FOUR

46K 643 50
                                    

Hannah'POV

KINABUKASAN nagising ako na wala sa tabi ko si Arhen, napabuntong hininga ako bago tuluyang umupo at tumayo. Tulad ng nakasanayan, nag linis ako ng kwarto.

Pag baba ko sa sala ay dumeretso ako sa kusina, doon ako lalong nanlumo ng mapansin kong hindi man lang nabawasan ang niluto ko kagabi. Umupo ako sa upuan, inilapit ko ang mga ito saakin tiyaka kinain kahit sobrang lamig. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang sobrang lamig neto, doon tumulo ang isang patak ng luha ko kaya naman agad akong tumingala para hindi magtuloy-tuloy. Kahit medyo gumara ang lasa dahil sa lamig ay pinilit kong ubusin pero sa huli ay tinapon ko ang ilan doon dahil sa nilalanggam or sira na.

Buong araw akong nag lines sa bahay, pilit kong inaalis sa isipan ko ang kung anuman ang panlalamig ng asawa ko, wala naman kasi akong matandaang maling nagawa para magkaganyan siya. Nung honeymoon namin ay pansin kong napipilitan lang siya na samahan ako na libutin ang lugar. Minsan ay mapapansin kong tulala siya but then, pag tinanong ko kung anong problema ay wala siyang isasagot iiling lang siya at ngingiti ng pilit pagkatapos ay yayakapin ako kaya hindi na ako mag tatanong at hahayaang pati ako ay malungkot.

Nung mag hapon ay dumating sila mom at dad ko, nag kwentuhan lang kami tungkol sa honeymoon namin shempre hindi ko na kinwento pa yung buong nangyarr dahil baka maging sila ay mag taka sa ikinilos ng asawa ko.

Saglit lang silang nag lagi sa bahay at agad din namang umalis kaya nakapag luto ako ng maaga, nakatanggap din kasi ako ng text mula kay Arhen na maaga netong matatapos ang gawain sa opisina kaya makakauwi siya ng maaga.

Masaya kong niluto ang paborito naming bulalo, medyo mahirap eto pero kaya ko naman. Saktong pagkatapos ko magluto ay dumating na si Arhen. Sinalubong ko siya ng yakap at halik... Like before bago pa siya maamig sa'akin.

"Kung ganto ba naman ang sadalubong sa'akin kada uwi ko, mawawala agad ang pagod ko" Salita niya habang nakayakap parin, tila nalungkot ako bigla.

Kung maaga ka lang umuuwi lagi edi sana hindi kita nakakatulugan parati.

Lagi siyang 2am lagi umuuwi ngayon lang ulit napaaga kaya naman talagang nakakalungkot isipin yung sinabi niya.

"hey sweetie, something wrong?" umiling ako tiyaka lalong hinigpitan ang yakap ko sakanya. "Hmm. Amoy bulalo ah.. Aray!" Pinalo ko kasi siya sa balikat niya.

"Sakto dating mo" Tumatawa kong sabi habang kumakalas sa yakap naming dalawa. "kakatapos ko lang lutuin yung paborito nating bulalo. Tara na sa loob. Para makakain kana" Hinila ko na siya sa loob ng bahay, dumeretso kami sa kusina at pinaupo ko siya sa upuan habang ako naman ay nga hain na ng hapunan namin.

"How's your work?" Tanong ko habang kumakain. Nilunok muna niya yung nginunguya niya bago siya nag salita.

"Nakakapagod pero masaya naman, lalo na pag nakikita ko siy...silang masaya." Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Alam kong iba ang tinutukoy niya... Muntik na siyang madulas

Ibinaba ko yung tinidor at kutsara ko sabay titig kay Arhen.

"W-hy sweetie?" Kinakabahang tanong neto ramdam ko ang kaba neto, ang lalim ng bawat hininga niya. Umiling ako habang may pilit na ngiti sa mga labi

"Wala naman. Busog na kasi ako." Dahilan ko kahit ang totoo ay pakiramdam ko kulang na kulang pa ang kinain ko pero sadyang nawalan ako ng ganang kumain dahil sa sinabi niya.

Hindi ako tanga Arhen.

Nag hihinagpis kong sabi sa isipan ko. Pasimple akong umiling muli upang mapawi ang luhang pumatak mula dito.

"O-kay. Tatapusin ko lang to." Tumayo ako at dumeretso sa refrigerator at kinuha ang dessert na ginawa ko kahapon na hindi niya nagawang kainin.

After ilang minuto ay natapos na kaming kumain agad kaming tumaas sa kwarto at sabay naligo. Dati-rati sa pag ligo namin ay hindi maiiwasang may mangyari pero hindi. Kahit halik ay walang namagitan saamin.

