SIXTEEN

41.8K 579 91
                                    

HANNAH'POV

Pagmulat ng mga mata ko ay nasa isang kwarto na ako na puro puti. Iginala ko ang paningin ko, nakita ko si Arhen na nakasubsob sa gilid ng kama at mahimbing na natutulog. Nakangiti kong hinaplos ang pisnge niya na ikinagising niya.

"Sweetie, do you need something?" Natatarantang tanong neto. Umiling lang akong tinitigan ang gwapo niyang mukha ng maalala ko ang nangyare bago ako mawalan ng malay.

"A-no daw nangyare sa'akin? B-akit ako dinugo kanina?" Kinakabahang tanong ko. Ngumiti ito lumapit sa'akin at niyakap ako. Narinig ko ang mahihinang hikbi niya. "Ano bang nangyayare Arhen? Can you explain to me?" Tanong ko. Ramdam ko ang pag tango niya, humiwalay ito ng yakap sa'akin.

"You are pregnant Sweetie. That's why dinugo ka kanina nung hindi sadyang maitulak ka ni Jolen"

Tila nabingi ako sa mga sumunod na sinabi ng asawa ko. Ang tanging tumatak sa isip ko ay iyong buntis ako. Buntis ako, eto na yung matagal kong pangarap... Mag kakaanak na kami. Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko, natataranta namang napatayo si Arhen.

"H-indi ka ba masaya sweetie?" Kinakabahang tanong neto. Umiling akong tumawa sa'kanya habang patuloy ang pag iyak ko... Pag-iyak sa kaligayahan.

"So-brang saya ko Arhen. Salamat" Umiiyak kong pagpapasalamat sa'kanya. Umiling itong yumakap muli sa'akin.

"No. Thankyou Hannah for giving me a blessinv like this" Natawa ako dahil parehas namin gustong magpasalamat sa isa't isa.

"Thanks to the both of us" Birong turan ko na ikinatawa niya ng bahagya. Gumaan ang pakiramdam ko.

"Sana naman ito na maging reason para magtino kana. Iwan mo na si Jolen, Arhen. Buoin natin ang pamilya nato ng masaya" mahinang tugon ko, hindi ito kumibo. "Arhen?" Tanong ko. Narinig ko ang malakas a buntong hininga niya.

"Susubukan ko, pero hindi ko mapapangako." Tumango akong nag dadalamhati.. Kahit pala may ganitong panlaban ako ay hindi parin niya kaya akong piliin. Hindi ko na alam kung saakin na ba talaga ang mali o kay Arhen.

"M-abuti siguro kung ibalita na natin to kila mom at dad" Masayang turan ko. Humiwalay siya saakin ng yakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat hinarap niya ako.

"S-iguro wag na muna natin ipaalam ang pinag bubuntis mo. I-tago na muna natin to sa'kanila" Nag tatakang tumango ako.

"Bakit naman?" Takang tanong ko.

"Kasi diba may problema pa ang company na minamanage ko. Galit parin sa'akin si dad"

"Edi mas dapat nating ipaalam sa'kanila to diba? Kasi baka etong anak natin ang makapag bati sainyong dalawa. Paniguradong...." Nagulat ako ng biglang sumigaw si Arhen at galit ang pinukol niyang tingin sa'akin.

"Sinabing wag muna diba? Wag ka ngang makulit Hannah. Kaya ka dinugo kanina ay dahil masyado kang makulit." Kinakunutan ng noo ko ang sinabi niya, naalala kong sinabi ni Jolen na makulit ako kaya hindi sadyang naitulak niya ako paupo

"Ha! Makulit?! I was concern to her, she look failed and maputla siya. Im still her friend, kahit anong kasamang ginawa niya sa'akin nag aalala parin naman ako sa'kanya! K-aya ba ayaw mong ipaalam sa pamilya mo.. D-ahil m-ay alam sila sa r-elasyon niyo ni Jolen?" Kinakabahang tanong ko, na nabigyan agad ng sagot.

Mabilis na umiwas ng tingin sa'akin si Arhen at tumalikod, inihilamos niya ang dalawang palad niya sa mukha niya. Kahit nakatalikod siya sa'akin ay pansin ko sa mga kilos niya ang ginagawa niya.

"So tama ako?" Hindi ito sumagot. "TAMA AKO??" Sigaw ko.

"OO NA! OO TAMA KA! NA-HULI KAMI NI DAD SA OFFICE KO! AT PAG NALAMAN NIYANG BUNTIS KANA PANIGURADONG GAGAWA NG PARAAN SI DAD PARA PAGHIWALAYIN KAMI NI JOLEN." Lumapit siya sa'akin at kumuhod sa harap ko. "Please Hannah. Not now. Hindi pa kong handang iwan si Jolen" Umiwas ako ng tingin.

My Husband's Mistress (Complete) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon