Susubok o Susuko

143 3 0
                                    

Susubukan ko bang kausapin sya?
O susuko na lang dahil alam kong wala namang pag-asa?
Habang may buhay may pag-asa sabi nila,
Pero paano akong magkakaroon ng pag-asa kung sya na buhay ko ay di ako kilala?
Susuko na lang ba ako basta,
Dahil lang sa alam ko na hindi magkakaroon ng koneksyon sa pagitan naming dalawa?

Ang daming tanong sa isip ko'y nabubuo,
Pero mas maraming sagot at di ko alam kung ano doon ang totoo,
Isang sagot lang nya ang kailangan ko,
Isang sagot lang mula sa kanya ay iintindihin ko.

Naguguluhan na ako,
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko,
Susubukan ko pa ba,
O susuko na para lang matapos na.

Babae ako pero lintek na pag-ibig pinapahirapan ako,
Lagi na lang ba ganito?
Wala na bang katapusan to?
Panibagong katanungan na naman na namumuo sa isip ko.

Panibagong tanong na di ko alam kung masasagot ba,
Basta ang mahalaga ay di ako susukong basta,
Ipagpapatuloy ko to hanggang sya na mismo ang sumuko sa pag-iwas sa aking presensya,
Dahil isa lang ang mahalaga,
Yun ay ang mahal ko sya.

~~~~~
Another piece originated by me yeeeeyyy!!!

Dedicated kay AiramKoike
Dahil para sa kanya talaga yan hahaha saka sya nagbigay ng title. Love you bb 😘

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon