Umpisa ay matamis,
Pagpapasaya sa isa’t isa’y walang mintis,
Kilig doon, kilig dito,
Yan ang umpisa namin ng ka-relasyon ko.Minsan,
Hindi naman maiiwasan ang tampuhan,
Pero nakukuha naman yun sa maayos na paliwanagan,
Kaya hindi agad nagkakasawaan.Eto na nga,
Malalaking away ay nagsimula na,
Ganon pa ma’y,
Aming mga kamay ay nakakapit,
Nakakapit ng mahigpit,
Dahil gusto namin na kami pa din hanggang sa huli.Sa pagkakaroon ng relasyon,
Alam kong hindi madali,
Pero kakayanin basta magtutulungan kami,
Tulungan na buuin ang mga pangarap namin,
Para sa sarili at sa relasyon namin.Paano daw kami tumagal?
Paano daw kami di nagsasawa?
Bakit daw hanggang ngayon kay sayang tignan ng mga mata naming nagmamahalan?
Bakit daw hanggang ngayon kami pa din?At ang sagot ko ay ganito:
Sa relasyon, hindi puro saya dapat ang hanap mo,
Kung mahal mo, kakapit ka hanggang dulo,
Walang pause, walang hinto,
Kasi kung talagang mahal mo,
Ipaglalaban mo.
Kahit kalaban ka pa ng buong mundo.~~~~~~
Please follow me, vote, comment and share my poetry to others. Thanks a lot ^_^
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
Poetry[Highest Rank Achieved] #2 in Related, #321 in Tula, #9 in tagalogpoetry, #67 kaibigan, #3 allinone, #318 pagibig, #468 hugot This is originally made by me. Enjoy reading!!