A/N: laktawan po ang dapat laktawan okay? Hoho. Ngayon pa lang ay pinapaalalahanan ko na kayo. Enjoy reading.
--
HANNAH'POVTahimik ko lamang binabantayan ang anak ko, umuwi narin sila Clark. Naiwan na lang akong mag-isa dahil umuwi rin si Thormire para kumuha ng mga damit ni Prince Skyler. Ilang oras na rin ang nakakalipas simula ng matapos ang operasyon niya pero hanggang ngayon ay hindi parin ito nagigising. Tinanong ko narin ang doctor kung bakit ganoon. Okay naman na daw ang anak ko at wala ng dapat ikabahala.
Hinawakan ko ang kamay ng anak ko at hinalikan eto. Hinawakan ko rin ang pisnge niyang may ilang galos, napangiti ako ng mapait.
"Magiging maayos din ang lahat baby." Turan ko dito. Hinalikan ko siya sa pisnge at tumayo. Lalakad na sana ako papuntang cr ng biglang magsalita ang anak ko.
"M-ommy" Agad akong napaupong muli, hinawakan ko ang kamay niya at pinag hahalikan ito. Hindi ko maiwasang mapaluha.. Luha tanda ng masaya ako dahil nagising na ang anak ko.
"Baby, finally" Niyakap ko ito, narinig ko naman ang mahinang pagtawa neto. Nakahinga ako ng maluwag dahil natatakot ako na baka maapektuhan siya ng nangyare kanina sa'kanya.
Agad kong tinawag ang doctor, mabilis naman silang pumuna sa silid namin at mabilis na inobserbahan ang anak ko.
"He still need to stay here for two days ma'am. May mga test pa po kaming ipapagawa sa'kanya to make sure na walang damage ang nangyare sa'kanya." Salita ng doctor, nakangiti akong tumango dito. Ilang sandali pa ay iniwan na nila kami. Kinwentuhan ko ang anak ko hanggang sa makatulog itong muli.
Ilang oras pa ang lumipas ay bumalik na si Thormire, may dala itong damit at hapunan naming tatlo. Ibinalita ko rin ang paggising ni Prince Skyler kanina, tuwang tuwa itong hinalikan sa noo ang bata. Sobrang sarap sa pakiramdam ko na nakikita kong mahal na mahal niya ang anak ko. Dahil sa ginagawa niyang yun ay tuluyan akong nahuhulog sa'kanya.
Yes, i love him now. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung malalaman kong may iba siya, pero hindi ko parin ata kayang pumasok sa isang seryosong relasyon kagaya ng namagitan sa'amin ni Arhen. Dahil aminado akong nasasaktan parin ako pag naalala ko ang nangyare sa amin ni Arhen, at natatakot akong mangyare iyong muli saamin ni Thormire.
Nang magising ang anak ko ay masaya naming pinag saluhan ang hapunan, nag kwentuhan at nagbiruan. Pinapatawa ko ng husto ang anak ko para kahit papaano ay makalimutan niya ang nangyare sa'kanya. Nung kinahating gabihan ay biglang dumating si Arhen kasama ang magulang niya, iyak sila ng iyak at humingi ng patawad dahil sa walang nagawa kanina. Awang awa ang tingin na ipinupukol ko kay Arhen tuwing naalala ko ang sinabi ng nurse kanina. Tinititigan ko siya at minamasdan ang bawat kilos niya.
"Tss. Matunaw yan." Nagulat ako ng biglang nag salita si Thormire sa likod ko. Lalo akong nagulat ng bigla itong tumayo at lumabas ng kwarto. Mabilis naman ako nag paalam at lumabas.
Kahit saang lumalop ko siya hanapin sa hospital ay hindi ko siya makita, nag sisimula na rin akong mag-alala na baka iba ang naisip niya sa pag tingin ko sa dati kong asawa. Hanggang sa mapunta ako sa parking lot, agad kong hinanap ang sasakyan ko na ginamit namin kanina ngunit hindi ko makita, muli kong nilibot ang parking lot at nakita ko ang sasakyan niya. Mabilis ko itong nilapitan, dahil tempered glass ito ay hindi ko makita kung nasa loob siya. Pumunta ako sa front seat at sumakay doon, nakita ko si Thormire na nakasandal habang nakapikit. Niyakap ko siya na ikinagulat niya.
"W-hy are you here?" Tanong neto. Umiling ako bago muli siyang niyakap ng mahigpit. "H-ey?"
"Are you jealous?" I asked.
"Tch." Napangiti ako sa naging tugon niya, humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa'kanya bago siya kinatitigan sa mata. Nakita ko naman ang pagkailang sa mga tingin ko.
BINABASA MO ANG
My Husband's Mistress (Complete) (Editing)
Ficción GeneralRamdam na ramdam ni Hannah ang pag lalamig sa kanya ng kanyang asawa na si Arhen. They Married for 4years, wala pa silang anak dahil nga masyado pa silang bata. 19 years old pa lang ng mag desisyon silang mag pakasal, siguro nga ay dahil mahal na ma...