Nang matapos kaming maligo ay bumaba muli kami sa sala tiyaka nanuod ng movies, inabot kami ng 10pm at nakakatatlong pilikula na kami. Nakakaramdam na rin ako ng lamig dahil sa sobrang nipis ng suot ko. Wala rin akong pang ibaba.

At kung iniisip niyong inaakit ko si Arhen ay hindi ko ipag kakaila. Dahil totoo.. Nais kong may mangyare sa'aming dalawa tulad ng dati... Na habang nanonod kami ay umiimdayog ang mga katawan namin sa sahig.

Niyakap ko siya ng mahigpit ngunit muli akong nadismaya ng haplusin niya lang ang braso ko pero hindi niya ako niyakap. Kaya naman agad kong ikinalas ang pag kakayakap ko at humarap sa'kanya. Gulat siyang lumingon sa'akin nh mag sasalita siya ay hindi ko na hinayaan pa, agad ko siyang hinalikan.

Habang iginagalaw ko ang mga labi ko ay iniintay ko siyang tumugon sa mga halik ko na iyon na hindi naman ako nabigo. Gumanti siya ng halik sa'akin sa sobrang pananabik ko sakanya ay ramdam ko na agad ang pagkabasa ng pagkababae ko. Iginala ko ang kamay ko sa katawan niya pababa sa ari niya. Nang mahawakan ko iyon ay laking gulat ko ng bigla niya akong itinulak.

"S-orry. Pagod na ko. Mauuna na ko sa taas" Sunod sunod na salita niya. Tumayo siya at tumakbo sa taas.

Napayuko ako at doon na tumulo ng tumulo ang mga luha ko. Kahit panong punas ko ay hindi ito mahinto, kahit panong pag hinga ng malalim o pag tingala upang matigil ito ay hindi nangyare.. Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko.. Walang tigil. Habang walang tigil na bumabagsak ang mga ito ay pilit kong iniisip ang dahilan niya upang magkaganito kami pero wala ni isang maling nagawa ko noon lahat ay puros perpekto.

Halos kalahating oras akong naupo doon at nag iiyak. Nang makalma ko ang sarili ko ay tiyaka ako nag pasyang umakyat na. Ngunit para akong binuhusan ng malamig na tubig ng pag tapat ko ng pintuan namin, hindi ito gaanong nakasarado kaya naman nakita ko pang nakaupo sa gilid ng kama si Arhen nakatalikod ito sa'akin... At may kausap sa cellphone niya. Rinig na rinig ko ang mga sinasabi niya at parang tinutusok ng karayom ang dibdib ko.

"Sorry. Nahihirapan na din naman ako eh. Gumagawa na ko ng paraan okay? Just wait babe. Please?... Yes of course... No, no promise. Okay, good night i love you too"

Tila nag pantig ang tenga ko sa mga sinabi niya.. Hindi to totoo!!

Nag tatakbo ako muli sa baba, dumeretso ako sa kusina at doon lumagok ng alak.

"K-elan pa Arhen? Kelan mo pa ko niloloko?"

Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa picture naming nakadikit sa ref. Sobrang saya namin dalawa doon, iyon yung 1st aniverssary namin as husband and wife. Simpleng handaan lang sa garden ang ginawa namin nun pero sobrang saya namin.

Buong mag damag lang akong uminom ng uminom ng alak ng gabing iyon, umakyat lang ako sa kwarto namin ng mag aalas-singko na ng madaling araw, dalawang oras bago bumangon si Arhen. Pag bagsak ko sa kama ay agad akong nakatulog.

Pag gising ko ay wala na si Arhen sa higaan namin. Mag tatanghalian na din. Buong araw lamang akong nasa kwarto at nag kulong. Nang mag hapon ay tiyaka lamang ako bumaba upang mag luto ng hapunan.

Muli ay sabay kaming nag hapunan pero hindi ko siya kinausap, kinamusta niya ako ngunit hindi ako nag balak sumagot. Hinang hina ang katawan ko na para bang ayoko na muna siyang makita o kahit makausap man lang.

Lumipas pa ang ilang linggo at tuluyan ko ng nakalimutan ang narinig kong usapan mula sa asawa ko at sa kanyang kabet. Bumalik na rin ang dating sigla ko sa katawan minsan ay nakakaramdam ako ng pagkatamad ngunit hindi ko na lang pinapansin mas gusto ko kasing pag silbihan ang asawa ko kesa intindihin pa ang sarili ko.

--
New update. But a short update.
Yays. Okay na ulit cellphone ko kaya naman makakapag update na ko madalas.
I hope na andyan parin ang mga nag babasa neto.

Enjooooy. Bawi ako next update. Promise.

Don't forget to vote and comment.
-SmileRaine

My Husband's Mistress (Complete) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon