Baka Pwede Pa

128 4 0
                                    

Pwede ba tigil muna?
Pwede ba magpahinga muna?
Napapagod na kasi ako,
Kaya lang sabi nila, "Life must go on",
Kaya sige, ipagpapatuloy ko pa,
BAKA PWEDE PA.

Maghihintay ako baka pwede pa,
Ipagsisiksikan ko pa din yung sarili ko baka pwede pa,
Mamahalin pa din kita ng palihim baka pwede pa,
Pagpapatuloy ko pa din 'tong pagpapakatanga ko baka kasi pwede pa,
Aasa pa din ako baka pwede pa,
Pero lahat ng 'yan di ko sigurado kung pepwede pa nga ba.

Di ko alam kung naririnig mo to dahil alam kong malayo ka,
Di ko alam kung pagpapatuloy ko pa ba to lalo na ngayong may bago ka na,
Pero naniniwala ako dun sa, "Walang Forever. Magbebreak din kayo",
Pero di ko alam kung kapag nagbreak kayo ay sakin ka na,
Na kapag nagbreak kayo lalapit ka sakin at sasabihing tayo na lang ulit dalawa.

Siguro mahalaga ako sayo pero sya yung prayoridad mo hindi ba?
Mahalaga ako dahil kaibigan mo ko pero prayoridad mo sya dahil sa mahal mo sya,
Yun ang katotohanan,
Ang katotohanang kay hirap tanggapin na di ka sakin,
At kahit kelan di na magiging akin.

Di naman kasi masamang magbakasaling baka pwede pa,
Na baka pwede pang maging masaya na lang ulit ang ating mata,
Pero nagpagtanto kong hindi na uubra ang "Baka Pwede Pa" sa buhay nating dalawa,
Dahil wala na ang ako at ikaw,
Ang meron na lang ay ikaw at siya.

Baka pwede pa na sumaya ka ulit dahil sakin,
Pero di pa rin non mababago ang katotohanang masaya ka sakin,
Pero mas masaya ka sa kanya.

Yung nga BAKA PWEDE PA sa buhay ko ay di na talaga pepwede pa,
Kaya't paalam na,
Mahal na mahal kita.

~~~~~~
Please follow me, vote, comment and share my poetry to others. Thanks a lot :*

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon