KABANATA 83

2.8K 87 5
                                    

*AZI'S POV!*

Isang taon na ang nakalipas. Isang taon na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa akin ang lahat. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang kanyang mga halakhak at bawat tingin. Narito ako ngayon sa kanyang putod habang pinagmamasdan ang kanyang pangalang naka-ukit. Kung maibabalik ko lang sana ang panahon ay babaguhin ko ang mga pangyayari. Awtomatikong gumalaw ang aking mga kamay papunta sa aking pisnge upang punasan ang mga patak ng luhang hindi matigil-tigil sa paghinto.

"Miss na kita." emosyonal na sabi ko at pakiramdam ko wala ni isa ang makakapagpagaan sa loob ko. Sa ganitong sitwasyon alam kong siya lang ang nakakapagpagaan ng loob ko at ano mang sabihin niya ay napakagaan sa pakiramdam.

Isang taon na ang nakalipas pero bakit ang sakit pa rin? Araw-araw akong dumadalaw sa kanyang puntod dala ang baon kong mga luha. Alam ko ayaw niya akong makitang nasasaktan at umiiyak pero anong magagawa ko?? Kahit ako pa ang pinakamasamang badboy sa lahat ay marunong pa rin akong masaktan lalo pa't kung importante sa buhay ko ang nawala.

"Bakit mo naman ako iniwan agad?? Akala ko ba sasamahan mo ako hanggang dulo? Pero bakit ka bumitaw? May pangako tayo sa isa't-isa diba? Ang daya mo naman e! Iniwan mo ko. Sino na ang magiging kasama ko?? Ang sakit-sakit pa rin kahit isang taon na ang nakalipas. Sana pwede kong ibalik ang nakaraan, sana nailigtas kita. Sana ako nalang ang namatay. Ano pa ang saysay ko sa mundo kung wala ka? Parang patay na rin ang kalahati ng buhay ko dahil iniwan mo ko. Sana talaga pwede kong ibalik ang nakaraan. Ang laki kong gago!! Bakit hindi man lang kita nailigtas? Sa lahat ng tao ikaw lang yung nandyan para sa akin. Mahal na mahal kita kahit pa nagkatampuhan tayo. Nagtatampo lang naman ako pero ang totoo gusto kong suyuin mo 'ko kasi ganun naman dapat diba?? Pasensya kana. Hindi kita nailigtas. Ako si Azi na ang lahat ay kayang patumbahin, kahit sino, pero bakit sayo hindi ko nagawa?? Hindi ko nagawang iligtas ka man lang. Miss na miss na talaga kita.. Siguro kung nabubuhay ka pa ngayon ay magkasama tayo habang masayang nagtatawanan pero wala na e. Wala ka na, iniwan mo na ako. Iniwan mo na kaming lahat.. Kung ganito lang din pala bakit hindi mo pa ako sinama? Isama mo na ako, miss na miss na kita e. Miss ko na ang bawat tingin mo, ang bawat ngiti, ang bawat haplos mo sa aking balat, miss ko na ang asarin ka.. Miss ko nang lokohin ka, miss ko na ang lahat sa'yo. Miss na miss na kita at kung may isa akong pagkakataon na humiling, hihilingin kong mabuhay ka ulit o hindi naman kaya'y kunin mo na ako. Alam mo masama pa rin ang loob ko sayo, aalis ka na nga kase hindi mo pa ako sinama."

Kasabay ng pagpatak ng luha ko ang pagbuhos rin ng ulan. Tila ba sinasabayan nito ang aking nararamdaman. Hinayaan ko lang ang sarili kong saluhin ang ulan. Pakiramdam ko mag-isa nalang ako, wala na akong kakampi at wala na akong saysay sa mundo.

Ito ang unang taon kung saan nangyari ang lahat. Ito ang araw at buwan na ayoko nang balikan pa dahil ito ang araw kung kelan ka pumanaw. Ito ang araw kung saan ka namatay mula sa warehouse. Ito ang araw na ayoko nang balikan.

T____T

Sana ngayon kasama pa rin kita.

Pumikit ako para mas lalong damhin ang ulan kaso bahagya akong natigilan nang maramdamang hindi ako nababasa. Agad akong nagmulat ng mata at doon nakita ko si Samantha. Mas lalo akong napaiyak nang makita siya. Binitawan niya ang kanyang payong saka ako niyakap kahit pa mabasa siya ng ulan. Sa yakap niyang iyon naalala ko na naman siya.

"Azi it's okay. Nandito lang ako, you can cry on my shoulder." pagkasabi niyang iyon ay mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Sam it's been a year pero bakit ganun? 'Yung sakit parang kahapon lang??" I asked.

"Ganun talaga Azi kapag mahal mo ang isang tao.."

Hinarap ko siya sa akin. "Sam, don't leave me. Please I'm begging you.."

Ngumiti siya sa akin. Sa totoo lang mabait si Samantha tulad rin niya. Mahal nila ako at pinapahalagahan kahit pa minsan ay sira ang ulo ko.

"I'll never leave you.. Dito lang ako Azi.."

T______T

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon