ARHEN'POV
Pinag isipan ko ng mabuti ang sinabing iyon ni Jolen, hindi ko alam kung bakit niya naiisip ang bagay na mga ganun. Pero dahil mahal ko siya, pinag bigyan ko siya. Isang buwan muli ang lumipas ng makita ko ang sarili kong nakikipag talik kay Hannah.
Tulad ng sinabi ni Jolen ay ginawa ko nga sa asawa ko lahat ng ginawa ko sa'kanya. Sinubukan kong iparamdam kay Hannah na mahal ko parin siya.. Na hindi ko siya kayang ipagpalit sa iba. Pero tila hindi ko maramdaman ang asawa ko, dahil habang ginagawa namin iyon ay wala kong ibang nakikita na katalik kundi si Jolen. Pag katapos namin gawin iyon ay muli kong nakita ang sarili kong papunta na sa condominium ni Jolen.
Nahirapan akong mag park kaya naman medyo natagalan ako, pag pasok ko sa loob ng building ay biglang tumawag sa'akin si Hannah. Kinabahan ako dahil akala ko ay umalis siya ng bahay para sundan ako pero ng ibinaba niya agad ang tawag ay nakahinga ako ng maluwag.
May sarili akong susi ng unit ni Jolen kaya naman wala akong hirap na nakapasok, napangiti ako ng maabutan ko si Jolen na natutulog sa lapag sa sala. Lumapit ako sa'kanya at humiga sa tabi niya, agad naman siyang nagising sa mga yakap ko.
"A-rhen, why are you here? Wala naman tayong usapang magkikita diba?" Parehas kaming humingi ng leave ngayong araw dahil siya ay may aattenand na reunion mamayang gabi samantalang ako ay gusto kong mag pahinga na lang buong araw pero iba ang nangyare.
"Diba sinabi mong puntahan kita pagkatapos naming gawin yun? K-aya andito ako" Turan ko. Ngumiti ito at umupo, umupo rin ako sa tabi niya.
"Ano? Mahal mo parin ba ako?" Tanong neto. Ngumiti ako bago dahan dahang tumango.
"Mahal na mahal kita Jolen." Ngumiti ito ng pagkaganda ganda, na kahit sinong lalaki ay hindi makakayang titigan lamang iyo. Hinalikan ko siya.
Buong magdamag ay wala kaming ginawa kundi ang burahin sa katawan ko ang bakas ng pagtatalik namin kanina ni Hannah. Hinigitan namin ang mga ginawa at nagawa na namin dalawa ni Jolen ng mga nag daang araw at buwan.
Masaya kaming nag kwentuhan pagkatapos naming gawin ang panibagong makasalanang eksena. Wala na ata akong maisip na tama, dahil tuwing nakakasama o nakakatalik ko si Jolen ay wala na kong maisip na tama kundi siya at siya lamang.
Kinabukasan ay maaga akong umalis para sa isang board meeting, hindi ko maiwasang kabahan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, kaya naman ng matapos ang meeting ay sinermunan ako ni daddy na nanood ng meeting. Sinabi ko na lamang na may hindi magandang nangyare kahit ang totoo ay wala pa naman.
"Labas tayo" Bungad saakin ni Jolen ng pag pasok ko sa office ko ay sumunod siya sa'akin.
Lumingon ako sa orasan at mag aalas-Dos na ng tanghali, tumango ako sa alok ni Jolen kaya naman kinuha ko ang coat ko at lumabas na ng office.
Pumunta kami sa isang coffee shop, naupo kami sa tabi ng dingding na glass. Ako ay umupo sa kita sa labas samantalang si Jolen ay nakaupo sa dingding na hindi glass.
"Ibibili lang kita ng coffee at cake" Tumango ako, pumunta naman siya sa counter para umorder.
Hindi nag tagal ay bumalik din eto. Pero sa hindi ko maipaliwag na dahilan ay ang pag upo sa mismong harap ko ni Jolen ay biglang kumabog ang dibdib ko.
"What happen?" Bakas sa itsura neto ang pag aalala.
"No-thing, kinakabahan lang ako" Ngumiti ito at hinalikan ko, tinugunan ko ang halik na iyon pero agad ko ring binawi ang mga eto baka kasi may makakita sa'amin.
Tinawag ang pangalan ni Jolen dahil sa order namin kaya naman tumayo eto kaya nag karoon ako ng pag kakataon na tumingin sa labas. Nagulat ako ng makita ko ang sikat na si Thormire sa tapat ko, nakatingin eto sa'akin at malalim ang pag kakatitig niya. Kilala ko eto dahil minsan ko na siyang nakasama sa isang tour, hindi ko siya nakausap dahil mas gusto niyang mapag-isa.
BINABASA MO ANG
My Husband's Mistress (Complete) (Editing)
General FictionRamdam na ramdam ni Hannah ang pag lalamig sa kanya ng kanyang asawa na si Arhen. They Married for 4years, wala pa silang anak dahil nga masyado pa silang bata. 19 years old pa lang ng mag desisyon silang mag pakasal, siguro nga ay dahil mahal na ma...