*AZI'S POV!*
Hindi lang ang pagkawala nila Lei ang bumabagabag sa sa akin. Pakiramdam ko wala na akong kwenta at hindi na dapat mabuhay pa. Lahat nalang ng malapit sa akin ay napapahamak. Una si Lei, si Sunshine, David, at maging sina Mitsuwo at Zy Men. Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap sa kanila matapos nang lahat. Isang taon na ang nakakalipas at isang taon ko na ring hindi nakikita sina Zy Men at Mitsuwo, at mas lalo na si Sunshine. Nang mangyari iyon kay Lei hindi pa don nagtatapos ang lahat dahil naaksidente ang sasakyang gamit nila Zy Men. Habang lulan sila ng kotse ay naaksidente sila. Nahulog ang sasakyang minamaneho nila sa may dagat at sumabog dahil sa kakamadali at kawalan ng preno. Lugmok na lugmok ako nang mga panahong iyon.
*FLASHBACK!*
Nandito ako ngayon sa may warehouse nang tumunog ang cellphone ko.
Si Mitsuwo!
"Azi dre, tulong!! Kailangan namin ng back-up. Tulungan mo kami baka hindi na kami makarating sa hospital."
dO___ob
"Ano??!"
"Dre sorry. Nawalan kami ng preno dala na rin ng sobrang pagmamaneho namin." umiiyak na sabi niya.
Biglang lumakas ang kabog ng puso ko hanggang sa may narinig nalang akong malakas na tunog at parang tubig sabay naman non ang malakas na pagsabog.
*END OF FLASHBACK!*
Kasalanan ko ang lahat kung bakit kinuha sila ng parents nila at nilayo sa akin. Nasa states na sila at doon nagpapagaling. Si Sunshine naman ay nandito sa Pilipinas nagpapagaling sa isang pribadong hospital na siyang pagmamay-ari ko. Pagmamay-ari ko ang hospital na iyon ngunit ang dalawin man lang si Sunshine doon ay hindi ko magawa. Pakiramdam ko sa paglapit ko sa kanya ay yun na rin ang kikitil ng kanyang buhay. Hindi ko nga alam kung gigising pa ba siya dahil isang taon na siyang nakaratay at dumaranas ng commatose. Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kanila lalo na sa kanya kung magigising man siya. Napakasakit makitang nagdudusa si Sunshine dahil sa mga kasamaan ko. Dapat ako nalang ang namatay e. Dapat hindi na sila nadamay. Wala nang nagmamahal sa akin. Sinaktan ko si Sunshine at hindi ko alam kung mapapatawad pa ba niya ako. Sobra kong mahal si Sunshine na ultimo kaya kong hindi magpakita sa kanya para lang sa ikabubuti niya. Mahal na mahal ko si Sunshine at ayokong masira ang pagtingin niya sa akin. Alam kong may kakaiba sa kanya at sana hindi na bumalik ang kinakatakot ko dahil hindi ko talaga alam kung mapapatawad pa ba niya ako. Sa totoo lang hindi ko alam kung paanong sa simula palang ay humantong sa ganito ang lahat. Patagal ng patagal mas lalo kong minamahal si Sunshine higit pa sa pagmamahal ko kay Yuki. Si Miguel naman hindi ko alam ang dahilan kung bakit mas pinili pa niyang lumapit kay Sunshine kahit pa may posibilidad na makuha niya ito ng walang kahirap-hirap.
Napakagulo ng utak ko.
Maya-maya'y may naramdaman nalang akong humawak sa balikat ko.
Si Zxhe-Zxhe.
"Azi pauwi na raw sila Mitsuwo at Zy Men. Let's go??" pakiramdam ko sa sinabing niya iyon ay hinaplos ang puso ko. Niyakap ko lang siya ng mahigpit saka ako napaiyak.
Naglalakad na kami pabalik ng sasakyan nang mag-ring ang kanyang telepono.
"Excuse." pamamaalam niya. Tanging tango lang aking nasagot.
"Really?? Thank God!! Okay Doc. We will come as soon as possible. Thankyou for your information. Yes Doc." tapos tuwang-tuwa niyang isinilid ang kanyang cellphone.
"What it is all about??" I asked.
She smiled at me. "Azi, the girl who named Sunshine is awake!! Gising na siya Azi!!"
dO___ob
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG
Sobrang lakas ng kabog ng puso ko nang sabihin niya iyon. Pakiramdam ko bigla akong hinaplos ni San Pedro sa buhok. Gising na si Sunshine.
T______T
Gising ang buhay ko. Gising ang inaakala kong hindi na mabubuhay pa. Gising si Sunshine!
Ang saya-saya ko na ultimo sabay-sabay tumulo ang mga luha ko.
"Azi, are you ready?" nakangiting tanong ni noona. Bigla naman akong nanlumo. Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang harapin. Hindi ko alam.
Inakbayan ako ni Noona. "Hindi ka makakatakas dyan sa takot mo hanggat hindi mo siya hinarap." pagkasabi niyang iyon ay mas lalong umigting ang nararamdaman ko para kay Sunshine.
"Noona.."
"I'll come with you." sagot niya.
Ngumiti lang ako sa kanya. Sumakay kami sa sasakyan niya at sobrang lakas ng kabog ng puso ko lalo pa't sa katotohanang malapit na kami sa kinaroroonan niya. Makikita ko na si Sunshine. Inihanda ko na ang sarili ko sa anumang posibilidad na mangyari. Tatanggapin ko ang lahat ng ibato niya sa aking mga salita. Isang taon ko ring hindi siya nakita at hindi ko alam kung kilala o natatandaan pa ba niya ako. Walang araw, oras, segundo ang nagdaan nang hindi ko naiisip si Sunshine. Sobrang mahal na mahal ko na siya.
Tahimik lang ako habang tinatahak namin ang daan papuntang hospital ngunit ang kabog ng aking puso ay napakalakas. Pagkarating namin ay napangiti nalang ako bigla.
"Azi, kaya mo 'yan. Face your fear." sabi ni Zxhe-Zxhe saka nagpangunang maglakad.
*ZXHE-ZXHE'S POV!*
Habang patagal ng patagal ay ramdam na ramdam ko ang paghihina at kawalan ng pag-asa ni Azi. Kung titignan mo siya ay sukong-suko na siya at hindi na niya kinakaya ang mga nangyayari. Hindi ito ang kapatid ko e. Hindi ito iyong Azi na kilala ko at kapatid ko. Parang ubos na ubos na siya at wala nang lakas. Ang tanging magagawa ko lang ay ang palakasin ang kanyang loob.
*AZI'S POV!*
Nasa harap na kami ng kwarto ni Sunshine. Nakarinig ako ng konting halakhak kaya naman sinenyasan na ako ni Zxhe-Zxhe na buksan iyon.
Pagkabukas ko ng pinto ay nagitla ako nang makitang magkayap ng mahigpit sina Miguel at Sunshine na halatang masaya.
Parang dinurog ang puso ko.
Ayoko na.
Masakit na masyado.
Lagi nalang niya ako sinasaktan.
T_______T
Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!