HANNAH'POV
Lumipas ang mga buwan, pagkauwi namin galing honeymoon ay naging maayos at matiwasan ang buhay namin, minsan pang sinamahan ko si Arhen na mag pacheck-up sa sakit niya, naging maayos naman.
Ngayon ay nakaupo kami habang tinitingnan ko si Jolen na nakayuko. Bakas parin sa'akin ang gulat dahil kitang-kita ko ang malaki niyang tiyan, tanda na ito ay buntis. Hinihimas niya ito ng dahan-dahan sabay na iiling.
Napalingon ako kay Thormire ng hawakan niya ang kamay ko. Tumango ito sa'akin kaya naman napangiti ako sa'kanya. Napalingon naman ako kay Prince Skyler na nasagitna namin ng asawa mo. Titig na titig ito kay Jolen kaya muli akong napalingon dito, mabilis kong niyakap at itinago ang anak ko ng makita kong sobrang sama ng tingin ni Jolen sa anak ko. Napapalunok kong nilabanan ang mga tingin niyang papatay na.
Lumipas pa ang ilang minuto, nag simula na ang huling hearing sa kaso ni Jolen. Muling binalikan ang mga nangyare sa dalawang hearing na dumaan, maging ang ginawang pagsagasa neto sa anak ko. Palingon-lingon ako kay Jolen habang tumatakbo ang oras, hindi man lang nag babago ang itsura neto. Masasama ang tingin sa lamesa habang hinihimas ang malaki niyang tiyan.
Hanggang sa lumipas ang oras, napaluha ako sa saya na ang naging katapusan ng hearing na iyon ay ang hustisya para sa anak kong namatay , at ang hustisya para kay Prince Skyler na muntik ng mamatay. Umiiyak na napayakap ako kay Prince Skyler, naramdaman ko naman ang pagyakap din sa'akin ng asawa ko. Lumingon ako kay Jolen, tila kinalibutan ako ng makita ko ang paraan ng pag tingin niya sa'akin. Sobrang sama ng tingin niya habang nakangisi.
"Terrence, saan dadalhin si Jolen?" Tanong ko.
"Sa isang mental institute kung saan mga kagaya niyang nakagawa ng krimen na may problema sa pag iisip. Doon sila hanggang sa gumaling. Wag kang mag alala Hannah, kung mahirap sa bilangguan ang buhay niya ay paniguradong mas mahirap doon dahil puro gamot at karayom ang kaharap niya lalo na ang sarili niyang emahinasyon ang kalaban niya." Tugon neto.
Ngayon pa lang ay naawa na ako kay Jolen. Alam kong hindi ko dapat maramdaman to lalo na sa dami ng mga ginawa niya sa'akin. Pero may kung ano sa loob ko na naawa sa'kanya... Na kahit sa sama neto ay hindi niya deserved maranasan ang lahat ng iyon.
"Paano kung makatakas siya?" Tanong ko. Mabilis na umiling ito.
"Bawat isa sa'kanila ay may tig-isang nurse at tig-isang pulis na mag babantay sa'kanila kaya naman sigurado akong hindi siya makakatakas, besides maliban sa mga pulis na nag babantay sa'kanila may mga nakaassign din na mga pulis sa buong instute. So no need to worry hannah. Matatahimik na rin kayo." Ngmiti ito at hinawakan ako sa balikat bago ito tuluyang umalis.
"Saan na tayo?" Tanong ni Thormire. Ngumiti ako habang napaisip.
"Kay Princess Skyler" Tugon ko. Tiningnan ko sa salamin si Prince Skyler, napangiti ako ng makita kong nakatingin ito sa bintana habang maganda ang mga ngiti sa labi.
"How are you Princess Skylar? You know what? Tuluyan ng napakulong ang may gawa neto sayo. Ngayon ay panatag akong matatahimik kana." Napapaluhang turan ko dito. "Pasensya kana kung natagalan si mommy sa paghingi ng hustisya, pero tingnan mo naman nangyare na ang matagal natin gusto." Naramdaman ko ang paghawak ng anak ko sa kamay ko, maging ang pag-alo ni Thormire sa likod ko. "Gusto pa sana kitang... ma-kitang lumalaki kasama ang kakambal mo, pero hi-ndi na mangyayare pa." Naiyukom ko ang kamao ko dahil hanggang ngayon ay hindi parin nababawasan ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. "Bantayan mo sila mommy diyan sa langit ah? I-mbis na ako ang magbantay sayo, ako pa ang babantayan mo. S-orry anak."
Tuluyan na akong napaiyak sa sakit na nararamdaman ko. Bumalik lahat ng sakit na akala ko ay nag hilom na. Nagulat ako ng marinig ko ang mahihinang hikbi ni Prince Skyler kaya naman umupo ako para magpantay kaming dalawa, niyakap ko aiya ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
My Husband's Mistress (Complete) (Editing)
General FictionRamdam na ramdam ni Hannah ang pag lalamig sa kanya ng kanyang asawa na si Arhen. They Married for 4years, wala pa silang anak dahil nga masyado pa silang bata. 19 years old pa lang ng mag desisyon silang mag pakasal, siguro nga ay dahil mahal na ma...