ko mula nang nawala siya at inalok ko na rin ang offer ng mommy na ipakasal ako sa kanya. Wala namang saysay ang buhay ko kaya kahit siya nalang ang sumaya sa huling pagkakataon. Wala na sa akin ang lahat dahil iniwan na ako ng mundo. Siguro nga hanggang dito nalang ako at wala na akong patutungahan pa. Wala na rin sa akin si Sunshine at kahit ano pang pagsisi ang gawin ko ay malabo na siyang maibabalik sa akin.
Sana nandito ka Sunshine. Sana ikaw ang kayakap ko ngayon at hindi si Sam. Sana ikaw ang kahalikan ko at hindi si Sam. Kaso anong magagawa ko?? Kung maibabalik man kita sa akin panigurado ako hindi mo rin ako mapapatawad.
"Azi let's go." tumayo ako at sumama nalang kay Samantha papuntang kotse niya.
Tahimik lang kami habang tinatahak ang daan papunta sa aming mansion. Pagkarating namin don ay agad na sinalubong ako nina lolo at ng aming mga kasambahay.
"Master Azi, narito po ang tuwalya." inabutan ako ng tuwalya ni yaya at balisa ko iyong tinanggap.
Lumapit naman sa akin si lolo at masama ang tinging sinalubong ako. "Azi nasa puntod ka na naman ba niya ikaw nanggaling?? Ano ba?! Wake up!! Isang taon ka nang nasa puntod niya mula nung nawala siya pero hanggang ngayon balisa ka pa rin. Kailan ka ba titigil ha? Isang taon na 'yun! Tanggapin mo nalang dahil kahit anong gawin mo hindi mo na siya maibabalik--"
"YUN NA NGA E!!" malakas na sigaw ko. Natigilan silang lahat maging si Samantha na katabi ko. Bigla akong napaluha na naman kahit pa anong pigil ang ginagawa ko. Hindi ko mapigilang hindi maging emosyonal lalo pa't sa bawat tingin ko sa mga taong nasa paligid ko ay nakikita ko siya. Basta nakikita ko ang chairman ay nakikita ko siya sa kan'ya, maging si Samantha naaalala ko lahat ng mga pinaggagagawa nila noon. Ang sakit lang isipin na wala na siya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na wala na siya.
Hinarap ko ang chairman saka lakas loob na hinarap siya kaso kahit anong gawin ko ay nagiging emosyonal ako.
"ISANG TAON na lolo!! Isang taon na pero yung sakit nandito pa rin. Napakasakit lalo na sa akin, hindi mo 'ko mararamdaman dahil wala ka namang pake sa kanya diba? Wala kang puso!! Noong nabubuhay siya puro nalang pasakit ang binibigay mo sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot ngunit hindi niya pinapahalata. Alam mo bang nirerespeto ka ng tao ha? Nirerespeto ka niya kahit pa ang sama-sama mo sa kanya kaya anong karapatan mong sabihin sa akin na kalimutan ko na siya?? Napakawalang kwenta mo!!"
*PLAAAAK!*
Pagkasabi kong iyon ay napatagilid ang ulo ko dahil sa lakas ng pagdampi ng kanyang palad sa aking mukha.
"Chairman enough!!" pang-awat ni Sam.
Sa totoo lang nong nawala siya nawala na rin ang pagtingin ko sa mga tao. Wala na akong pakealam sa salitang respeto. Hindi nila alam kung gaano siya naging importante sa akin kaya paano nila nasasabing kalimutan ko na siya nang ganun-ganun nalang? Oo isang taon na ang nakalipas pero hind ibig sabihin non mawawala na rin siya sa puso't isip ko. Mahal ko siya at kahit ano pang gawin niya sa akin ay papatawarin ko pa rin siya dahil nga mahal ko siya. Ang sakit lang isipin na pamilya ko ang magsasabi nito sa akin.
Para akong sinaksak ng paulit-ulit at wala akong magawa kundi ang saluhin ito.
"Wala kang respeto!! Ako pa rin ang lolo mo kahit pa anong mangyari kaya nararapat lang na respetuhin mo ako!!" nanggigil na aniya.
Ngumisi ako sa kanya.
"Baliw kana talagang matanda ka." malutong na pagkakasabi ko saka binato sa mukha niya ang tuwalyang hawak ko. Narinig ko pang napamura siya pero iniwan ko nalang sila doon saka ako umakyat sa kwarto ko.
Pero maging sa pagpasok pala sa kwarto ko ay nakikita ko siya.
T_____T
Kahit saang sulok ng bahay ay nakikita ko siya. Naalala ko na naman yung mga araw na magkasama kami..
Sana nandito ka Sunshine.. Ikaw ang kailangan ko. Ikaw lang.
Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!
BINABASA MO ANG
MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]
Любовные романыBalakajan. 💕 Magbasa ka. ✌