TWENTIE FIVE

39.1K 508 9
                                    

HANNAH'POV

Nakatingin lang ako kay Arhen habang nakayuko. Hindi ko sukat akalain na sa ganyang kalusog na katawan niya ay may sakit siya, sabagay pumayat siya pero hindi naman siya ganun kapayat kahit papaano naman kasi ay may laman lamang pa siya. Medyo namumutla din siya.

Napalingon ako kay Thormire ng bigla niyang hawakan ang kamay ko, ngumiti ako sa'kanya bago muling lumingon kay Arhen. Kung noong una ay galit at ines ako sa'kanya, ngayon ay halo halo na. Nangunguna ang pagkaawa. Napailing ako bigla, sinisingil na siya sa mga kasalanang nagawa niya noon.

Lumingon ako kay Prince Skyler at lumapit, hinawakan ko ang kamay niya bago hinalik-halikan. Bumagsak ang ilang butil ng luha kong dala ng pagkaawa sa kinahinatnat ng anak kong walang ibang gustong gawin kundi ang mag laro lang. Walang muwang sa mundo kundi ang tumawa lang, sana pala ay hindi ko na siya iniuwi dito.

"S-orry, sana ay pinanatili na lang kita sa ibang basa" Umiiyak na paumanhin ko. "Edi sana wala ka dito at natutulog ng mahimbing diyan. Baby Skyler ko, bangon na please. Nag aalala na si mommy eh. Nasasaktan si mommy na nakikita kang nakahiga at walang malay." Hindi na muli akong nag salita bagkos ay yumuko na lang habang hawak ang kamay ng anak ko at patuloy na umiyak. Naramdaman ko ang pag hagod ng isang kamay sa likod ko na siyang nag paiyak sa'akin lalo.

Naramdaman kong biglang may pumasok pero hindi ko ito pinag tuunan ng pansin, pero nag angat agad ng tingin ng sabihin neto kung sino siya.

"Ma'am, Sir. Ako po ang pinadala dito ng police para sa kaunting imbestiga para sa nangyare sa anak niyo" Turan neto, lumingon ako dito habang hawak parin ang kamay ng anak ko. "Meron po ba sa'inyong nakasaksi ng pangyayare?" Tanong neto, lahat kami ay napalingon kay Arhen ng tumayo ito. Kitang-kita ko kung paano ang pag aalala para sa anak namin ay mabilis na napalitan ng galit.

"Ako, kasama ako ng anak ko nung o-ras na yun." Pasimula neto.

"Maari ko po ba kayong mainbitahan sa labas?" Tumango ito, mabilis akong tumayo kaya naagaw ko ang atensyon ng pulis.

"Sasama ako, ako ang ina ng bata. Gusto kong marinig kung a-nong nangyare sa'kanya." Tumango ang pulis, lumabas ito ng kwarto sumunod naman dito si Arhen. Nilingon ko pa saglit ang anak ko bago sumunod sa'kanila.

Habang nag kekwento si Arhen ay hindi ko maiwasang mapaisip kung anong gagawin ko pag nakita ko ang anak kong tumingin sa batang kumakain ng ice cream at itinuro ito. Baka gawin ko rin ang ginawa niya. Hindi ko maiwasang kainisan ang mga taong sumisigaw sa lugar na iyon habang ang anak ko ay tumatakbo papuntang kalsada. Maging ang pag lingon sa'kanya ni Skyler at ang pag tangkang lumapit sa'kanya pero hindi natuloy dahil nabangga na siya ng kotse. Wala akong nagawa habang nag kekwento si Arhen kundi ang umiyak ng tahimik. Lalo akong naawa sa anak ko ng ikwento ni Arhen ang pag hinto saglit ng sasakyan at ang muling pag harurot neto papalayo. Paano niyang nagawang takasan ang nagawa niya? Hindi basta tao ang nasagasaan niya... Bata ito at anak ko pa. Ang nag iisang kayamanan ko.

"Nakita niyo ba ang plate number ng sasakyan?" Tanong neto. Nagulat ako ng lumingon ito sa'akin bago tumango. Nakatingin to sa mga mata ko, at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay kinabahan ako.

"K-ilala namin ang may ari ng sasakyan" Tugon neto habang nakatingin sa mga mata ko. Napatakip ko ang kamay ko sa bunganga ko. Nakaramdam ako ng pagkamuhi sa taong gumawa neto sa anak ko, nais ko siyang makita at patayin dahil sa ginawa niyang kademonyohan sa anak ko. Nawala na sa'akin ang babae kong anak... Hindi ko na hahayaan pang mawala sa'akin ang nag iisa kong anak.

"Sino po ito? Pupuntahan namin siya agad para mag bigay ng ilang tanong ukol sa pangyayare" Tugon neto. Umiling ito saglit at yumuko pero agad ding nag angat ng tingin sa'akin.

My Husband's Mistress (Complete) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon