Ang Boss kong masungit

8.9K 76 3
                                    

Character :

Sofia Lopez -

- Gino Park -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


- Gino Park -

---------- Part 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


---------- Part 1

"Sumama kana sa akin, sofia.. pag narito ka, magmukmok ka lang. At saka isa pa, baka makita ka ni Mrs.Kulog " wika sa kanya ni Mayen ang bestfriend nyang loka-loka.

Nakatuwaan na nilang itawag iyon sa kasera nila sa bording house. Na si Mrs. Tina aka Kulog,


" Madakdakan ka na naman noon dahil hindi ka pa rin nakakabayad ng renta mo" anito.

Nag-isip-isip naman sya sa sinabi ng kaibigan.

" E, ano nama'ng gagawin ko roon sa party'ng pagsisilbihan nyo? Baka makaistorbo pa ako at masita ka pa ng supervisor mo. Mamaya niyan, dalawa na tayong walang trabaho." Sabi nya.

" Ako'ng bahala sa 'yong bruha ka!" Pilit naman sa knya ni Mayen.
" Parang hindi mo naman kilala sa bilis 'tong utak ko. Pag nasita ako ng bisor ko, ako na'ng bahalang umisip ng paraan para ilusot ka. Pero bago pa tayo masilip ni Mrs.kulog, magbihis ka na, no! At tama na 'yang pagsesentimyento-de-panutsa mo sa masamang kapalarang dumadapo sa'yo. Ganyan talaga 'yan, pana-panahon. At beh, buti nga, ikaw naman ang walang trabaho!" Sabi sa kanya ni Mayen sabay dila sa kanya.

Napaismid nalang sya.

" Sira ulo! " aniya, sabay bato nya ng unan sa kaibigan. Pagkuwa'y napabungisngis sya sa ideya ng bestfriend nya.
" O, segi na nga, sasama na ako sa'yo.. Pero ikaw ha? Ikaw mananagot sa akin, saka pakakainin mo ako.. at....." putol nya sabay kamot nya sa batok,

Napakunot noo naman si Mayen sa kanya.

" bibigyan mo ako ng pamasahe pauwi. Baka mamaya, mawala ka na lang at sukat, makalimutan mo ako!" Sabi nya.

" Segi, kakalimutan nga kita. Para maglakad ka pauwi!" Biro naman ni Mayen.

" Ay, ayoko na! "Aniya sa kaibigan.

Ibinato naman ni Mayen ang unan pabalik sa kanya.

" Ay, ang arte, o! Nagpapacute pa ! Bihis na, bago pa magbago ang isip ko. Mamaya dyan, ituro pa kita kay Mrs.kulog . Sabihin ko kayang dito ka nagtatago sa kwarto ko.." Ani Mayen.

Ngumiti na lamang sya. Kapagkuwan ay kaagad bumangon pgkatapos ay nagkukumahog syang bumalik sa kuwarto nya at mabilis nagbihis ng damit.

 Kapagkuwan ay kaagad bumangon pgkatapos ay nagkukumahog syang bumalik sa kuwarto nya at mabilis nagbihis ng damit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" O, tayo na? " aniya kay Mayen na sinipat sya nang tingin mula ulo at paa.

" Anong damit yan?" Anito.sabay turo sa suot nyang white T'shirt at maong pants.

" Bakit? Anong masama dito?" Aniya sa kaibigan.
" saka.. ito nalang ang matino kung damit eh." Patuloy nya.

Napapailing na lamang si Mayen sa kanya. Pero saglit ito huminto nang magsalita uli sya.

" Teka, Saan tayo dadaan? Baka makita ako ni Mrs. Kulog.." aniya.

" Ako'ng bahala sa'yo, " sabi ni Mayen.
" Ang hirap kasi sa'yo, ala kang kabilib-bilib sa akin, e " patuloy nito.

" Wala nga.. " agad na sagot nya.

Napa.tsk na lamang ito.

Lumabas sila ng kuwarto at Nagtago naman sya sa likuran ni Mayen. Nang tumapat sila sa kuwarto ni Mrs. Kulog ay halos angatin nila ang mga paa nila sa sahig para wag makalikha ng ingay.

" Tahimik yata ang matandang bruha." Ani Mayen sabay pakinig pa nito sa pintuan nito.

" Naku po! Ano ka ba naman?" Natatarantang hinila nya si Mayen.
" halika na! Malakas ang pakiramdam nyan! Baka maamoy tayo, biglang lumabas sa lungga nya." Aniya.

Pero ang loka-loka nyang kaibigan ay hindi parin napaawat. Dahil napapangiti itong tumingin sa kanya, kilala nya ang kapilyahan nito.
Kaya nabasa kaagad nya ang iniisip ni Mayen. Nagmamadali syang bumaba ng hagdan bago nito katukin ang pintuan ng matandang dambuhala.

" Eeeee.....!!!"tili pa ni Mayen habang humahagikgik kasunod nya. At halos mawala ang menudensya nya rito. Lalo na nang marinig nya ang galit na nagbukas ng pinto ang kasera nila.

" Mayen? Mayen! Alam kong ikaw 'yan! Kasama mo ba si Sofia? Mayen!! Wag mong itago 'yang kaibigan mo! Baka dalawa kayong palayasin ko rito! Hindi ko kailangan ng mga boarders na tulad nyo. Kung puro lang konsumisyon ang ibibigay nyo sa akin at--------

" Sakit ng ulo,mabuti pang magsilayas na lang kayo rito! "Bungisngis na dugtong ni Mayen.
" Bilis! Ayan na si Kulog! " ani Mayen sabay itinulak sya nito at parang batang talon pa nito pagdating nila sa punong-hagdan.

Nang makalabas sila ng boardinghouse at makasakay ng jeep ay saka lang nakahinga nang maluwag si Sofia. Pagkatapos ay nakipag-apir at naki join sa pagtawa sa kaibigan.

" Sira ulo ka talaga! Muntik na tayo, a.. " sabi nya ky Mayen na tawa parin ng tawa sa ginawa.

" hay, sorry na lang sya! Sa laki nyang 'yon, buti kung makahabol sya? Siya rin, baka mamaya, lumusot sya sa hagdan ng boardinghouse nya. " anito.

Napatawa na lang sya sa kalokohan ng kaibigan.

Next Part2. :)

Ang Boss kong Masungit (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon