Pagkasabing iyon ni Azi ay niyakap naman niya ako paharap.dO___ob
Pakiramdam ko maririnig na niya ang tibok ng puso ko sa sobrang lakas ng tibok non.
Kumalas ako sa pagkakayakap niya at diretso siyang tinignan sa mata.
"Ano bang sinasabi mo, Azi??"
Nagulat siya sa inasal ko.
"Kelan mo ba maiintindihan na HINDI KITA GUSTO! Manhid ka bang talaga? Ano pa bang gusto mong gawin ko para layuan mo lang ako? May fiancee kana at ikakasal na kayo! At isa pa.. Masaya na ako sa kung anong meron kami ni Lei ngayon.."
"Sunshine sasaktan ka lang niya!"
"At ikaw hindi?? Badboy ka Azi at maraming didikit sayo na babae.. Si Lei gwapo siya oo pero kaya niyang kontrolin yun at naniniwala ako sa kanya.."
Lumapit si Azi at hinawakan ako sa kamay.
"Hindi mo kilala si Lei.. Hindi mo alam ang kaya niyang gawin!"
Napasinghal ako.
"Ano? Sisiraan mo siya sa akin? Puro nalang ganyan! Bakit ba ako ang kinukulit mo?? Pwede bang lubayan mo na ako, dahil sa totoo lang hindi talaga kita gusto at hindi ako magkakagusto sa isang tulad mo na maraming babae na ang kinama!"
Natigilan siya sa sinabi ko at binitawan niya ang aking kamay..
"Bakit Azi? Akala mo ba maniniwala ako sayo? Bago ka dumating dito noon naririnig ko na ang mga balita na ang isang tulad mo ay pinaglalaruan lang ang feelings ng mga babae.. Magkano ba binabayad mo sa kanila ha? Anong inoofer mo? Siguro nga lahat ng babae ay nagalaw mo na! Hindi ka makapagsalita? Totoo diba? Siguro nga ay may anak ka na sa iba't-ibang babae e. Kaya pwede ba? Wag akong pagtripan mo dahil HINDI kita gusto at kailanman ay HINDI KITA MAGUGUSTUHAN! Isaksak mo 'yan sa baga mo pwede ba! At isa pa.. Kung sa tingin mo ay makukuha mo ko dyan sa mga pinagsasasabi mo pwes ibahin mo ko dahil kahit mayaman ka ay hindi kita papatusin! Siguro gumaganti ka lang sa akin sa nagawa ko sa'yo sa may dagat? Nung tinanggihan kita, tama ba? Gumaganti ka kasi alam mong masaya ako kay Lei kaya sinisiraan mo siya. Napakawalang kwenta mong tao alam mo ba? Napakasama mo! Wala kang kasing-sama." hingal na hingal ako ng sabihin ko iyon. Kita kong unti-unting pumapatak ang mga butil ng luha na nagmumula sa kanyang magagandang mata..
"Ikaw lang ang babaeng iniyakan ko Sunshine, alam mo rin ba??"
dO____ob
Wag kang maniwala d'yan Sunshine. Wala nang matinong badboy ngayon kaya wag ka magpapadala sa emosyon niya.
"Sana hindi ko nalang ginawa.. Sana hindi nalang kita nakilala kasi ang sakit-sakit na sobra.. Mas masakit pa to sa lahat ng sakit na naranasan ko. Mga pasa? Bugbog? Torture? Walang wala yan sa sakit na nararamdaman ko Sunshine.. Hindi ka naman maganda pero bakit sayo ang lakas ng aking tama? Ultimo lahat nalang panahon ko inalay ko sa pagbabantay ko sayo pero hindi ko inaasahang ganito ang magiging kapalit lahat ng paghihirap ko. Lagi mo nalang ako sinasaktan.. Bakit ganito? Ang sakit sobra Sunshine! Ganyan pala ang tingin mo sa akin maraming babae at nagalaw.. Wala kang alam Sunshine.. Gustong-gusto kita saktan kaso ikaw si Sunshine, yung babaeng hindi ko kayang magalusan.. Kaya sabihin mo sa akin paano ko sasaktan ang babaeng iniingatan ko?? Hindi mo ko gusto? Siguro nga nakakabilib ka dahil lahat ng babae ay gusto ako pero ikaw ang kakaiba.. Pero yung sabihin mong hinding-hindi mo ko magugustuhan? Sobrang sakit na.. Siguro nga kapatid ko talaga ang gusto mo.. Hindi na ba magbabago iyon?"
dO____ob
"Tumigil kana Azi!"
Patalikod na sana ako ng hawakan niya ako sa kamay.
"Sabihin mo lang kung oo o hindi.. Kapag oo, mag-iistay ako at hihintayin kita.. Pero kapag hindi.. Malaya kana.."
Huminga muna ako ng napakalalim bago tumingin sa mga mata niya..
"Hindi.." sagot ko.
Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!