SEVEN

45.7K 679 42
                                    

Thormire's Short POV

Pag balik ko sa bahay na ibibigay ng pinsan kong si Terrence, naabutan ko si Hannah na natutulog sa sofa sa gilid ng pool.

Lumapit ako sakanya. At napakatitigan ang kanyang mukha.

You're more than beautiful, you don't deserved what your husband did to you. You deserved to be loved, Beautiful.

I saw everything before at the coffee shop. 1st akala ko namamalikmata lang ako dahil nag hahalikan sila nung babae. But then, Hannah come up, she saw a little bit scene. I wanna see what she will do after seing her husband betraying her pero nung makita kong susugurin na niya ang mga ito lumapit ako at hinila siya papalayo.

Pumasok ako sa loob ng bahay at umakyat sa taas, kumuha ako sa bedroom ng kumot at muling bumaba sa pool area. Kinumutan ko siya at iniayos ng higa. Kasiya naman kasi siya doon dahil mahaba ang sofa na iyon

Iniwan ko narin sa lamesang katabi niya ang susi ng bahay maging ang titulo ng bahay at lupa. After that ay lumabas na ako ng bahay, nilock ko muna ang mga pinto bago tuluyang lumabas.

HANNAH'POV

Nagising ako sa isang tunog ng cellphone ko. Dali dali ko itong kinuha na nailapag ko sa lamesang katabi ng sofa. Doon ko nakita ang susi at titulo kaya naman hindi ko na napansin ang cellphone ko na dapat kong kukunin. Kinuha ko ang susi maging ang titulo at binasa ito.

Sobrang sarap sa pakiramdam na magkaroon ng sariling bahay. Hindi ko man to pinag hirapan atleast binigay sa'akin ng kusa. Natawa ako sa sarili kong naisip.

Ibinaba ko ang susi at titulo, kinuha ko ang cellphone ko. Nagulat pa ako ng makitang mayroon ng 25miscalled mula kay Arhen at sampung unread message mula sa'kanya. Tatawagan ko na sana siya ngunit nang maalala ko ang nasaksihan ko sa coffee shop ay hindi ko na nagawang ituloy ang ang tawag. Binasa ko na lamang ang laman ng mga text niya.

From: Arhen

- Where the hell are you?

From: Arhen

- Im fucking worried to you!

From: Arhen

- Damn it! Answer my fucking calls!

Tatlo lang iyon sa mga text niya. Nawalan ako ng ganang basahin ang iba. Napait akong napangiti bago kinuhang muli ang susi at titulo, binitbit ko na rin ang kumot na hindi ko alam kung saan nag mula. Maging ang bag at cellphone ko ay binitbit ko paakyat sa kwarto ko.

Muli ay tumunog ang cellphone ko. Doon ko lang naisipang tingnan at oras, doon ko rin napag tantong alas-dose na ng madaling araw.

Ang aga naman ata niyang umuwi? Mapait akong napangiti. Mukhang napaaga ang tapos ng landian nilang dalawa. Tang*na.

Pinigilan kong wag umiyak ng gabing iyon. Pinilit kong wag alalahanin ang mga nakita ko kanina. Pinilit kong alisin ito sa isip ko tulad ng ginawa ko nung huling marinig ko siyang may kausap na ibang babae sa cellphone niya, pero hindi ko magawa. Sobra na kasi ang ginawa niya... Nilang dalawa ni Jolen. Masyadong hindi na kinaya ng sistema ko ang panloloko nilang dalawa.

Muli akong napatanong sa sarili ko... Kelan niyo pa ako niloloko? Kelan to nag umpisa? Paano niyong nasisikmurang lokohin ako? Anong nagawa ko sainyo para ganituhin niyo ako!?

Pumasok sa isip ko ang mga magulang namin na siyang nag paiyak na naman sa'akin. Paano pag nalaman nila ang ginawa sa'akin ng asawa ko? Paniguradong mapapahiya ang pamilya ko.. Dahil nag paloko ako sa isang Dela Peńa.. Ano na lang ang mangyayare sa samahan ng pamilya naming dalawa?

My Husband's Mistress (Complete) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon