*Aries P.O.V.*
Kararating lang namin ni Mirko dito sa bar. Anong ginagawa namin dito? Sinusundo si Ralph. Nung nakita namin siya agad namin itong nilapitan. Inagaw naman agad ni Mirko yung beer na hawak nito.
"Umuwi ka na Ralph. Alam mo namang ayaw ni Essie na nagiinom ka di ba? " Sabi ko sa kanya.
"Ayaw niya nga. Pero wala nanaman siyang pakialam sakin di ba? " Sabi niya tapos inagaw ulit yung bote ng beer.
"May paki yun sayo. Masyado lang siguro talaga siyang busy sa pagaayos ng kasal ng bestfriend niya. " pagcoconvince sa kanya ni Mirko.
"Buti pa yung kasal ng bestfriend niya may paki siya. Yung samin wala eh. " Sabi niya tapos nilaklak niya yung beer. Hindi na kami umimik ni Mirko. Hahayaan na lang namin siyang magdrama jan. Titigil din yan mamaya.
"Nung gabing may mangyari saming dalawa, I propose to her. Kaso iniyakan niya lang ako at niyakap. Ilang beses kong triny magpropose. Kaso parati niya kong tinatanggihan. Minsan nga dinala ko na siya sa judge. Pero bigla siyang nagwalkout. " Tumawa siya ng pilit. Isa linggo pa lang ang nakakalipas simula nung makauwi kami galing sa resort. At sa pagkakaalam ko nung pagkauwi nila, dun may nangyari. Tsk.
"5 years without her was too painful for me. Pero mas masakit pala kapag anjan nga siya pero hindi mo naman alam kung ano ba talagang problema niyong dalawa. Naging mabait naman ako di ba? Bakit niya ko ginaganito? Ang sakit eh. Sobrang sakit lang kasi talaga. " sabi niya. Kung pwede ko lang sanang sabihin ang alam ko di ba? Tsk.
Ilang minuto lang ang lumipas at napilit na rin namin siyang umuwi. 2 days after this day kasal na namin ni Karen. Minadali niya lahat. Pati yung kasal nina Den, a week after our wedding pa naman yung kanila. Ang alam nila excited lang si Essie kaya minadali niya. Ang hindi nila alam. Wala ng natatandaan si Essie sa kanyang nakaraan. Unti unti na din niyang nakakalimutan ang nangyari 5 years ago. At malapit na niyang makalimutan yung mga nangyayari ngayon kasalukuyan.
***
Kinabukasan, nagkaroon ng konting salo salo sa bahay nina Mirko. Huling dumating sina Essie at Kiel. Kung mabibigla kayo dahil magkasama sila kami hindi na. Yan ang dahilan kung bakit halos gabi gabi naming sinusundo si Ralph kung saan saan.
"Bakit tahimik kayo? Let's not be awkward with each other tonight. Soon to be Mr. and Mrs Lim congratulations to the both of you. Inaasahan namin ang isang dosenang anak galing sa inyong dalawa. Hihi. " Masayang sabi ni Essie. Napatawa naman yung iba. Napangiti na lang ako. Eto namang si Karen namula sa hiya? O sa kilig? Haha. Ang cute.
Nagsaya ang lahat. Kanina pang nakatingin si Ralph kay Essie. Alam kong ramdam iyon ni Essie pero deadma lang siya. Si Kiel medyo malayo man siya kay Essie dahil tinatadtad siya ng tanong ni Glenda. Pero hindi pa din nawawala ang tingin niya kay Essie.
"Bakit ba ang complicated ng lovelife ng bestfriend mo? " Tanong ko kay Karen. Tiningnan ko siya pero kina Essie din siya nakatingin.
"Ganyan kasi talaga ang mga trip niyang lovestory eh. Yung napakacomplicated. Pero hindi ko siya maintindihan ngayon. " Sagot niya sa tanong ko.
"Ipagdasal na lang natin na maayos na yang complicated niyang lovelife. At maging maayos ang kasal natin bukas. " nakangiti kong saad sa kanya
"Wag kang maexcite, baka di matuloy. " pangaasar niya sakin. Kiniss ko nga sa labi. Smack lang naman. Nahuli agad kami ni Essie eh. Ipaalala niyo saking wag siyang isama sa honeymoon baka mamaya mavideohan niya pa. Magagalit si Karen. Manang pa naman to. Pero kahit na manang to. Mahal ko pa rin. Haha.
"Oi. Kuya Aries my honeymoon pa bukas. Save it. Pero ngayon kailangan na naming umalis. Hihi. Madami pa kaming gagawin eh. " Tapos hinila na niya si Karen. Susunod sana sa kanila si Ralph kaso naunahan siya ni Kiel. Nagholding hands yung dalawa. Kaya si Ralph nagwalk out. Tsk.
