*Glenda's P.O.V. *
Hindi ako yung pinakamaagang nagising dahil nadatnan ko si Essie na tulalang nagkakape sa kusina. pugtong pugto yung mata niya.
"ok ka lang? " tanong ko sa kanya. hindi niya ko pinansin.
maya maya lang bumaba na si Ralph. may kiss mark siya sa leeg. halatang halata. ewan ko ba pero yun agad ang napansin ko. napatingin naman ako kay Essie na patay malisyang nagpahid ng luha. Tapos tumayo na siya at akmang aalis na nung pigilan si ni Ralph.
"Bitawan mo nga ako. " galit na saad ni Essie. nagpapalambing lang siguro to.
"Talk to me. please. " he pleaded. did something happen?
"talk to you? tngna Ralph. Effort lang naman kasi talaga ang gusto ko. Babae pa din ako Ralph gusto ko pa ring makaranas ng kilig hindi yung kung kelan mo lang matripan saka ka lang magiging sweet. tapos ano?! makikipaglandian ka sa iba?! tngna ayaw ko na Ralph. j-just dont talk to me. you're only hurting me. " tapos nagwalk out na siya. sht totoo na yun. may tumulong luha eh. hindi naman kasi marunong umiyak si Essie. magaling siyang magsinungaling. umiyak hindi.
"Anyare sa inyo? " Tanong ko kay Ralph.
“Tsk. “ sabi niya tapos kinuwento niya ang nangyari kagabi. Hahaha.
“Binuhusan niya kayo ng tubig na may yelo? “ Tumango siya. “Kaya naman pala nawawala yung mga yelo sa ref eh. Hahaha. Bakit hindi mo kasi ipaliwanag sa kanya na miss understanding lang lahat yun? “ Tanong ko sa kanya.
“Triny ko nga siyang kausapin kagabi kaso wala. Ngayon triny ko ulit nakita mo naman yung nangyari di ba? “ Frustrated niyang saad.
“Goodluck. Ikaw kasi eh sa dami ng babae sa mundo yung pinakamahirap pang ipredict ang nagustuhan mo. “ I said.
*Karen’s P.O.V.*
Naglalakad lakad kami ni Aries sa dalampasigan. With matching Holding hands while walking at the beach. Lels. Hahaha.
May nakita akong Crab. Maliit lang ito pero nakakatuwang pagmasdan. Umupo ako sa buhangin para tingnan. Hihi. Umupo naman si Aries sa tabi ko. Hindi pa rin niya binibitawan yung kamay ko. Ayaw eh. Haha.
Nagulat ako nung may nakita akong mga pagong. Oo, mga. Madami kasi sila.Yung iba papunta sa dagat, Pero yung pinakamalaki papalapit samin. Napatayo ako. Sheeett. Ang cute. Yung iba kasi tunay na pagong. Ito kasi hindi. Haha. Stuff toy ata to? Pero bakit nalakad? Hahaha.