Seryoso ba to hinahalikan ako ni Azi? Bakit hindi ako pumalag at hinayaan ko lang siyang halikan ako? Hindi ko alam pero ang sarap sa pakiramdam.. Pakiramdam ko ligtas na ligtas ako sa halik niyang iyon tila nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko kay Lei at napalitan ng galaknsa ginawa ni Azi.
Hinayaan ko lang na halikan niya ako at tumugon lang ako sa ginagawa niya.
Malalim.
At ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya.
Napangiti siya kaya humiwalay na ako sa pagkakahalik namin.
Pinalo ko siya sa braso at natawa na naman siya. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil hindi ko napigilang tumugon sa kanyang ginagawa.
"Ang sarap ng labi mo Sunshine."
dO____ob
"Ano ba!" pinalo ko ulit siya sa braso saka ako napaiwas ng tingin pero kinuha niya ulit yun at itinapat sa mukha niya. Napalunok naman ako bigla nang makita ang napakagwapo niyang mukha.
"Miss na miss na kita.."
Nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa sinabi niya.
"Ewan ko ba pero kahit isang minuto palang kita hindi nakikita halos mamatay na ako.."
"Azi.."
"Kailan lang dinala kita dito diba? Tapos sinaktan mo pa ako.. Alam mo bang hindi pa ako kumakain mula ngayon? Kumain lang ako kanina sa shop tapos may asungot pa hindi lang isa kundi dalawa."
Ibig sabihin hindi pa siya kumakain dahil sa ginawa ko? Ang sakit marinig.. Teka.. Kung nandito siya kasama ko nasan naman si Samantha?
"Azi si Samantha?"
Umiwas siya ng tingin at humarap ulit sa may dagat.
"Malay ko, wala naman akong pake don e."
Ang badboy niya talaga kahit kailan.
"Ang badboy mo no?"
Natawa siya saka humarap ulit sa akin.
"Badboy na patay na patay sayo." tapos kumindat siya.
Pakiramdam ko namumula na ako sobrang kilig. Ewan ko ba pero sa kanya lang ako kinikig ng todo pwera kay Lei. Pero kailangan kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko hindi pwedeng ganito lang lalo pa't nasaktan ko siya pero nandito pa rin siya at kasama ko.
"Azi patawarin mo ko ah?" iyan pa lang ang sinasabi ko pero feeling ko maiiyak na naman ako kaya niyakap niya ako. Ngayon ay nakasandal ako sa malalaki niyang bisig at ramdam ko na namang protektado ako.
"Ssh. Pwede ba wag kang iiyak Sunshine.. Kasi ako ang mas nasasaktan kapag nakikita kitang ganyan kaya pwede ba wag mo na ulit akong saktan?"
Pinunasan ko ang luha ko gamit ang kanyang damit pati tuloy sipon sumama.
"Sorry.." mahinang sambit ko.
"Sandal ka lang Sunshine, saktan ka man ng buong mundo ako ang gagamot sa iyo kaya wag ka nang malungkot ah? Sige ka ihahagis kita dito sa dagat."
Natawa naman ako bigla kaya napangiti siya.
Ang gwapo niya.
"Pero wag kang makapante dahil may kabayaran ang ginawa mo sa akin."
dO____ob
Kabayaran? Hindi pa nga ako tapos sa shop niya e.
"Azi si David.." pagkasabi kong iyon ay umiwas siya ng tingin at humarap ulit sa dagat.
"Wag kang lalapit sa kanya.."
"Azi pero kaibigan ko lang siya kaya sana naman wag mo na siyang tanggalin sa trabaho kasi naiintindihan ko siya e. May kuya rin ako at nawawala siya kaya nga ako nag-aaral ng mabuti para mahanap ko siya diba? Kaya sana naman wag mo ipagkait kay David yung pagkakataon habang kasama niya pa yung tatay niya.. Azi nagmamakaawa ako sayo wag mo na siyang tanggalin parang awa mo na."
Hinawakan ko siya sa kamay ngunit nasa kawalan lang ang atensyon niya.
"Azi maawa ka naman. Alam mo bang sa trabaho nalang na yun niya binuhos ang kanyang oras kaya sana wag mong ipagkait sa kanya yon. Azi maawa ka naman mahirap lang sila diba? Azi.. Ako na ang nagmamakaawa sayo.."
Nagpunas ako ng luha dahil naiintindihan ko talaga si David saka naalala ko na naman ang kuya ko sa kanya. 18 na rin kasi si kuya at ganun rin ang ugali niya puro pamilya ang inuuna.
"Ssh. Tahan na.. Basta ikaw--"
Agad kong niyakap si Azi sa tuwa.
"Wag kang mag-alala aayusin ko ang trabaho ko don.."
Tumingin siya sa akin at hinawakan ako sa kamay.
"Hindi mo kailangang gawin yun Sunshine--"
"Azi hindi!! Kasalanan ko to besides gusto kong makabawi sa lahat ng nagawa ko sayo kaya let me inssist.."
"Sunshine.."
"Azi, please??" nagmakaawa talaga ako sa kanya. Sa totoo lang gusto kong bumalik don para masiguro kung ibinalik niya nga si David at isa pa naaawa ako sa kanya dahil wala siyang kaibigan tulad ng sabi niya. Hindi ko alam pero gusto kong samahan si David dahil nakikita ko sa kanya ang kuya ko..
"Oo na!" tapos tumalikod ulit siya.
Ang moody niya rin ano? Kanina lang ay halos itakwil na niya ako tapos babalik siya at manghahalik nalang bigla.
Napasandal nalang ako sa balikat niya dahil sa tuwa at galak saka sabay naming tinanaw ang napakagandang view sa ilalim ng buwan.
"Wag kang masyadong lalapit don ah?"
Si David..
Ngumiti lang ako bilang pagsagot..
Naghintay pa kami ng ilang minuto bago kami umalis. 11:30 na ng napagpasyahan niyang iuwi ako.
"Halika na gabi na."
"Teka alam mo ang bahay ko??"
"Tss. Para saan pa ang pagbabantay ko sayo kung bahay mo lang ay hindi ko alam? Ang slow mo talaga halika na nga!"
Ewan ko kung matatawa ako sa kanya e. Ugaling bata talaga siya kahit kailan tapos iniwan pa niya akong mag-isa dito.
"Hoooooi! Teka.." habol ko.
Sumabay nalang ako sa kanya hanggang sa marating ko ang inuupahan ko.
"Pasok ka na." si Azi.
"Teka paano ka?"
"Titignan muna kitang makapasok bago ako umalis."
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG
Ang sweet niya magsalita.. Nakakaatract siya lalo pa't ang tangkad niya't ang laki ng katawan isama mo pa yung nakasando lang siya at yung mala-pinya niyang buhok.
Papasok na sana ako ng tawagin niya ako ulit.
"Bakit??" tanong ko.
Lumapit nalang ako sa kanya pero hindi ko naman aasahang hahalikan niya pala ako sa noo. Ang gentleman niyang tignan..
"Hihintayin kita bukas.." tapos umalis na siya.