*Indira's P.O.V. *
Ngayon ang araw ng kasal nina Karen. Mamaya pa yung hapon kaya pinapunta ko muna si Essie dito. Gusto ko lang malaman kung ano ba talagang nangyayari sa kanila ni Ralph. Naaawa na ko kay Ralph eh.
Pagkarating niya agad ko siyang hinila papunta sa garden. Nakangiti lang siya. Relax na relax ang itsura wala man lamang bahid ng kaba. Jessica Chen. Tsk.
"Anong nangyayari sa inyo? Tapatin mo nga ako Essie. Kayo na ba ni Kiel? " tanong ko sa kanya. Napatawa naman siya.
"What? Were just friends. Dahil ba dun sa kagabi? Hinila ko lang siya. Balak pang magpaiwan eh. " Nakangiti niyang saad.
"Anyayare sa inyo ni Ralph? Hanggang ngayon ba hindi pa rin kayo? " Tanong ko sa kanya. Nginitian niya lang ako.
"Wag mo kong ngitian. Tinatanong kita, sagutin mo yung tanong ko. " Mataray kong sagot sa kanya.
"Para din sa kanya to. Ayaw ko siyang pahirapan. " Sabi niya. Takte. Hindi niya pa ba pinapahirapan niyan si Ralph?
"Nasan ba ang kwarto niya? " Tanong niya. Tinuro ko naman sa kanya yung way.
"Pwede bang makigamit na din ng kusina? Lulutuan ko sana siya ng breakfast eh. " Nahihiya niyang tanong. Napangiti ako sa sinabi niya.
"Sure. Sarapan mo yung luto. At ayusin niyo na yang gulong yan. " sabi ko sa kanya. Nginitian niya lang ako at umalis na siya. Tsk.
*Ralph's P.O.V.*
Nagising ako nung may kumatok sa kwarto ko. Nakailang katok siya, tapos binuksan niya na yung pinto. Hindi naman kasi yun nakalock eh. Nagkunwari na lang akong tulog. Nilock niya yung pinto tapos may pinatong siya sa ibabaw ng side table ko.
"Oi. Gumising ka na. wag ka ng magtulog tulugan jan. Naghanda ako ng breakfast." Nagulat ako nung my tumabi sakin at yumakap pero mas nagulat ako sa boses nung nagsalita. Kaya napaharap ako agad sa kanya.
"Good Morning. Bangon ka na. " nakangiti niyang saad. Asan na yung selos ko kagabi? Galit pa ko dapat di ba? Leche.
"Tsk. Hindi pa ko gutom. Alis ka na baka hinahanap ka na ni Kiel. " Sabi ko pero hindi ko siya magawang talikudan. Leche. Tinawanan niya ko.
"Haha. Nagseselos ka? Wala lang yun. Hinila ko lang siya kagabi kaya akala niyo nagholding hands kami. " Nakangiti pa din siya.
"Tsk. Oo na. Para namang matitiis kita. Tsk. " tumayo ako at may naisip na kalokohan. "Gusto mong sumama saking mag CR? " Nakangisi kong tanong sa kanya.
"Che. Ipinagluto kita. Kaya bilisan mong maghilamos." Natawa ako sa reaksyon niya. Dali dali naman akong naghilamos at bumalik agad sa kama.
"Kain ka na. " tapos inilagay niya yung tray sa ibabaw ng kama.
"Kumain ka na ba? " tanong ko sa kanya tinanguan lang niya ako. Hindi ako naniniwala. "Saluhan mo ko dito. Alam ko namang hindi ka marunong kumain ng umagahan. Tsk. " Tapos sinubuan ko siya. Isinubo naman niya.
May naisip akong kalokohan. Hahaha. Nung ako na yung susubuan niya umiling ako. Nagtaas siya ng kilay. Sabi na eh. Haha,
"Kiss muna."Tapos nagpout ako. Tinawanan niya lang ako.
"Mukha kang pato. Hahaha. Yuck. " Sabi niya. Hinalikan ko nga. Napatahimik siya, hahaha. One point.
"Madaya. Tsk. Oh, kain na. " Sabi niya. haha Pikon.
Nung natapos kaming kumain, inilagay niya yung tray dun sa side table. Tapos niyakap niya ko.
"Don't leave me. " Sabi ko sa kanya.
"I love you. " yun lang naisagot niya. Eto ang pinaka ayaw ko sa kanya. Sa tuwing sasabihin niya yun parang lagi siyang nagpapaalam.
"Promise me you won't leave me. " I said. Nagiwas lang siya ng tingin.
"Mahal na mahal kita. Promise me you'll remember that. " She said. Hinalikan ko na lang siya. Pero kahit pati mga halik niya parang namamaalam na din. Tngna san ba niya balak pumunta? Tsk.
Bahala na. Bubuntisin ko na lang to para hindi na niya ko iwan pa. Para pakasalan niya na talaga ako. Para sakin na talaga siya. Selfish? I don't care. I love her too much that thinking about her leaving me made me insane.