EIGHTEEN

46.9K 709 85
                                    

----
HANNAH'POV

Nakatingin lamang ako sa mga magulang kong magkayakap habang lumalabas sa bahay namin ni Arhen. Gustong gusto ko silang lapitan pero hindi ko magawa, natatakot ako na baka makita ako ni Arhen at malama niyang buhay pa ako.

"Are you ready?" Tanong sa'akin ni Thormire habang siya ay nasa driver seat. Tumango ako.

"Tss. Nagagaya kana talaga sa pagiging tahimik sa'akin." Reklamo niya, napangiti akong nilingon siya.

"Im not okay? Hindi ko lang alam ang sasabihin ko." Tumango ito. Inistart na ni Thormire ang kotse niya ng makitang umalis na ang parents ko sakay ang sasakyan ni dad. Mabilis namin itong sinundan.

Pumasok ang sasakyat nila sa V.V at dumeretso sa bahay ko. Inihinto ni Thormire ang sasakyan niya at lumabas, pinag buksan niya ako ng pinto. Sinalubong ako ng yakap nila dad at mom. Mahigpit ko rin silang ginantihan ng yakap.

"Ayaw parin aminin ng tarantadong iyon ang nagawa niyang kasalanan sayo. Wala kaming nagawa kundi ang sapakin at sampalin lang. Baka lalo siyang nabugbog kung hindi lang umeksena ang gagong byanan mo"

Tumango akong tinitigan ang mukha ng mga magulang ko. Ngumiti akong pinapasok sila sa loob, kasunod naman namin si Thormire.

"Mamaya ng gabi ang party." Biglang salita ni Thormire. Tumango ako.

"Hindi man tayo makakaakyat sa stage para makapag pakita ka sa kanilang lahat, atleast makikita nilang andoon ka mismo sa party." Muling salita neto.

"Ayoko talaga sa idea na makikita nila ako mamaya" Tugon ko. Ipinag hain ko ang parents ko ng pagkain.

"But this is the best way para makita ka nila muli. Paniguradong magugulat sila." Ngumiti ito.

"Napapadalas na ang pagngiti mo. Ang panget mo lalo" Biro ko. Tumawa ito at lumapit sa'akin.

"Pagkatapos ng lahat ng nagawa ko para sayo? Sasabihin mong panget ako?" humakbang ako paatras pero muli siyang umabante ng lakad palapit sa'akin.

"So nanunumbat ka?" Nakangising salita ko, agad naman itong umiling.

"No. Pero dapat ay sumipsip ka sa'akin para lalo akong ganahang tulungan ka." Ngumisi din ito. Umiling ako.

"Baka nakakalimutan mong gusto mo ring gumanti sa Dela peña kaya mo ko isinali sa plano mo?" Natatawang sagot ko muli.

Bago ako mawala noon ay napag alaman namin na sinisiraan ng Dela Peña Enterprises si Thormire sa nga investment nila. Kaya naman ginusto ni Thormire na makapag higanti sakanila lalo na kay Arhen. Hanggang nga sa mag kakuntyabahan na kaming dalawa. Tinutulungan niya ako at kaylangan ko rin siyang tulungan para hindi naman unfair sakanya.

Lumayo ito sa'akin at lalong natawa.

"Oo na. Talo na ko." At itinaas pa niya ang dalawang palad niya tanda ng sumusuko na siya. Natawa naman ako.

"Kelan ba ang kasal niyong dalawa?" Biglang tanong ni mom.

"Mom!"

"Soon po"

Sabay na sagot namin ni Thormire. Napalingon namang tumatawa ako kay Thormire.

"Hoy! Anong soon!?"

"Oh bakit hindi ba?" Lumapit ulit siya saakin pero sa pagkakataon na ito ay hindi ako gumalaw. Umiling ako. "May usapan tayo 2 months ago. Iniintay lang natin lumabas ang annulment paper niyo ni Arhen."

Napangiti  na lang ako bago ko inalala ang nadatnan ko noon sa states. Nung araw na paplanuhin pa lang namin ang pag bagsak ni Arhen at lalo na ni Jolen.

My Husband's Mistress (Complete) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon