*Essie’s P.O.V. *
“ESSIE!!” biglang may sumigaw sa pangalan ko. Kilalang kilala ko yung boses na yun. Kaya agad kong hinanap ang nagmamayari ng boses na yun.
Sa kadamihan ng tao, nahirapan akong hanapin yung taong tumawag sa pangalan ko. Pero di ren nagtagal nakita ko den siya.
“Essie, kanina pa kitang tinatawagan eh. Alam mo yun? “ Medyo naiinis na sabi sakin ni Angel.
“Hindi. “ Walang kabuhay buhay kong sagot sa kanya. Haha. Pang-asar lang.
“Haynako Essie. Tara na nga. Samahan mo na lang ako. “ Sabi niya sabay hila sakin. San nanaman kaya ako dadalhin ng babaeng to? Tsk tsk.
“San mo nanaman ako dadalhin? Ha? Sa-“ I was about to say her first name pero bigla siyang tumigil sa paglalakad tapos humarap sakin at tiningnan ako ng masama. Haynako. Ang bitter ba naman kasi ng first name niya. hahaha.
“Ewan ko sayo Essie. Napagusapan na natin na wag ng babanggitin yung pangalan nay un eh. Tsk. Patay na yun. “ Ayan nanaman nagdadrama nanaman. Minsan talaga kapag sinasabi niya yan, gusto kong matawa kaso hindi pwede dahil minsan nagawa ko siyang tawanan biglang ibinalik sakin yung topic tapos inungkat yung samin ni ano. Edi nabaligtad yung sitwasyon. Tsk
“San ba kasi tayo pupunta? Or San nanaman ba tayo pupunta? May trabaho pa ko. Paalala lang. “ sabi ko. tapos sumakay sa kotse ko.
“Ako na lang kaya ang magdrive? Para mabawasan yang tanong mo. “ Suggest niya. Pumayag naman ako.
Maya maya lang nakarating kami sa isang simbahan. Walanjong babae to. Hindi agad sinabing gusto lang pala magsimba. Tsk tsk.
“Magsisimba ka lang naman pala eh. Dapat sa linggo na lang tayo nagpunta dito para may misa. Naisama ko pa sana si Rieka. “ wika ko.
“Hindi tayo magsisimba. Magpapahula tayo. “ Sabi niya. Luka to. Simbahan nga yan eh. Tapos papahula kami? Tsk tsk.
“Huh? Paano tayo papahula? Simbahan kaya yan. “ Takang tanong ko sa kanya.
“Gaga. Dun oh. Haynako. Tara na nga. “ Tapos hinila niya ko ulit. Ang hilig niyang manghila. Seriously.
Pagkadating namin dun. Pinastay niya ko sa labas siya na lang daw muna ang papasok sa loob.