*Raella Yarille POV*
"Raella, halika dito dali."
Pumunta naman ako kay mama, at nakita ko siyang naka dress na pula. Napataas naman ako ng kilay.
"Ano gagawin mo dyan ma?"
Tanong ko sakanya, ngumiti naman si mama ng nakakaiba.
"Baka kasi malay mo masundan ka pa namin ng papa mo kay-"
Umalis na ko bago pa madumihan ang utak ko, nakita ko naman si nonong.
"Hi Iha."
Bati niya sakin ngumiti naman ako sakayan at nag bless.
"Good morning rin po."
Sabi ko naman umupo na ko sa mesa, at andun ang Exo kasama nila ang mga Girlfriend nila.
"Kami walang goodmorning?"
Sabay sabay na tanong nila.
"Wala, lalo na kung araw araw ko naman kayo nakikita sa pamamahay na to."
Tama ang pagkabasa niyo, dito tumira yang lahat na yan. Nakakahiya nga kay nonong kaso masyadong mabait si nonong kaya ayan pinayagan sila.
"Bat ba ang init ng ulo mo anak?"
Tanong ni mama na nakabihis na pala at nakababa na pala.
"Meron ka ba ngayon?"
Tanong naman ni papa.
"Wala, pano di iinit ulo ko kung may ISANG taong di nag patulog sakin ka gabi. At kinulit ako ng kinulit tungkol sa simpleng bagay."
Sabi ko habang nakatingin kay Niara.
"Ano naman kinukulit sayo?"
Tanong naman ni Chanyeol.
"Kinukulit lang naman niya ako kung sasagutin na ba niya si Xiumin o hindi."
Bigla naman yumuko si Niara, napatingin naman silang lahat sakanya.
"Sasagutin mo na ba ko Niara babes?"
Excited na sabi ni Xiumin.
"O-oo."
Bigla naman na patayo si Xiumin at nag tatalon, tumawa naman kami. Pagkatapos kumain pumasok na kami sa school. Lumipat kasi kaming anim sa isang school dito sa Korea, tapos yung Exo naman pumunta na sa SMent. Unting push na lang din tapos na kami ng pag aaral, makalipas ng ilang segundo ay uwain na namin.
BINABASA MO ANG
[EXO FF]: My Idol, Kidnapped Me [COMPLETED]
Fanfiction2013 © ThisCrazyGurl ✿ Cover by: KrispeKremes "Happy ending is exist, in right time. Just wait and you will find your happy ending." - Yarille What If ang sikat na kpop group ay kinidnap ka? What will happen?