Chapter 43

5.1K 196 9
                                    

*Raella Yarille Scott POV*

"Yarille, problema mo?"

"Ikaw anong problema mo?"

"Ako wala, ikaw?"

"Wala rin."

Pagkatapos ko sabihin yun sabay kaming nag buntong hininga ni Max, nasa may rooftop kami ngayon at naka tingin lang sa may babae.

"Yung totoo anong problema mo?"

Tanong ko kay Max.

"Ikaw yung totoo anong problema mo?"

"Wala, ikaw?"

"Wala rin."

Teng eneng yan ganda ng usapan naming dalawa ah.

"Yung totoo, para tayong baliw." 

Sabi ko sakanya.

"Oo nga eh." 

Pagkasabi niya nun sabay kaming tumawa na parang baliw, oh diba kaylangan niyo na ata kaming idala sa may metal hospital. 

"Pero Yarille, gusto ko ng umamin kay Angela kaso natotorpe ako."

Sabi niya at nag buntong hininga .

"Bat hindi ka na umamin sakanya?"

Sabi ko naman sakanya.

"Natotorpe kasi ako e."

Sabi niya habang naka tingin sa malayo.

"Gusto mo tulungan kita?"

Sabi ko sakanya.

"Talaga?"

Sabi niya na parang batang binigyan ng bente pesos.

"OO, bukas natin gagawin yung plano ko."

*KInabukasan*

Lahat kami andito ngayon sa may gym, buti na lang talaga malakas hatak ko sa mga estudyante pati na rin sa mga teacher.  Lahat kami hinihinta na lang si Angela na kasama ngayon nila Brave at Niara. Tapos si Max ayun kasama ng buong dance troupe, sasayaw kasi siya. Tapos kaming mga estudyante nasa may gilid lang.Ilang minuto lang ay bumukas na ang pinto ng gym.

[EXO FF]: My Idol, Kidnapped Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon