Maya-maya ay binatukan niya ako kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit ka ba nananakit ng babae ha?!" inis na bulyaw ko habang nakahawak pa rin sa ulo kong kinunyatan niya.
Natawa naman siya ng bahagya kaya natigilan ako. May dimples siya potek! "Babae ka ba?"
"Woy mukha ba akong lalaki ha?!" sigaw ko sa mismong mukha niya.
Pakiramdam ko naalibadbaran siya kaya bahagya niya akong tinulak. "L-lumayo ka nga! Ang p-panget mo." tila nandidiri pang aniya kaya ako na mismo ang kusang lumayo.
Napanguso nalang ako habang tinitignan siya. "Mamaya kana mag-inarte dyan, maraming bantay sa paligid kaya dito ka lang sa likod ko." sabi niya habang palinga-linga nang dahan-dahan niyang pihitin ang door-knob ng pinto. Hinawakan ko naman agad siya sa kamay bago pa man niya mabuksan ng sobrang laki ang siwang ng pinto.
Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kamay niya "Salamat." panimula ko. "Utang ko sa'yo 'to." senserong pagkakadagdag ko pa.
Akala ko hahawakan niya rin ang kamay ko't sasabihing wag ako mag-alala kaso taliwas sa inaasahan dahil tinabig niya ang kamay ko. "May kondisyon 'to kaya 'wag ka magbunyi. Tss, halika na." iritado pang tugon niya.
Grabe ang sunget niya. Ano nalang itsura ng magiging anak niya? Nako kawawa. Basta talaga kapag ako nakatakas dito, tatakbuhan ko 'tong ungas na 'to at hindi na ako magpapakita kahit kailan. Sabihan ba naman daw akong tanga at hindi mukhang babae, siya nga ang panget ng buhok niya. Akala ba niya hindi ko pansin iyon mula nang makapasok siya dito? Buhok ba 'yan ng matinong lalaki, tss napakahaba. Hindi talaga ako magkakagusto sa mga ganyan at lalo na sa kanya.
Nagsimula na siyang maglakad kaya nagsimula na ring kumilos ang paa ko patungo sa kanya.
Kalmado lang siyang naglalakad habang nakapamulsa pa habang ako ay sobrang kabado na. Nanlaki ang mata ko nang makita ako ng isang bakla at agad na sumigaw ito kaya naman napahawak ako sa lalaking nasa harap ko, pero hindi ko inaasahan ang ginawa niya dahil sinuntok niya ito sa mukha dahilan para mawalan ng ito ng malay.
"May tumatakas!"
Napalingon ako nang may sumigaw non mula sa likod ko kaya napalingon rin si kuyang nasa harap ko. Sinalubong niya ito at pinagtatadyakan.
"Dalian mo, marami sila."
dO___ob
Agad na bumalatay sa aking mukha ang gulat na reaksyon nang sabihin niya iyon.
Sumunod lang ako sa kanya pero hindi ko naman inaasahan na matatapilok ako.Tsk!
"Tss, tanga!"
Imbes na tulungan ako ay iyon pa ang sinumbat niya? Napaka-walang puso. Gusto ko sana siyang sumbatan kaso may nakita ako sa kanyang likuran "Sa likod mo!" malakas na sigaw ko dahil may bagong dumating na bantay. Nasapak siya sa mukha pero agad ring bumawi dahil iniuntog niya ito sa pader.
Nang magsilabasan na ang mga taong bantay ay bigla nalang ako binuhat ni kuya palabas ng bar na iyon na para bang isa akong hangin at walang pakealam sa mga nangyayari dahil kung makatalon siya ay akala mo isang stuntman. Ipinasok niya ako sa isang kotse nang tuluyan kaming makalabas at saka mabilis na pinaandar yun palayo.
Napaiyak ako sa nangyari. Hindi ko alam na mauuwi sa ganito ang lahat.
"Huwag kang umiyak, hindi niyan maibabalik ang nangyari." walang lingunang saad niya.
Tahimik lang ako mula nang marating namin ang isang kainan, isang sikat at pang mayaman.
Gabi na at iilan nalang rin ang tao. May mga lasenggong nagkalat sa daan at labas ng resto.
"Humawak ka sa akin." tumingin siya sa akin nang sabihin niya iyon.
Humawak ako sa kamay niya at pakiramdam ko ang lakas ng kabog ng puso ko.
"Uy pare chix oh!"
"Oo nga yummy! Wahahahaha."
"Ano? Pulutanin na natin 'yan."
"Mukhang masarap pa naman at sariwa."
dO___ob
Napalakas ang hawak ko sa kamay ng lalaking kasama ko nang marinig ko iyon habang nasa akin ang atensyon at hinigpitan rin niya ang pagkakahawak sa akin.
"Sa bahay nalang tayo kumain." suhestyon niya kaya dali-dali akong tumango.
Paalis na kami ng maramdaman kong may humipo sa hita ko at sa may bandang pwet ko.
Napaiyak ako bigla nang maramdamang may yumakap sa akin mula sa likod at may kung anong matigas na bagay na sumasagi sa aking likod.
"Facyah!" bigla nalang sinapak ng kasama ko ang lalaking yumakap sa akin na matanda at amoy alak at pinagsasasapak ito. Sinunod naman niya ang mga kasamahan nito at walang alinlangang pinatumba gamit lang ang kanyang mga kamao.
Agad akong pumasok sa kotse niya at doon napaiyak ako ng todo sa may gilid at napasandal ng pinto habang siya ay alalang-alala sa akin base sa reaksyon niya.
"Wag ka nang magsusuot niyan." walang emosyong sabi niya habang matagal akong tinitigan na para bang pinag-aaralan ako bago pinaandar ang sasakyan.
Ilang saglit lang ay narating namin ang malapalasyo sa laking bahay. Bahay kaya nila 'to? Ang laki.
Pinagbuksan kami ng mga guards at pinapasok.
"Good Evening, Master!" tapos nagsi-bow sila.
Magsasalita pa sana ako kaso hinila ako ng lalaking kasama ko at pumasok kami sa isang kwarto na parang tambayan dahil may mga ingay akong naririnig senyales na hindi lang kami ang tao dito at isa pa puro pang wal-wal na mga gamit at pagkain ang nakalagay.
*EHEM!*
Napukaw ang atensyon nilang lahat sa amin-- akin.
Pero isa ang nakaagaw ng atensyon ko. Si Lei, ang taong pinapangarap ko. Anong ginagawa niya dito? Sobrang kumabog ng todo ang aking puso at pakiramdam ko hinampas ako ng napaka-init na kawali sa mukha.
"Kapatid ko 'yang panget na 'yan, si Lei. 'Yung dalawang yon, bestfriends ko."
*LUNOK!*
Shet!
Kapatid niya si Lei? Sigurado ba siya? Si Lei na hinahangaan ng lahat at hirap malapitan? Paanong nangyare 'yun at nandito ako mismo sa lugar na inaapakan niya.
"Lei.." pagtawag ng kasama ko ngunit ang simpleng pagtawag na iyon ay tila nangangahulugan ng napakaraming salita.
Nagitla ako ng mapadpad sa akin ang walang emosyon niyang tingin at ilang segundo ako tinitigan. Matapos non ay saka naman nagpalit ang kanyang reaksyon na para bang isa akong walang kwentang bagay saka bumaling na sa kanyang cellphone at nagsuot ng headset.
Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!