HANNAH'POV
"Bakit mo naman pinayagang ilabas si Arhen si Prince Skyler. Baka mapano yun eh. Paano kung itakas ni Arhen ang inaanak ko?" Tanong ni Clark. Napailing ako.
Kanina habang sinasabi at pinag papaalm ni Arhen ang anak namin na ilalabas niya sandali ay parang may ibig sabihin siya ng sinabi niyang hindi na mauulit yun. Ang totoo ay kinabahan ako sa sinabing iyon, parang may ibig siyang sabihin pero ayaw niyang sabihin.
"Nakakaawa siya kanina." Simpleng turan ko. Hinawakan ko sa kaya si Thormire na hanggang ngayon ay tahimik parin, simula ng ipaalam ko sa'kanya na papasamahin ko si Prince Skyler sa tatay neto ay hindi na niya ako gaanong kinikibo.
"Galit kaba?" Tanong ko. Tiningnan ako neto, ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko. Nagawa pa niyang halikan ito.
"No. But promise me this is the last time okay? Tama ng pinapakita mo sa'kanya ang anak mo.... Anak natin..." Salita neto. Natuwa naman ako sa huling sinabi niya. "As soon as possible ay ikakasal tayo, gusto ko ng dalhin niyong dalawa ang apilido ko." Desididong salita neto, napangiti naman ako at hindi na sumagot pa.
Tatayo sana si Thormire ng agad ko siyang tiningnan. "Kukuha ako ng baso." Salita niya.
"Possessive much?" Salita bigla ni Clark. Inambahan ko naman siya pero tinawanan lang ako neto.
"Ako na ang kukuha" Salita ko. Nginitian ako neto at muling umupo, tumayo naman ako at lumapit sa mga baso. Pag kuha ko ng isang baso ay hindi sadyang nasama ang isa, nalaglag ito at nabasag.
Napatingin ako kay Thormire na may kabang nararamdaman. Kabog ng kabog ng husto ang dibdib ko. Naiiyak ako sa hindi ko malamang dahilan, agad na hinila ako palayo sa bubog ni Thormire ng mag tangka akong pulutin iyon. Si Terrence at Clark ang luminis sa mga bubog na nag kalat.
"Kinakabahan ako." Biglang salita ko. Niyakap ako ng mahigpit ni Thormire, ramdam ko ang malalalim na hininga niya at ang malakas ng kabog ng dibdib niya.
"Its only saying okay? Don't believe it" Pagpapalakas niya sa loob ko, pero iba ang sinasabi ng kabog ng dibdib niya maging ang pag hinga niya ng malalim, tulad ko ay nag aalala din siya.
Inabutan ako ng tubig ni Clark. Pilit ang mga ngiti neto na parang sinasabing okay lang ang lahat... Na walang masamang nangyare. Pero hindi ko maintindihan sa sarili ko, may nag sasabi sa parte ng katawan ko na may hindi magandang nangyare
Nagpatuloy ang kwentuhan nila Thormire tungkol sa kasong isinampa namin kay Jolen, minsan ay nakikinig ako pero mas madalas ay tulala ako at nag iisip. Hindi ko maiwasang mag isip ng masama pero pasimpleng pinipisil ni Thormire ang kamay ko, sinasabi ng mga pagpisil niyang iyon na ayos lang ang lahat.
"MYGOD! Bakit hindi sinasagot ni Arhen ang tawag ko!" Sigaw ko. Isang oras na mahigit ang lumilipas simula ng umalis sila. Hindi ko macontact si Arhen, lalong hindi ako mapakali sa bawat minutong lumilipas na wala akong balita sa anak ko. Hindi ko mapigilang mag alala.
"Mag pahinga kana muna Hannah. Kami ng bahalang tawagan si Arhen." Tugon ni Clark. Umiling ako pero nag angat ako ng tingin ng hawakan ni Thormire ang mag kabilang balikat ko.
"Calm down okay? Everything is fine. Right?" Tanong neto.
"Sana nga. Sana" Umiiling na turan ko. Niyakap ako neto saglit at inaya ako na mag luto muna sa kusina. Hindi naman ako tumanggi, kaylangan ko rin libangin ang sarili ko para hindi na lalong mag alala pa.
Habang nag lalakad papuntang kusina ay biglang tumunog ang cellphone ko, may tumatawag. Dali dali akong lumapit doon at sinagot iyon.
"Arhen?" Tawag ko. Pero walang nag salita puro pag buntong hininga ang naririnig ko na lalong ikipinag taka ko. "Arhen? Please speak!" Halos pasigaw na utos ko dito. Pinisil ni Thormire ang balikat ko pero hindi ko siya pinag tuunan ng pansin. Nanlaki ang mga mata ko ng makarinig ako ng hagulgol sa kabilang linya, puro hagulgol ito na lalong kinakaba ko ng husto.
BINABASA MO ANG
My Husband's Mistress (Complete) (Editing)
General FictionRamdam na ramdam ni Hannah ang pag lalamig sa kanya ng kanyang asawa na si Arhen. They Married for 4years, wala pa silang anak dahil nga masyado pa silang bata. 19 years old pa lang ng mag desisyon silang mag pakasal, siguro nga ay dahil mahal na ma...