Ako nga pala ito,
Nung elementary ay binully mo,
Yung napaiyak dahil tinisod mo,
At ayun! Nadapa ako.Naalala ko,
Umuwi ako sa bahay nun ng lumuluha,
Nakita ni Inay ang dahilan ng aking pag-iyak,
Kung anong nangyari sa akin nung araw na iyon,
Ay kanyang itinanong.Natakot ako sa magiging reaksyon nya,
Kaya ang sabi ko ako ay natisod ng bato kaya nadapa,
Ang sagot na iyon ay pinanindigan ko ng matagal na panahon,
Dahil ayokong ang away natin ay lumala.Nagsimula yun sa aking laruan, diba?
Dahil alam kong di ka maingat kaya ayaw kitang isama,
Nagalit ka nun dahil madamot ako sabi mo,
At natuto ka na agad na siraan ako sa ibang tao.Naging kaibigan mo na nun yung mga kaaway natin,
At di nagtagal ay nagsimula na kayong ako ay bully-hin,
Tinakot nyo pa nga ako na wag magsumbong,
Dahil kamo, di lang yun aking aabutin.At dahil nanliliit ako sa aking sarili ay sinunod ko kayo,
Sinunod ko kayo sa lahat ng ipapagawa nyo,
Mapa-assignment o paghingi sa baon ko,
Ibinigay ko dahil ako’y takot na sa inyo.Kaya nung nag-high school ako ay takot ng makisalamuha,
Inisiip na baka gawin din nila sakin yung ginawa nyo nung tayo ay nasa elementarya pa,
Titisudin, hihingan ng baon, sasabihan ng masasakit na salita, sasabihan ng pangit at marami pang iba,
Na talaga namang tumatak sa aking memorya.Ako ngayon ay nasa kolehiyo na,
At kayo rin ay matagal ko ng di nakikita,
Pero yung ginawa nyo sakin ay naaalala ko pa,
Mukang di ko makakalimutan ang sakit na naranasan ko nung kabataan ko pa.Nagkaron naman na ko ng kaibigan,
Di lang kasing dami ng inyong inaasahan,
Natatakot na kasi akong ang nangyari noon ay masundan,
“Introvert!”, yan ang tawag sakin ng karamihan.Kaya payo ko sa mga nambubully,
Maaari bang kayo ay tumigil na?
Nawawalan kasi kami ng siglang makipagsalamuha,
Hindi madali sa amin ang ganitong drama,
Lalo na kung kayo naman talaga ang nag-umpisa nitong istorya.~~~~~~
Please follow me, vote, comment and share my poetry to others. Thanks a lot ^_^
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
Poetry[Highest Rank Achieved] #2 in Related, #321 in Tula, #9 in tagalogpoetry, #67 kaibigan, #3 allinone, #318 pagibig, #468 hugot This is originally made by me. Enjoy reading!!