SEVENTEEN

42.7K 658 117
                                    

HANNAH'POV

Lumipas pa nga ang limang buwan, anim na buwan na ang pinag bubuntis ko. Hanggang ngayon ay hindi parin namin alam ang gender ng anak ko, ayaw ko kasing malaman para magkaroon ng excitement sa gender niya. Malaki ang tiyan ko kumpara sa normal na magbuntis, sabi nga ni Clark ay baka daw mataba at malusog ang anak ko kaya ganto na lang kalaki ang tiyan ko.

Hindi pa alam sa pamilya ko at pamilya ni Arhen ang tungkol sa pagbubuntis ko, sinusubukan kong kumbinsihin si Arhen na ipaalam na namin pero ayaw niya. And yes, nandito parin si Jolen sa bahay. Patuloy parin ang relasyon nilang dalawa, pag hindi ko naibibigay ang pangangaylangan niya ay pumupunta siya sa kwarto ni Jolen at doon siya magdamag mag stay. Nasasaktan ako, sobra kong nasasaktan dahil kahit may anak na kami.. Hindi parin niya magawang iwanan ang babae niyang iyon.

Nalaman ni Clark ang pagbubuntis ko ng minsang dinalaw niya ako sa bahay, hindi kasi ako nag paparamdam sa'kanya kaya ginulat niya ako sa pag dating niya, parehas lamang kaming nagulat. Ako sa pag dating niya at siya dahil nakita niya ang tiyan kong may umbok. Kinwento ko ang ilan sa'kanya at pinakiusapan na wag sasabihin sa pamilya ko.

Nakita pa niya si Jolen na nag stay dito sa bahay, tinanong niya ako kun bakit kaya naman nag dahilan na lamang akong siya ang pinag lilihian ko pero ang totoo na sa tuwing makikita ko siya ay kulang na lang patayin ko ito sa sobrang pagkabwisit ko. Mukhang ayaw rin sakanya ng anak namin ni Arhen.

Ngayon ay kaming dalawa lang ni Jolen sa bahay kaya naman madalang akong lumabas ng kwarto. Kung lumabas man ako ay sinisigurado kong tulog na ito, ayoko kasi talaga siyang makita.

Ala-una na ng madaliang araw ng biglang kumalaw ang tiyan ko, nagugutom ata si baby. Kaya naman tumayo ako sa pagkakahiga ko at dahan dahan na lumabas ng kwarto.

Malapit na ako sa hagdan ng biglang nag salita si Jolen mula sa likod ko, nakakatakot siya kaya naman kinabahan ako ng husto. Tumingin siya sa tiyan ko kaya mabilis ko tong itinago sa pamamagitan ng paghawak ko dito.

"Bakit?" Tanong ko.

"Bakit ba hindi kapa nakunan nung dinugo ka?" Galit na tanong neto. Agad na pinangunahan ako ng takot dahil para itong may balak na hindi maganda, ang sama ng tingin niya sa'akin maging sa tiyan ko.

"Ano bang sinasabi mo? Nahihibang kana ba?" Tanong ko.

"Dahil sa batang iyan, nawalan ng oras sa'akin si Arhen. Hindi ko na siya gaanong nakakausap, pupunta lang siya sa kwarto ko to fulfill his needs paano naman ang pangangailangan ko? Kaylangan ko rin siya" Nag tatangis na salita neto. Naglakad ito palapit sa'akin sa kaba ko ay napaatras ako.

Totoo ang sinabi na iyon ni Jolen, simula ng malaman naming buntis ako ay nabawasan ang atensyon ni Arhen sa'kanya. Nakafocus ito sa'akin, sa baby namin at sa trabaho. Kinakausap lamang niya si Jolen pag gusto nitong makipag talik, pinag bawalan kasi ako ng doctor noong huling pacheck up ko.

"Dahil buntis ako, Jolen. Can't you see? Dinadala ko ang anak namin." Kinakabahan ngunit kalmadong salita ko.

"Yun na nga Hannah eh. Dinadala mo ang anak niya.. Sana... Sana ako na lang ang nabuntis" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya para kasing may ibang ibig sabihin ang sinasabi neto.

"Ano bang sinasabi mo Jolen?" Tanong ko.

"Mahina ang tiyansa na mag-kaanak ako" Hikbing usal niya. "Kung mahina ang tiyansa ko, sisiguraduhin kong hindi kayo mag kakaanak"

Hindi ko gaanong maaninag ang mukha ni Jolen pero base sa boses neto ay umiiyak siya. Umabante siya kaya muli akong napaatras, hindi ko namalayang sa pag atras ko ay ang unang hakbang pala pababa ng hagdan muntik na akong mahulog pero agad akong napakapit sa rillings ng hagdan.

My Husband's Mistress (Complete) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon