HANNAH'POV
Mag alas-dose na ng magpasiya akong umuwi. Sa labas pa lang ng gate ay nadismaya na ako ng mapag tanto kong wala parin si Arhen. Napayuko ako sa manubela at doon ng tuloy tuloy ang pag bagsak ng mga luha ko.
Kala ko kahit papaano mababawasan ang sakit dahil sa sayang naramdaman ko kanina habang kausap sila Clark pero mali ako. Dahil andun parin ang katotohanang may babae ang asawa ko.
Habang umiiyak ay nagbalik ang lahat ng alaala na meron kami noong mag boyfriend at girlfriend pa lang kami. Halos hindi na siya tumitingin sa mga babae dahil nasa'akin lamang ang paningin niya. Paanong nangyare na ganto ang kinahinatnan ng pagiging mag asawa namin? Anong nagawa kong kasalanan sa'kanya?
Nung bumaba ako ng kotse ay dere-deretso akong nag lakad papasok ng bahay. Nahiga ako sa sofa at doon tulalang nakatitig sa chandelier na niregalo pa ni Jolen. Bestfriend ni Arhen.
Maya maya pa ay nag pasya na akong pumunta sa kwarto. Habang nakahiga ay narinig ko ang sasakyan ni Arhen pero hindi ako nag aksayang tumayo man lang. Nakahiga lang ako hanggang sa pumasok na ito sa kwarto namin. Tila nagulat pa to ng makitang gising pa ako.
"Bakit gising kapa?" Kinakabahang turan neto.
Hindi ako sumagot. Umiling lang ako at pumikit. Narinig ko pa ang malakas na buntong hininga niya pero nanatili akong nakapikit. Hanggang sa pag pasok neto sa banyo ay rinig ko.
Nang mahiga ito sa kama namin ay akala ko yayakap na siya sa'akin para matulog pero hindi. Mali ako, bigla kong narinig ang pag tatype niya sa cellphone niya. Narinig ko pa itong nag pipigil ng tama.
Kumikirot ang puso ko. Parang tinutusok ito ng malalaking karayom. Ang mga pag pipigil niya ng tawa ay parang nag pipigil ng kilig. Nasasaktan ako sa mga pinaramdam niya sa'akin. Nanatili akong nag tulog-tulugan hanggang sa yumakap ito sa'akin, hanggang sa maramdaman ko ang malalalim na hininga niya sa batok ko.
KINABUKASAN. Walang ganang tumayo ako sa higaan. Napalingon ako kay Arhen na mahimbing na natutulog. Mapait akong napangiti dahil sa biglang pag sakit ng puso ko. Hanggang ngayon ay nasasaktan ako at pakiramdam ko nadadagdagan pa to habang nakatitig ako sa'kanya.
Pumasok ako sa banyo at ginawa ang daily routine ko. Pag baba ko sa sala ay dumeretso ako sa kusina at nag luto ng aming almusal. Walang gana akong nag linis sa buong kusina habang iniintay kong maluto ang kanin na sinalang ko.
Pagkaayos ko ng kakainin namin ni Arhen ay ang banyo naman sa kusina ang nilinis ko. Habang busy sa pag lilinis at naramdaman ko ang isang taong lumapit sa pintuan ng banyo kaya tiningnan ko ito. Nakita ko si Arhen na nakasuit ng pang office. Muling kumirot ang puso ko.
"Gi-gising kana pala" Pilit na ngiting bati ko sakanya.
"Hm. Good morning" Bati niya. Tumango akong may pilit na mga ngiti sa mga labi ko.
Binaba ko ang pang is-is ng sahig, nag punas ako ng pawis bago lumapit sa'kanya.
"kain na tayo" Salita ko. Ngumiti ito sa'akin ng pag katamis tamis akala mo walang ginagawang kalokohan. Kung hindi ko lang sana alam na niloloko na niya ako baka kinikilig na ako sa pnapakita niya sa'akin.
Tumango ako sa'kanya at nilagyan ng pagkain ang platong nakahanda sa harapan niya. Tahimik lamang kaming kumakain ng biglang mag salita eto.
"Next week mag kakaroon kami ng out of town. 1 week kaming mag stay doon."
"S-inong kasama mo doon?" tanong ko. Tumingin ito sa mga mata ko. Kitang kita ko kung gaano siya ka excited sa out of town na iyon.
"Mga investor shempre Sweetie. Sino pa ba?" Tumatawang ilang na sagot neto. Ngumiti lang ako.
BINABASA MO ANG
My Husband's Mistress (Complete) (Editing)
General FictionRamdam na ramdam ni Hannah ang pag lalamig sa kanya ng kanyang asawa na si Arhen. They Married for 4years, wala pa silang anak dahil nga masyado pa silang bata. 19 years old pa lang ng mag desisyon silang mag pakasal, siguro nga ay dahil mahal na ma...