*SUNSHINE'S POV!*
Nagising ako at hindi ko man lang namalayan na nakatulog at nandito na kami ngayon sa may isang hindi ko alam na lugar ni Ken. Para siyang kubo pero napakaganda at walang kapitbahay dahil puro puno ang nakapalibot. Hindi ko alam na may ganitong klase pa palang lugar sa mundo kung saan napaka-payapa ng paligid.
Masakit pa rin ang katawan ko dahil na rin umano sa epekto ng pana na tumama sa akin. Napakasakit at pakiramdam ko naging manhid ang buong katawan ko. Binigyan ako ng paunang lunas ni Ken at medyo bumalik nga sa kondisyon ang katawan ko pero yun ay ang hindi ko alam. May pinainom siya sa akin at bigla nalang ako bumalik sa dati ngunit hingal na hingal. Hindi ko alam kung ano iyon at paano niya nalaman yon pero wala na akong pakealam.
"May lason ang panang tumama sa inyo Sunshine. Mabuti na lamang at hindi ikaw ang mismong natamaan dahil mas malala pa dyan ang magiging lagay mo. Pasalamat nalang tayo dahil itinurok lang sayo yan at mababa lang kumpara sa kanila."
dO__ob
May lason? Kaya pala ang bigat ng pakiramdam ko kanina at hinang-hina ako. Paano nalang sila Samantha at ang iba pang mga estudyante? Paano sila dahil panigurado mas malala ang tama nila.
"Sila Samantha! Paano sila??" aligagang tanong ko.
"Hindi ko alam ang nangyayari sa kanila ngayon pero panigurado akong naghhirap na ang mga iyon ngayon sa tindi ng lason na tumama sa inyo. Alam mo bang katumbas ng kamandag ng ahas ang lason??"
dO__ob.
"Kamandag ng ahas??"
"Oo Sunshine pero wag kang mag-alala dahil nilabanan ko ang lason na tumatakbo sa iyong katawan.."
"Paano??"
"Sa totoo lang wala tayong kasangkapan dito na pangontra hindi tulad sa mga hospital pero nag eksperiment ako Sunshine. Gumamit ako ng mga kasangkapang nalalaman ko na inaral ko pa sa ibang bansa."
Nanlumo akong napapikit. Paano kung mamatay sina Samantha at ang mga estudyante? Paano kung hindi sila na-agapan ng mga doctor? Ano nalang ang mangyayari?
d>>_<<b
Sino ba kase ang pumanang iyon at bakit may lason ang mga gamit niya? Hindi siya normal dahil base sa kilos niya kanina ay tila nagmamasid siya.
"Sunshine mag-iingat ka na ha? Wag kang lalapit don pati sa babaeng mukhang bakla.. Nakakagigil siya alam mo ba? Ang lakas ng loob niyang tumawa habang nakikita kang pinagpipiyestahan." gigil na dagdag niya.
"Sino ba kase ang pinuntahan niyo sa hospital ah? Ikaw Sunshine nakikiusyo ka. Ang manang mo! Muntik ka na namang napahamak."
Bigla ko siyang niyakap. "Salamat Azi." buong pusong sabi ko. Naniniwala kase talaga ako na siya si Azi.
"Dito lang ako, pangako." mahinang sabi niya kaya mas lalo akong kinilabutan.
Nararamdaman ko na siya talaga si Azi.
"Wag mo kong iiwan Azi ah?? Dito ka lang. Gusto ko dito ka lang."
"Hindi ako aalis." seryosong sabi niya.
Matapos nang pamamalagi namin sa kubong maganda ay umalis na agad kami don at naglakad pabalik sa aming lugar. Hawak-hawak niya ang kamay ko ay sabay naming nilalakbay ang daan pauwi sa bahay ko dahil gabi na rin.
Humarap siya sa akin saka ako tinitigan sa mata. Ang gwapo niya talaga. Sasanib na nga siya sa gwapo pa? Ibang klase rin!
"Bakit ga-ganyan ka m-makatitig??" kabadong sabi ko sabay napaiwas ng tingin pero di kalaunay hinawakan niya ang baba ko sabay itinapat sa mukha niya.
"Ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko Sunshine alam mo ba?"
dO__ob
"A-azi.." nahihiyang sabi ko.
"Iwas ka ng iwas nakakainis iyon alam mo ba? Sa akin ka nga lang kaseng tumingin na manang ka!"
dO__ob
Nilapit niya ang mukha ko sa mukha niya kaya napalunok ako dahil kulay gray ang mata niya.
Sasanib na nga lang si Azi sa gwapo pa kase e. Nakakaasar siya!
d>>_<<b
"Sunshine paano kung nawala ako?"
dO__ob
"Hoy pinya ano bang sinasabe mo ha? Sinong mawawala? Aalis ka ba? Bakit ganon? Saan ka pupunta? Iiwan mo na ba ako? Nangako ka diba?" ngayon ay umiiyak na ako.
Pinunasan niya ang aking luha saka ulit pinaharap sa kanya.
"Mmh.. Paano kung isang araw bigla nalang ako mawala? Paano kapag may nalaman kang hindi mo gusto? Mapapatawad mo pa ba ako? Ako pa rin ba ang pipiliin mo o lalayuan mo na ako?"
dO__ob
*LUNOK!*
"Azi.. Ano bang sinasabe mo??" maluha-luhang sabi ko. "Kahit sino o ano ka pa ay tatanggapin kita.. Kahit ikaw pa ang pinakamasamang tao sa mundo ay ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko kaya magpagaling ka na ha?? Hihintayin kita sa katawan mo Azi. Pangako kaya sana gumising kana.."
"Te Amo Sunshine.. Saranghae.. Ay-ayatin ka launay.." iba't-ibang lengguaheng sabi niya saka malungkot ang hitsura pero di kalaunay unti-unti siyang lumapit sa akin at..
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUGHinalikan niya ako sa labi.. Ibang katawan man siya si Azi pa rin ang naiisip ko kaya hinalikan ko rin siya pabalik.
Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!