Agad na akong umalis don at hindi na siya pinakinggan pa. Naglakad-lakad ako kung saan-saan basta makalayo lang ako sa lugar na iyon. Ano bang ibig sabihin ni lola na layuan ko na siya? Sino ang tinutukoy niya at bakit? Sinong mamamatay? Ayoko mang isipin pero kinakabahan ako dahil naiisip ko si Azi.
Wag naman sana.
"Sunshine!"
dO__ob
Azi??
Anong ginagawa niya dito?
"Kanina pa kita tinatawag saan ka ba pupunta??"
Napalunok ako sa katotohanang nandito nga siya sa harap ko.
"Bakit ganyan ang reaction mo? Para kang nakakita ng multo."
Umiwas ako ng balakin niya akong hawakan. Naisip ko na naman kase yung sinabi ni lola na isang lalaki at kamatayan ang nasa braha.
"Sunshine! Ayos ka lang ba? May umaway ba sayo? Sabihin mo uupakan ko ngayon din."
"Azi hindi.."
"Eh ano?"
Wag ka ngang nega Sunshine. Hindi ka naman naniniwala sa hula diba? Umayos ka nga.
d>_<b
"W-wala.. Tara na??"
Lumapit siya sa akin ng may pag-aalala sa mukha.
."Ayos ka lang ba talaga? Kung may problema ka sabihin mo lang sa akin ha??" tapos niyakap niya ako kaya napangiti ako.
"Halika na." dagdag pa niya.
Paalis na kami ng mag ring ang telepono niya.
Sino kaya yon? Nakakakaba naman.
"Diba nagbigay na ako ng pera? Ha? Sige tulungan niyo na lang ilista niyo sa pangalan ko. Aalis na ako-- sige."
Tapos isinilid na niya yung phone niya.
"Sino yun?" tanong ko.
"Ah wala sa shop lang."
"Bakit daw?" tanong ko.
"Emergency e. Tara na??"
Tumango nalang ako bilang pagsagot.
Nagulat ako kay Azi ng hawakan niya ang kamay ko kahit nasa public place kami. Namumula akong tumingin sa kanya.
"Masanay kana." tapos kumindat siya kaya feeling ko namumula na naman agad ako.
Nakuha namin ang atensyon ng lahat at ang halos sa kanila ay ang sama ng tingin sa akin lalo na sa magkahawak na kamay namin ni Azi kaya bumitaw ako pero mukhang natunugan niya dahil bigla niyang nilakas ang pagkakahawak sa akin.
"Hayaan mo sila, ako lang ang tignan mo."
dO__ob
*BLUSH!*
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ni Azi.
"Girls diba si Azi yan? Bakit may kasama siyang basura? Hindi ba may fiancee na siya at ikakasal na sila?"
"Ay totoo yan si Samantha ang fiancee niya. Bakit iba ang kasama niya?"
"Nakakainis naman! Ano kayang gayuma ang ginamit niya kay Azi? Tsk. Ang hirap ngang lapitan yan tapos sila magkaholding hands??"
"Unfair. Bwisit yang babaeng yan."
Bahagya akong humiwalay kay Azi ng marinig ko iyon. Pero hindi ko naman inaasahan na pupunta pala kami sa mga babae.
"Gusto niyo pa bang mabuhay?"
dO__ob
"Azi.." mahinang sambit ko.
"A-azi." hindi makapaniwalang saad ng mga babae.
"Andito ka.. OMG pahug!"
Lalapit na sana siya kay Azi kaso tinulak niya ito ng malakas.
dO_ob
"Bakit ba ang sungit mo sa akin ha? Bakit hindi mo ako napapansin kahit matagal na akong nagpapapansin? Maganda naman ako ah at sexy! Ano pa bang kulang sa akin? Bakit yang basura na yan ganun nalang kadali sayo para hawakan? Ha!"
Nagulat ako itulak ni Azi ang babae nang tangkain niyang yumakap kaya napasubsob siya sa may kanal.
"Sa inyong dalawa ikaw ang mukhang basura." si Azi.
Bumitaw ako sa kanya saka pumunta sa gawi ng babae.
"Ano ba??!" sigaw niya ngunit tinulungan ko pa rin siya.
"Sunshine lumayo ka sa panget na yan."
Sinamaan ko siya ng tingin tapos ay bumaling ako sa babae
"Sorry sorry. Ayos ka lang ba?"
Akala ko tatayo rin siya pero ako ang nilublob niya sa may kanal.
d>>_<<b
"Bwisit ka! Mang-aagaw ang panget mo! Layuan mo si Azi dahil akin lang siya!!"
Hindi ako makapalag dahil ang lakas niya. Naramdaman ko na lang na bumulagta na siya sa daan.
Sinapak pala siya ni Azi.
"Isa pang lapit mo sa kanya ako mismo ang maghahatid sayo sa impyerno." galit na sabi ni Azi.
Napaiyak nalang ako ng todo.. Naalala ko ulit ang sinabi ni lola..
TRAHEDYA.
Si Azi ang nasa hula.
T_____T