KABANATA 88

2.9K 68 4
                                    

*FLASHBACK!*

Kausap ko si Samantha sa loob ng kwarto ko dito sa hospital habang sila Lei ay nasa labas. Hawak ni Lei ang cellphone ko dahil may titignan raw siya don. Hindi na rin ako pumalag pa para pabor sa lahat ang nangyayari, baka kase mahalata nila na nagpapanggap lang ako dahil alam ko ang password ng cellphone ko. Mabuti na iyong si Lei ang may hawak tutal alam naman niya talaga ang password ng cellphone ko.

Ito ang araw na ang pinakahihintay ko. Balak ko sanang sorpresahin si Sunshine dahil ito ang araw na una kaming nagkita sa malapitan ulit. Nung araw na nakuha ko siya sa bar ay ito 'yun, pakiramdam ko ako na ang pinakamasayang badboy sa buong mundo dahil ang taong pinapangarap ko ay nakausap ko na ng malapitan. Noong nagkita kami sa bar ay sobrang lakas ng puso ko dahil sa wakas kitang-kita ko na siya sa malapitan at talagang napakaganda niya. Umiiyak siya noon at nagmamakaawang ialis ko siya sa makasalang lugar na iyon. Kahit hindi naman niya sabihin ay iaalis at iaalis ko pa rin siya don lalo na nang makita kong muntik na siyang ma-rape nung kalbo. Noong araw rin na yun ang pinakamasayang araw sa buhay ko dahil nahawakan ko ang kamay niya habang sabay naming tinatahak ang daan palabas don. Matagal ko nang sinusundan si Sunshine, sobrang tagal na. Mula nang maka-uwi ako dito sa Pilipinas ay siya na agad ang una kong hinanap. Nakakatwang isipin na iisa lang pala ang pinapasukan naming University.

Kaya hinding-hindi ko malilimutan ang araw na ito.

Kasalukuyan magkaharap kami ngayon ni Samantha at masayang masaya siya pero may halong lungkot. Masaya siyang gising na ako pero malungkot siya nang malamang wala akong amnesia at pinakiusapang itigil na ang lahat. Sinabi ko sa kanyang mahal ko si Sunshine at sobra siyang nasaktan don. Kung hindi ko lang talaga kilala si Sunshine ay baka malaki ang posibleng magustuhan ko siya. Maganda rin si Samantha at nasa kanya na ang lahat pero hindi siya si Sunshine. Si Sunshine simple lang pero pamatay na. Hindi siya mangangailang magmake-up pa dahil maganda na siya.

"Azi naman e!" mangiyak ngiyak na sabi ni Sam. Natawa naman ako.

"Loko ka talaga. Sorry Sam ah? But si Sunshine talaga e." nakangiting sabi ko.

"Azi how about me? I like you too!" parang bata na atungal niya.

"Gusto mo bang mahalin kita dahil naaawa lang ako sa 'yo? Sam, marami pang iba d'yan. Hindi lang ako ang badboy sa mundo." nakangiting pagpapatahan ko.

"But hindi sila ikaw! Wala silang pineapple hair. Saan ako maghahanap ng clone mo?" malungkot na aniya.

Hinawi ko naman agad ang kanyang buhok.

"Kung wala lang talaga si Sunshine ikaw ang mamahalin ko."

"So kailangan ko pa pala patayin si Sunshine??"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Joke lang.. You really love her huh??"

Ngumiti lang ako.

"I think wala na akong magagawa kundi ang suportahan ka.. Basta Azi ha??"

"What??" tatawa-tawang tugon ko.

"Kapag sinaktan ka ni Sunshine balik ka sa akin ha?? Alam mo namang ayaw kitang nasasaktan at nasa piling ng iba pero nang macomma ka narealize ko life is short. Kaya Azi promise mo balik ka sa akin ah?" malungkot na aniya saka ako nilakad.

"Salamat, Sam." nakangiting tugon ko.

Maya-maya'y bumitaw siya. "Sige na Azi, aayusin ko lang yung venue para makuha mo na si Sunshine at mai-date mo na. Happy monthsarry." tapos ngumiti siya ng totoo. Sumaludo naman ako at natawa siya.

"Bumangon ka na riyan at ayusin ang pineapple hair mo."

Natawa lang kami pareho. Dumiretso muna siyang banyo nang marinig ko si Lei.

[Sa lumang warehouse? 'Wag mong gagalawin si Sunshine, David!! I'm begging you 'wag si Sunshine.. Ano?? Si Azi?? Bakit si Azi? Hindi pa siya magaling! David!! Tangina!!]

*TUT!*TUT!*TUT!*

Pagkasabing iyon ni Lei ay kumabog ng malakas ang puso ko. Nasa panganib si Sunshine at kailangan niya ako. Alam kong hindi papayag si Lei na pumunta ako don dahil sobrang maaalalahanin siya sa kalusugan ko. Kilala ko siya hindi niya hahayaang umalis ako dito mag-isa. Alam kong nasa panganib si Sunshine at kung si David nga ang may gawa nun, hindi na ako magtataka. Dati kaming mag-kaibigan ni David pero mula nang nawala ang mga parents niya ay hindi ko na siya nakita. Ang sabi ni mommy pinatay daw ni David ang magulang niya kaya binawalan niya akong lumapit dito. Wag na wag ko raw lalapitan si David dahil isa siyang kriminal.. Pero lingid sa kaalaman ni mommy ako ang sumusustento sa pagpapagamot ng tatay niya. Naging matalik kong kaibigan si David dito sa Pilipinas matapos naming mag-away ni Miguel. Si Miguel ay kaibigan ko sa states at si David naman ay kaibigan ko sa Pilipinas bago nabuo ang F4. Hindi ko itinuring na iba si David pero tuwing makikita ko siya ay parang ang laki ng galit niya sa akin kaya hinayaan ko nalang hanggang sa isang araw nakita kong kayakap niya si Sunshine. Hindi na ako nakapagpigil kundi ang sapakin siya.

Kaya hindi na ako magtataka kung bakit si Sunshine ang ginagamit niyang pain para makuha ako. Alam kong may galit sa akin si David pero hindi ko balak iwasan siya. Nagkataon lang na siya mismo ang umiiwas at ang sama ng loob sa akin kaya itinuring ko nalang siyang isang tauhan.

Nilingon ko sila Lei at nagsimula na silang maglakad, wala na akong sinayang pa na oras kundi puntahan ang warehouse na sinasabi. Warehouse na dati naming tambayan at punong-puno ng ala-alala kaya saulo ko na lahat ng daan.

Sinapak ko pa ang lalaking nakita ko saka tinangay ang kanyang ferrari at mabilis na pinaandar iyon. Si Sunshine lang ang naiisip ko at wala nang iba.

"Wag na 'wag mo siyang sasaktan David. Magkakamatayan tayo kapag nakita kong may galos siya."

d>>_<<b

Ilang minuto lang ay narating ko na agad ang warehouse. Napakaraming bantay ang nakaharang pero nagawa kong itumba iyon gamit ang aking mga kamay at paa sa paraang alam ko.

Hindi ko alintana ang pangamba dahil habang patagal nang patagal ay nanganganib si Sunshine..

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon