Chapter 39

4.7K 188 6
                                    

*Raella Yarille Scott POV* 

*After 2 years*

2 years na simula nung na kidnap ako ng Exo, sikat na sikat na ang Exo ngayon. Habang ako naman isang third year collge sa Tiger University. At kung tinatanong niyo kung anyare samin ni Niel ayun naging kami pero one year lang tinagal namin. DI ko kasi talaga magawa na mahalin siya kaya ayun pumunta na lang siya sa america. 

"Ate Yarille, angawa?"

Napatingin ako kay Brave.

"Wala, teka bat andito ka sa building namin? Diba Civil Engineering ang course mo?"

Tanong ko sakanya.

"Bakit bawal ba bisitahin ka?"

Naka ngiting pilyong sabi niya sakin.

"Uy bat kayo mag kasama."

Sabi ni Niara, na kasama nila Erina, Ershina at Esha.

"Eh kayo bat mag kakasama kayo, kayo ha iniiwan niyo na kami ni Brave ah."

Sabi ko at ngumiti, nag silapitan nami sila sami at pumunta naman kami sa canteen. Kung tinatanong niyo kung anyare na samin makalipas ng dalawang tao ito lang naman ang nangyari.

Si Esha- Video Graphic Artist ang kinuha niyang course, third year college na siya tulad ko. Pero wag kayo mag boyfriend na yan, pero di pa niya nakikita sa personal. Hanggang text pa lang sila ng bf niya. One year na sila ng boyfie niya.

Si Erina- Civil Engineering ang kinuha niya, di siya natuloy dun sa gusto niya. Yan kasi ang gusto ng papa niya. Nung una di niya gusto yung course niya pero di nag laon ay nagustuhan na niya yung course niya. Lovelife niya? Ayun mataray sa mga manliligaw niya kaya wala nang nag subok na manligaw sakanya.

Si Ershina- Nursing ang kinuha niya, lovelife niya? Aba ewan ko, di siya pala kwento tungkol sa lovelife. Tahimik ang lokaloka, ayaw ata niyang asarin namin siya. Nadala na ata eh, pano nung first year college kami may nanligaw sakanya. Tapos itong namang si Niara grabe kung makatanong dun sa lalake na takot na tuloy manligaw sakanya. 

Si Brave- Civil Engineering ang kinuha niya, oh diba kalerki si ate, pero parehas lang sila ng kinuha ni Erina. Kaya minsan nag kakakitan sila sa building nila, mag kakaiba kasi kami ng building kaya minsan lang kaming mag kitaan. Tuwing uwian lang, love life? Ayun boyfie niya yung role player ni Baekhyun niya. In love nga ata ang loka loka dun sa role player eh, balak ko pa naman sana siya ipapakilala kay Baekhyun kaso na alala ko wala na pala akong contact sa kanila.

Si Niara- Visual Artist Designer ang kinuha niya, at kung iniisip niyo na adick pa rin siya sa 1D ay nako hindi na. Naging katulad ko na siyang tibo, na kwento kasi ni Brave na nung 2nd year senior high nila may naging kaibigan si Niara na directioner na lalake. Ang gwapo daw talaga nung lalake, kaya nagustuhan ni Niara kaso bakla naman pala. Kaya ayan si ate akala lahat ng gwapong lalake bakla.

Si Niara at Brave ay 2nd year college pa lang, samantalang kami nila Erina,Ershina at Esha ay 3rd year college na. At kung tinatanong niyo kung musta life, ito single. Culinary ang kinuha kong course, at ang mga grade ko ayun laging uno. Hehehe, sabi nga nila ang laki daw ng pinag bago ko. Lagi rin ako kasama sa intrams, sikat na rin ako sa school dahil sa katalinuhan ko at pagiging athlete ko. 

Madami ring nagbago makalipas ng dalawang tao, madaming nag sasabi na gumanda daw ako. May nag sasabing tumangkad ako, naging sporty ako. Naging masipag ako sa pag aaral, parang bang lahat ng bad side ko nawala. Pero hindi lahat minsan may pag bully pa rin ako, may pag ka maldita pa rin ako.

Di naman ako gaanong nag bago, minsan nag fafan girl pa rin ako. At tuwing naiisip ko ang Exo tinitignan ko lang yung mga picture namin. Minsan iniisip ko kung na aalala pa rin ba nila ako o kung ano. Pero minsan naman napapatingin ako sa mga gwapong lalake, hehe sympre joke lang. At kung tinatanong niyo kung mahal ko pa rin ba siya. Isa lang ang masasagot ko, hindi ko alam.

"Ate Yarille, pupunta ka ba sa bahay mamaya?"

Tanong ni Niara.

"Bakit naman ako pupunta?"

Tanong ko habang kumakain, nag face palm lang siya.

"Diba tutulungan mo kong mag review para sa text next week."

Ay lintek na palaka na may pakpak ngayon ko lang na alala na tutulungan ko nga pala si Niara.

"Ay oo nga pala, sorry nakalimutan ko."

Sabi ko at ang bruha inirapan lang ako.

"Teka next week pa yun ah, tapos mo na ba yung mga PT niyo?"

Tanong ni Erina.

"Yup, tapos ko na lahat. Bat kayo ba?"

AT ang mga mukha ng mga bruhilda ayun parang nalugi sa negosyo.

"Pano namin matatapos kung ang hihirap."

Sabi naman ni Ershina.

"Oo nga, grabe talaga yung mga prof namin. Kaimbyerna."

Sabi naman ni Esha.

"Korek, buti pa si ate Yarille pa easy easy lang."

Sabi ni Brave, ngumiti na lang ako sakanya. Parang dati ako pa yung laging nanghihingi ng tulong sakanila at laging may problema tungkol sa school. Pero tignan mo nga naman, ngayon naniniwala na talaga ako na lahat ng bagay ng babago.

"Tulungan ko na lang kayo, Niara diba tapos ka na sa mga PT mo?"

Tumango tango naman si Niara.

"Tulungan na lang natin muna sila, tapos sabay sabay na lang tayong mag review."

Sabi ko.

"GAME."

Sabay sabay na sabi nung lima.

[EXO FF]: My Idol, Kidnapped Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon