Chapter 47

4.9K 172 0
                                    

*Raella Yarille Scott POV*

"Yarille, ok ka na ba?"

Sabi sakin ni V, wala ngayon sila Chanyeol may inaasikaso kasi sila. Kaya iniwan muna nila ako kay V, pano kasi di daw ako kaya bantayan nung mga bruha.

"Oo."

Sabi ko at tumungin sa may bintana, isang linggo na ang nakakalipas simula na nangyari yung tungkol kay Niel. Pero hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan yung nangyari, minsan nagkakaroon pa ako ng masamang panaginip.

"Mukhang nasisinungaling ka na sakin Yarille."

Napatingin naman ako nun kay V, halos walang pinag bago ang itsura ni V. Lalo pa nga siyang gumwapo, at bumait.

"Ok lang ako."

Sabi ko at tumingin sa bintana ulit.

"Dati lahat ng problema mo sinasabi mo sakin, pero ngayon hindi na? Imbes na wala ka ng matagal ganyan ka na sakin ha."

Napatingin ulit ako kay V, nakapout lang siya sakin.

"Sabi ko nga mag sasabi na ko sayo."

Di niya kasi alam yung mga nangyari sakin, kaya kinuwento ko naman simula nung huli kaming nag kita. Na kwento ko rin tungkol kay nila Myungsoo, tapos nung kinukwento ko na yung nangyari kahapon. Di ko na pigilang umiyak, kahit papano naman naging malapit na sakin si Niel.

"Shhh, tahan na."

Sabi ni V habang yakap ako.

"Kasalanan ko ata V kung bakit siya namatay."

Sabi ko habang patuloy pa rn sa pag iyak.

"Di mo kasalanan yun."

Sabi niya at tumingin sakin at ngumiti, pero bakit yung mga ngiti ni V di na katulad nung dati? Tumigil na rin ako sa pag iyak tapos nakipag kwentuhan na ko kay V.

"Kelan niyo balak mag pakasal ni Chanyeol?"

Napatulala naman ako sakanya nun.

"Anong kasal? Di pa nga nag propropose yung tao eh."

Sabi ko at tumingin sa mga paa ko.

"Sus, kinilig ka naman?"

Napatingin naman ulit ako kay V  at pinag papalo siya.

[EXO FF]: My Idol, Kidnapped Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon