HANNAH'POV
Unti unti kong iminulat ang mga mata ko ng dahil sa sobrang liwanag. Sa unang mulat ko ng mata ay malabo at blurred ang nasa paligid ko. Nakarinig ako ng mga ingay sa paligid ko, boses nila Clark. Tulad ng dati ay napaka ingay neto.
Biglang sumagi sa isip ko ang nangyare kanina sa bahay. Ang mga dugo at masakit kong tiyan ang bumalik saaking isip. Ang pag hingi ng sorry ni Jolen at ang pag dali-daling umalis.
Agad akong nag mulat ng mata at kinapa ang tiyan ko. Nang makapang malaki parin ito tanda ng andito pa ang baby sa tiyan ko, nakahinga ako ng maluwag... Pero agad ding nawala ang pagiging kampante ko dahil napansin kong medyo lumiit ito.
"A-nong nangyare sa tiyan ko?" Tanong ko. Lumingon ako kila Clark, kasama niya sila Thormire, Caleb, Terrence at may isa pa silang kasamang tingin ko ay doctor. "Ba-kit maliit ang tiyan ko kumpara noon? A-nong nangyare?" Nag uumpisa na akong mag wala, may kung ano sa isip ko na nag sasabing may mali.
"You're baby boy is safe now. But im sorry to say this, hindi namin nailigtas ang kakambal niyang babae"
Tila nabingi ako sa kanyang sinabi, marami pa itong sinabi pero wala na akong maintindihan pa. Wala ng pumapasok sa isipan ko kundi ang sinabi lamang ng doctor. Paulit-ulit ko itong narinig sa utak ko, hanggang sa sumakit ang tenga ko.
"AAAAAHHHHHHH" Umiiyak na sigaw ko. Naramdaman kong may yumakap sa'akin may sinasabi ito pero hindi ko maintindihan, patuloy na nag uulit-ulit sa utak ko ang sinabi ng doctor, iritang irita ako na ako pero patuloy parin siya sa pag sasalita.
"TAMA NA! TAMA NA SABI!!!!" Muling sigaw ko, pinapatigil ko ito pero ayaw niyang makinig saakin. Paulit-ulit at nakakabingi. "Please! Tigilan mo na ko!!" pasigaw na bulong ko.
"Omygod! Anong nanagyayare sa'kanya?" Tanong ni Clark. Tumingin ako sa'kanya at hinawakan ko siya sa kamay niya.
"Tulungan mo ko Clark. Paulit-ulit siya eh. Ayaw niya tumigil sa pag sasalita. Clark, naiirita na ko sa'kanya." Umiiyak na tugon ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at tahimik na umiyak.
"This is normal for those woman na nakaranas tulad ng nangyare sa'kanya but this is really bad. P-wede itong mauwi sa pag kabaliw kung hindi ito maagapan" Rinig kong salita ng doctor pero wala akong naintindihan sa mga sinabi niya.
"K-ambal ang anak ko, doc?" Tanong ko. Tumingin sa mga kasama namin sa kwartong iyon.
"Y-es, pero isa na lang siya ngayon." Deretsang salita neto.
"A-no pong ibig niyong sabihin? Nalaglag yung isa?" Tanong ko. Tumango ito. Wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak. Hinimas ko ang tiyan ko ng paulit-ulit.
"Mga anak ko, konting buwan na lang makakasama ko na kayo. Excited na kong makasama kayo" Nakangiting kausap ko sa dalawang batang nasa tiyan ko.
"You're baby boy is safe now. But im sorry to say this, hindi namin nailigtas ang kakambal niyang babae"
"You're baby boy is safe now. But im sorry to say this, hindi namin nailigtas ang kakambal niyang babae"
"You're baby boy is safe now. But im sorry to say this, hindi namin nailigtas ang kakambal niyang babae"
"You're baby boy is safe now. But im sorry to say this, hindi namin nailigtas ang kakambal niyang babae"
"You're baby boy is safe now. But im sorry to say this, hindi namin nailigtas ang kakambal niyang babae"
"You're baby boy is safe now. But im sorry to say this, hindi namin nailigtas ang kakambal niyang babae"
BINABASA MO ANG
My Husband's Mistress (Complete) (Editing)
General FictionRamdam na ramdam ni Hannah ang pag lalamig sa kanya ng kanyang asawa na si Arhen. They Married for 4years, wala pa silang anak dahil nga masyado pa silang bata. 19 years old pa lang ng mag desisyon silang mag pakasal, siguro nga ay dahil mahal na ma...