KABANATA 98

3.2K 77 16
                                    

Lumipas ang dalawang araw at kaming dalawa lang ni Azi ang magkasama. Ang sarap sa pakiramdam kapag siya ang kasama ko, nawawala lahat ng problema ko kahit wala naman akong problema. Ang saya-saya ko kapag siya ang kasama ko. Para kaming nasa langit na dalawa at masayang naglalaro. Sa loob ng dalawang araw tila kami lang ang tao sa mundong sabay naming binuo. Masaya na rin ang kanyang awra at hindi na siya malungkot, ang gwapo niya nga lalo e kesa noon na nakita ko siya sa hospital. Parang ang laki-laki ng problema niya't hindi na niya makayanan. Kasalukuyan si Azi ay naglalaro kasama ang dalawang bata, isang lalaki at isang babae. 'Yung batang lalaki may panyo sa noo kaya nagmumukha siyang gangster, iyong batang babae naman ay nakatirintas ng dalawa. Para silang couple. Iyong isa ay badboy at iyong isa naman ay good girl. Sa pagkakaalam ko ay nasa edad walo ang mga tao. Ang kyut nilang tatlo, si Azi nagmumukhang bakulaw na nakikipaglaro sa mga bata. Ang sarap niyang tignan lalo pa't nakangiti siya habang tumatakbo. Nandito kami ngayon sa park kaya maraming bata ang nagkalat. Dalawang araw na kaming hindi umuuwi ni Azi sa amin, dalawang araw na kaming hindi umuuwi at masaya lang kaming naglalaro at tumutuloy kami sa may isang bahay kung saan pagmamay-ari ng isang matanda na walang pamilya. Nakakatwang tinanggap niya kami ni Azi na para bang isang pamilya. Malapit lang ang lugar sa tabi ng lugar na pinupuntahan ko kaya hindi mahirap hanapin.

Habang pinagmamasdan ko si Azi ay nagitla ako nang may humawak sa balikat ko. Tinignan ko siya at halos mahulog ako sa swing na kinauupuan ko dahil sobrang nakakatakot ang kanyang hitsura.

"Ikaw!!" nakakatakot na sabi niya sabay duro sa akin. Bigla naman akong napatayo dahil sa takot. "Ikaw ay hindi pa nakakaalis sa nakaraan!" dagdag pa niya kaya mas lalo akong kinilabutan.

"L-lola a-ano p-po bang si-sinasabi niyo??" takot na sabi ko. Pakiramdam ko kakainin niya ako ng buhay e. Sobrang nakakatakot siya.

Bahagya siyang lumapit sa akin kaya unti-unti naman akong napaatras. "Magdadanas ka ng paghihirap! Kung anong dinadanas mong sarap ngayon sa pag-ibig ay siya namang magbibigay sa iyo ng matinding sakit!! Labis kang masasaktan kapag nalaman mo ang totoo! Maghihirap ka at ang taong mahal mo ang magpapahirap sa iyo ng husto! Maghanda ka!" nakakatakot na talagang sabi niya. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya basta ang alam ko sumasakit ang ulo ko. Hinawakan ko ang ulo ko dahil pakiramdam ko mabibiyak na iyon sa sakit. Ano bang sinasabi niya na nabubuhay ako sa nakaraan? Hindi ko maintindihan! At ang taong mahal ko raw ay ang magbibigay sa akin ng matinding sakit, sino ba ang tinutukoy niya? Si Ken kaya? Si Ken lang ang nariyan mula nang magising ako, posibleng siya kaya? Pero bakit naman ako sasaktan ni Ken? Mahal ko ba siya dati?

d>>_<<b

Ang sakit ng ulo ko!

Kapag nalaman ko raw ang totoo ay maghihirap ako at ang taong mahal ko ang gagawa non.

Sa sobrang sakit ng ulo ko ay napakapit ako sa swing. Tila may nagfla-flashback sa utak ko na hindi ko maaninag masyado, napakalabo. May mga taong nagbabangayan sa harap ko't nag-aaway, meron ding eksenang nakahiga ako. Meron pa ako nakikitang malalaking tao dalawa.

"Aaaaaaaaaah!! Ano ba ang totoo? Ang sakit ng ulo ko!! Gusto ko nang malaman ang totoo! Ano ba ang nakaraan ko? Bakit ako nakakakita ng malalabong eksena sa loob ng pag-iisip ko? Sino sila at ano ang koneksyon nila sa akin? Ang sakit!!" todo impit na sigaw ko. Sa sobrang sakit ay napa-upo na ako.

"Sunshine!!" nang marinig ko ang boses na iyon ay mas lalong sumakit ang ulo ko. Naramdaman ko nalang na itinayo niya ako at dali-dali ko siyang niyakap.

"Azi!!" umiiyak na sabi ko. Hindi maiwasang hindi tumulo nang mga luha ko. Ang yakap niya'y parang hinahanap ko't ayoko nang makawala pa.

"Sunshine, anong nangyari?? Ayos ka lang ba??" nag-aalang sabi niya. Sobrang nag-aalala ang mga tingin niya at parang hinaplos naman agad ang puso ko ron. Napaiyak nalang ako lalo.

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon