KABANATA 100

5.7K 134 49
                                    

Ang wakas

*SUNSHINE'S POV!*

3 years later.

Heto ako ngayon sa tabi ng park at inaalala ang nakaraan. Tatlong taon na pala ang nakalipas mula nang mangyari ang pag-amin na ginawa na iyon ni Azi. Noong gabing iyon rin mismo ang tuluyang pagbabalik ng ala-ala ko. Ako si Yuki Takashimoto at ang kapatid ko ay si Timothy Takashimoto. Nang dahil sa kuya ko doon ko nakikilala si Azekiel Yu o mas kilala bilang Azi. Si Azi ang laging nasa tabi ko nong mga panahong magkasama ang kuya ko at ang kapatid niya hanggang sa dumating si Miguel. Mula nang dumating si Miguel ay nawala naman na si Azi. Ang sabi sa akin ni Miguel ay wag ko na raw siyang hanapin dahil abala raw siya sa mga babae niya.

*FLASHBACK!*

"Miguel, asan si Azekiel? Antagal ko na siyang hinahanap e kaso palagi nalang wala. Ayos lang kaya siya??" tanong ko kay Miguel na ngayon ay sinasamahan akong kumain.

Ginulo naman niya ang buhok ko. "Yuki, wag mo nang hanapin si Azi, panigurado ako nasa nga babae niya iyon. Wag mo na siyang hanapin baka nagpapakasaya na iyon kasama ng iba kasi ayaw na niya sa'yo." sa sinabing iyon ni Miguel ay bigla akong napayuko. Ayaw na sa akin ni Azi? Ayaw na niya akong makasama? Akala ko ba hindi niya ako iiwan at sasamahan niya ako sa lahat? Masama ba ako at ayaw na niya sa akin? Siguro nga tama si Miguel.

"Oh, wag ka nang malungkot dyan Yuki, nandito naman ako e. Tayo nalang maglaro nito gusto mo?" turo ni Miguel sa chess na inihanda ko para kay Azekiel.

"Miguel, ang sabi kasi ni Azekiel kaming dalawa ang maglalaro nitong chess." malungkot na sabi ko.

Inakbayan naman niya ako at sinabing.. "Hayaan mo na yung si Azi, ang totoo niyan ayaw ka talaga niyang makasama kase alam mo ba ang sabi niya ay ayaw na niya sa'yo at napakapanget mo raw hindi tulad ng ibang girls. Walang-wala ka raw sa mga chixx niya dahil isa kang isip bata at korning kasama. Ang sama niya 'no? Ayaw niya sa'yo, pero 'wag kang mag-alala dahil nandito naman ako. Hayaan mo na iyong si Azi na magpakasaya sa iba. Dito ka nalang sa akin, hindi kita pababayaan." pagpapatahan niya sabay yakap sa akin. Natahimik naman ako bigla at nalungkot. Ayaw na pala sa akin ni Azekiel, akala ko pa naman gusto niya akong maging kaibigan pero hindi pala. Nakakalungkot naman, sa kanya lang kase ako masaya at komportable bukod kay kuya Timothy. Ayaw na sa akin ni Azekiel, ano bang nagawa ko? Gusto ko na siyang makita at makasama ulit ngunit tulad nga ng sinabi sa akin ni Miguel ay ayaw na niya sa akin at isa pa isip bata raw ako. Magaganda at sexy lang ba ang gustong makasama ni Azi? Akala ko ba magkaibigan kami ni Azi? Akala ko masaya siya kapag magkasama kami pero hindi ko naman alam na pinagtitiisan niya lang ang ugali ko.

Kaya para makabawi ay gusto ko sana siyang kausapin. Alam kong ipinagbabawal ang pumasok sa kwarto niya pero desidido na talaga akong kausapin siya. Ayokong magkagulo kami at hindi magka-ayos. Siguro ay may kasalanan ako kung bakit nangyayari ang mga ganito, kung bakit hindi na niya ako pinupuntahan at sinasamahan. Namimiss ko na si Azekiel, namimiss ko na yung dating kami.

Lumipas ang oras at wala pa rin siya kaya naman sa kakahintay ay naka-idlip ako. Ngunit sa pag-idlip na iyon ay hindi ko naman inaasahan ang susunod na mga nangyari. Hindi ko akalaing magagawa niya sa akin ang ganung klaseng krimen.

d>>_<<b

*END OF FLASHBACK!*

Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Malinaw na, naaalala ko na ang lahat. Sa nakalipas na tatlong taon nalaman ko na ang lahat ng dapat kong malaman. Kinuwento sa akin ni Zxhe-Zxhe ang lahat at kung paano ako mahalin ng kapatid niya. Hindi ko alam na nung mga panahong magkasama kami ni Miguel ay palihim siyang nagmamasid at palihim rin siyang nasasaktan. Mahal ako ni Azi at iyon ang totoo. Nakulong ako sa kasinungalingan ng mga taong nakapaligid sa akin. Kung maibabalik ko lang sana ang panahon.

Sana nandito pa si Azi, sana magkasama pa rin kami at sana nakinig ako sa paliwanag niya.

Tatlong taon na ang nakalipas. Sobrang sakit ng naaalala ko nung mga panahong ako pa si Yuki pero nang maalala ko ang nakaraan ko sa katauhan ni Sunshine ay doon nawala ang lahat ng sakit. Mahal ako ni Azi, mula nang nasa bar pa lang ako ay nandon na siya para iligtas ako. Ilang beses na niya akong nililigtas at ramdam ko ang pagmamahal niya. Ang pagtangay niya sa akin sa mansion laban sa chairman, sa mga taong muntik na akong ma-rape, kay Samantha, kay David, kay sir Pan Ot at maging kay Shitzu. Nung una palang nandyan na si Azi.

Sobra akong nasaktan nang magbalik ang alaala ko sa katauhan ni Yuki ngunit natakpan iyon ng magbalik ang alaala ko bilang Sunshine.

Mahal na mahal kita Azi.

T_______T

Tatlong taon na ang nakalipas at mula non hindi na rin kita nakita. Nasaan ka na ba, Azi? Balik kana dahil hinihintay kita. Hinihintay pa rin kita kahit walang kasiguraduhan na magbabalik pa. Hihintayin kita kahit masakit. Hihintayin pa rin kita bilang Sunshine. Kakalimutan ko na ang ako bilang Yuki at magbabalik ako sa katauhan ni Sunshine kung saan sobra kitang minahal.

"Yuki, tara na?" dali-dali akong nagpunas ng luha nang sabihin iyon ni kuya Timothy. Tumayo ako at niyakap siya saka tumayo.

Nagsimula na kaming maglakad ng may napansin akong naka-ukit sa may puno. Bahagya akong huminto at sobrang bumilis ang tibok ng puso ko.

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG

Babalikan kita, Sunshine. Babalik at babalik ako. Babalikan kita, Mahal ko. -Azi

Sa sinabi niyang iyon ay tila nabuhayan ako ng pag-asa. Bakit ngayon ko lang nabasa 'to?

T_____T

Hinaplos-haplos ko ang puno at inaalalang siya iyon. "Hihintayin kita Azi. Hihintayin kita pineapple ko. Matutuloy pa ang shineapple love story diba? Bilisan mong bumalik ha? Nandito lang ako. Alam kong ang tuldok ay hindi lang sa pagtatapos dahil nagbabadya rin ito ng panibagong simula. Hihintayin kita sa ikalawang libro ng ating pagmamahalan."

*WAKAS!*

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon