HANNAH'POV
Nag doorbell ako ng tatlong beses, nakatayo lamang ako hanggang sa mag bukas ang pinto.
"H-annah" Nag angat ako ng tingin. Gulat na gulat ang mga mata niyang nakatingin sa'akin. Tila hindi inaasahan ang pag dating ko. Kung tutuusin ay dapat na niyang asahan ang pag dating ko, yun nga lang iba ang pakay ko ngayon.
"C-an you be m-y h-usband's mistress?" Utal-utal na tanong ko.
"W-hat?!" Tanong neto. Ngumiti ako ng mapait, tumulo ang isang butil ng luha sa mata ko at mabilis kong pinigilan ang pag daloy ng iba pa.
"Please Jolen. B-e my husband's m-istress" Nakayukong pakiusap ko, hindi ko na muling napigilan pa ang mga luhang tumutulo, hinayaan ko na lamang silang mag unahan sa pag bagsak.
"Alam mo kung anong meron kami, Hannah." Tumango ako. "Pero eto ka nasa harapan ko at nakikiusap na maging kabet niya ako? Nag iisip ka ba? Dapat ay magalit ka, dapat ay sinampal mo ako at patigilin pero andito ka at inaalok mo ako?" Muling tumango ako. Lumuhod ako. "Tu-mayo ka nga!" Natatarantang utos neto sa'akin.
"T-aka ka. Dapat nga ay magalit ako sayo, sainyong dalawa pero anong magagawa ko? A-yokong mawala si Arhen sa'akin, Jolen. Alam mong simula una pa lang si Arhen na anf mahal ko. Nag mamakaawa ako, mahal na mahal ko si Arhen. Mahal na mahal ko siya to the point na gagawin ko to. Hahayaan ko kayong magkaroon ng relasyon p-ero nakikiusap ako, wag mo siyang kunin sa'akin. W-ag si Arhen, Jolen" Humahagulgol na pakiusap ko dito.
"Nababaliw kana" Komento neto pero tahimik lang akong umiiyak habang nakaluhod sa harapan niya.
Hindi ko alam kung paano akong nakauwi, basta ang alam ko lang nasa bahay na ako. Nakahiga sa kama at umiiyak. Nang dumating ako ay iniintay ako ni Arhen sa sala. Tinatanong niya ako pero hindi ako sumasagot nanatili akong tahimik.
"What are you doing here?!" Agad akong napatayo ng marinig ko ang sigaw ni Arhen. Bumaba ako sa sala at doon ko nakita si Jolen at may dala itong maleta.
"Ask her" Turo sa'akin neto. Lumingon sa'akin si Jolen maging si Arhen.
"She will staying here." Walang ganang turan ko.
"B-ut why?" Mapait akong ngumiti, lumapit ako kay Arhen ng nag dadalamhati.
"G-anito kita kamahal, ganito ako katangang mahalin ka." Tanging salita ko at tumalikod na ako sa kanilang dalawa. Pero muli akong humarap sa'kanila. "Know your limitation Jolen, you are just a mistress, i'm still the real wife" Muling walang ganang salita ko bago sila tuluyang iniwan sa sala.
Lumabas ako ng bahay at nag lakad lakad sa labas. Walang tigil sa paglalakad ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa isang park. Mapait akong ngumiting lumapit sa isang siso't umupo. Tulala lamang ako habang blangko ang isip. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko, hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko para gawin ito... Ganito nga siguro ako kamartir, ganito ko kagustong wag mawala si Arhen.
"You can cry if you want" Biglang may nag salita sa tabi ko, napalingon ako dito.
"A-nong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko.
"I was driving past by then i saw you here" Tugon niya.
"B-akit naman ako iiyak?" Tanong ko.
"It's really obvious you want to cry, so you can cry if you want" Tumatango niyang sagot. Nakatingin lamang ako sa'kanya napalingon ito sa'akin, hindi ko alam kung bakit pero ang nababasa ko sa mga mata niya ay awa at sakit... Sinasabi ng mga mata niya sa'akin na parehas lamang kami ng pinag-dadaanan. Napakalungkot ng mga mata niya.
Tumango ako at yumuko, pumatak ang ilang butil ng luha ko ng mag sunod sunod ito, pinupunasan ko ito pero ayaw nilang tumigil. Napahagulgol akong pilit pinupunasan ang mga luha kong iyon. Basang basa na ang mga kamay at mukha ko dahil sa luha. Ayaw nilang tumigil, ayaw nilang magpapigil sa pag patak. Gusto kong tumigil sa pag iyak pero ng maramdaman ko ang kamay sa likod ko ni Thormire ay lalo pa akong napahagulgol, tila tinutulungan niya ang mga luha kong lumabas. Hindi niya pinapagaan ang loob ko, wala siyang ginagawa kundi paiyakin pa ako ng husto.
BINABASA MO ANG
My Husband's Mistress (Complete) (Editing)
Ficción GeneralRamdam na ramdam ni Hannah ang pag lalamig sa kanya ng kanyang asawa na si Arhen. They Married for 4years, wala pa silang anak dahil nga masyado pa silang bata. 19 years old pa lang ng mag desisyon silang mag pakasal, siguro nga ay dahil mahal na ma...